Press Release
March 26, 2008

Transcript of interview with Senator Mar Roxas on ABS-CBN's 'Umagang Kay Ganda'

Excerpts

On the impending rice crisis:

MAR: Ninanais natin na sana , walang rice shortage. Pero talagang nagmamahal ang presyo ng bigas sa ngayon, at sa aking pagkaalam, supply and demand, e yung demand hindi naman nababawasan iyan e. Araw-araw kumakain tayo ng kanin.

Sa ngayon, P30 na kada kilo. Kahapon lang, nasa Catarman, Samar ako, P32 ang kilo ng bigas doon. Dito sa Nepa-Q Mart, nasa P28-P30. Dati nasa P24-P26 lang. So in the last month, tumaas ito, anywhere from P4-P6 per kilo.

Q: May shortage nga ba? Bakit tumataas ang presyo?

MAR: Iyan din ang tinatanong natin sa DA, sa gobyerno. Ang sinasabi ng gobyerno, walang shortage. Gusto ko rin sanang maniwala na walang shortage, kase gusto natin ng maramihang supply ng bigas sa ngayon. Pero bakit tumataas? Wala na bang kakayahan yung gobyerno na mag-monitor? Wala na bang kakayahan yung gobyerno na usigin ang mga hoarders o manipulators, kung siya nga walang shortage? Talagang may kahigpitan sa supply, hindi lang dito sa amin pero sa international din. Yung dating pinagkukunan natin ng bigas, yung Thailand at Vietnam, sila mismo, kinakailangan na nila ang kanilang surplus, kaya pabawas ng pabawas ang kanilang naibebenta sa mga nangangailangang bansa katulad natin.

Q: Bakit ba tayo umaasa sa ibang bansa, e kaya naman nating magtanim at mag-ani?

MAR: In fact, taon-taon, nag-aangkat tayo ng mga 1 million. Itong taon na ito, ang plano ay 2 million metric tons of rice, na aangkatin. In the markets of Thailand , we paid the highest price, $750 per metric ton. Ang equivalent n'on is P28-P30. Iyon ang pinagbili ng NFA. So iyan ang landed cost, ano na pagdating dito sa palengke? Mas mabuti na harapin ito, na may kahigpitan sa supply, may kakulangan, at ito ang ating gagawin. Mas mabuti ito kaysa sa magbulag-bulagan tayo na walang shortage, everything okay, pero tiisin na lang na P30 na bawat kilo ng bigas.

News Latest News Feed