Press Release
April 16, 2008

Transcript of interview with Senator Mar Roxas on DZMM's 'Dos por dos'

On the food crisis:

Q: What do you think of the President's order to remove NFA rice from stores?

MAR: Palagay ko, lalong lalala ang problemang iyan, dahilan sa ang makikita na lang ng ating mamimili ay yung mamahaling bigas. Naaalala ko noong DTI pa ako, ang pangkaraniwang bigas ay nasa P20-P22 bawat kilo. Ngayon ang pangkaraniwan P28-P30 na e. At kung nawala pa yung NFA rice mula sa pamilihan, ang ibig sabihin niyan ay tanggap na ng gobyerno ang bagong benchmark kung ano ang regular, well-milled rice, nasa P30 per kilo na. Ang mas katapat niyan ay sa international na pamilihan, kung ico-convert natin ang presyo na umiiral doon ngayon, ang landed cost ay papatak ng P32 per kilo. Hindi na talaga iyan bababa.

Unang-una, para malutas natin ito, tanggapin natin na may problema, nang sa ganoon, mapag-aralan talaga ang problema. Ang problema ba ay nasa hoarding? Ang problema ba ay nasa price manipulation? Ang problema ba ay nasa supply chain? Ang problema ba ay nasa international? Depende sa analysis kung ano ang problema, iba rin ang sagot. Depende kung ano ang bacteria o virus, iba ang gamot na ibibigay. Hindi lang na nagtatapon tayo ng pera, mali pala yung iniinom nating gamot.

Q: Sinasabi kase na kahit mga mayayaman ay bumibili ng NFA rice.

MAR: Sa bansa natin, yung tinatawag na mayayaman, halos dalawang porsyento lang iyan. Mahirap naman talaga ang bansa natin. Lahat ng ating mga kababayan naghihirap. Dati P22, P24, P26 per kilo ang bigas, at ngayon na nasa P30 na siya, hindi naman tumataas ang sahod. Ibig sabihin ay halos 50% more ang bawat kaban ng bigas. Ang approach ng gobyerno ay doon lamang sa simptomas - nasa linya, nasa urban centers. Pero ang problema ay ang malaking kakulangan ng bigas sa bansa natin. Ang dapat hakbang natin - papaano makakasiguro tayo na sa susunod na ani, ito ang pinakamasagana, pinaka-plentiful na harvest na magagawa natin?

Q: May statement na ang United Nations sa pagkain. Ano na ba ang pwedeng gawin ng Pilipinas?

MAR: Unahin natin kung ano ang magagawa para sa sarili natin. Una, dapat itigil lahat ng land conversion, lalong-lalo na mga agricultural irrigated lands. Ang daming irrigated lands na na-convert sa either golf course o residential o commercial. Pangalawa, mayroon tayong irrigated at non-irrigated na lupa. Yung non-irrigated hindi naman pwede pangtanim kase inaantay pa yung ulan. Dapat mag-focus tayo doon sa irrigated, ibuhos ang lahat ng resources natin, mga seeds, pesticides, fertilizer, kase doon lang tayo makakahanap ng solusyon sa ngayon, para lalong dumami ang domestic supply natin.

Sa irrigated land, dalawang uri iyan. Yung aking minumungkahi ay yung Small Water Impounding, kung saan mayroon ka nang tubig, at yung cost per hectare is about P30,000 only. Samantala itong mega-irrigation, P100,000 per hectare, at limang taon bago tayo makikinabang dito.

News Latest News Feed