Press Release
March 31, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar
with Gerry Baja and Anthony Taberna

Q: Napatawag po kami Mr. Senate President dahil meron pong nakabibiglang balita ngayon, na ang Malacañang ay open sa extradition kay Jocjoc Bolante. Saan po ba inabot ang imbestigasyon ng Senado?

SPMBV: Well, hindi nga naming nakausap si Jocjoc Bolante dahil nasa Amerika, I suppose hanggang ngayon, bagamat hindi one hundred percent ng aking kaalaman, ang assumption ko ay nakakulong pa si Mr. Bolante sa Amerika. Yung offer ng government sa extradition, okey naman yon. Kaya lang bigla akong kinabahan ngayon baka kasi yung mga rules ngayon ay heavily in favor ng ating administrasyon nab aka sinasabi nila na puwede na pauwiin si Jocjoc dito, anyway puwede naman na hindi magsalita, invoke na lang ng invoke ng executive privilege, kaya itong nagkakaluwagan ng rules in favor of the government. Nagtaka lang ako bigla naging open at binabasa ko ngayon itong timing ng pag-oopen ngayong panahon na halos wala kaming puwedeng itanong maski sinuman ay hindi ako natutuwa dyan. Ngayon halimbawa, ano lang itatanong namin sa kanya san napunta ang pondeio lalong-lalo ngayon na may krisis sa bigas talagang malaki ang dapat niyang ipaliwanag dahilan sa krisis ng bigas natin ngayon . Syempre ang isang factor dyan ay produkyon ng bigas natin, alam naman natin na nawala ang fertilizer noon at hindi nakarating ang fertilizer sa mga magsasaka, at yun ang hinihiling namin na ipalaiwanag niya dahilan sa maaring hindi lang naman yun ang insidente ng pagkawala ng mga fertilizer, maaring yung ipapaliwanag niya ay magbubunga ng mga disclosures na even yung mga ibang inputs ay nawawala din. Kaya ito'y mahalaga sa paghahanap natin ng solusyon sa problema ng ating bigas, hindi lamang sa ngayon na may krisis, hindi ngayon na nagkakaron ng krisis na ganito nakikita natin na dapat na naman sulyapan ang agrikultura at syempre nagtatanong ang lahat, nakikta nila na mababa ang produksyon natin, and then babalikan na naman yung katanungan , kasi yung fertilizer nawala. Biglang pauuwiin, bigla tuloy akong natakot dahilan ba sa hindi kami puwedeng magtanong.

Q: Nabanggit din ninyo yung naging desisyon ng Supreme Court, nasa anong stage na po ba ang Senado? Ang balita namin meron kayong gagawing pag-apela o motion for reconsideration?

SPMBV: Ginagawa na ngayon yang aming motion for reconsideration ng aming mga abogado. Talagang sa mga pag-uusap usap namin at sa mga eksperto naman sa konstitusyon, talaga namang lahat ay nagsasabi sa amin na medyo maraming dapat ipaliwanag itong desisyon ng Supreme Court, maganda ang aming laban dito. Pwera na alng kung ang magiging boto ay magiging political din o di naaayon sa mga issues. Umaasa pa din kami na ang Supreme Court natin ay magigigng objective dito at nais naman naming masabi na bilang Senado naman ay sumusunod kami sa rule of law at gusto naming i-expose lahat ng legal na bagay bago kami gumawa ng aming inaakalang tamang hakbangin.

Q: ibig sabihin ba nito Mr. Senate President habang hindi nareresolba ng Supreme Court yung ihahain ninyong motion for reconsideration, pwede pong magpatawag ng imbestigasyon ang Senado?

SPMBV: Pwede, ang tingin ko ha dahil hindi pa naman final yan at pwede pa kami magpa-imbestiga dahil hindi pa naman final ang kanilang desisyon.

Q: Papaano po yon Mr. Senate President baka magpatawag po kayo ng hearing eh wala pong sisipot sa inyo dahil meron na pong official declaration ang Malacañang that they will ignore anumang invitation ninyo hanggat hindi ninyo naipa-publish yun pong inyong rules of procedure gaya nung nakalagay sa Neri decision?

SPMBV: Alam mo yan ang aking kinatatakutan, eto nga nagsisimula na ang aksyon ng ating gobyerno Na talagang babalewalain na itong kaisa-isang institusyon, sa Supreme Court medyo marami ang nagsasabi ako'y isa na ron ,mukang naiimpluwensyahan yata pero ayokong gumawa ng ganoong konklusyon. Kami naman bilang huling institusyon na lumalaban pa ay mukang mababalewala dahilan sa rule na ito. Pero sa akin, yung sinabi ni Secretary Ermita nangangahulugan ba na pag pinablish ko bukas yan eh mag-aappear lahat ng cabinet member o baka sasabihin niya eh iba namang usapan yan. Naniniwla kami na hindi kailangan i-publish. Continuing body kami,hindi kami kailangang mag-publish na muli.

Q: So, hindi po kayo gagawa ng aksyon na ipa-publish para lang po matugunan yung sinasabi ng Malacañang at ng Supreme Court?

SPMBV: Sisiguraduhin muna namin yan ay hindi magiging pag-amin na mali kami. Baka mamaya i-publish ko, sasabihin o ayan inaamin na nila na mali sila. Kaya sinisiguro ko muna yung aming legal position dito, madali mag-publish pero gusto muna namin siguraduhin yon.

News Latest News Feed