Press Release
April 23, 2008

Transcript of interview with Senator Mar Roxas on 'Unang hirit'

On minimum wage earners' income tax exemption:

Q: The House has a bill on individual income tax. Does this have a counterpart?

MAR: Matagal nang may counterpart ito. Kami sa Senado, isa kami sa unang nagsulong nito, na dapat yung minimum wage ay hindi na magbayad ng buwis, kase kahit ngayon minimum wage ka, kinakaltasan ka yung sa 20% withholding, at hindi mo pa nakikita sahod mo, may kaltas na iyon sa gobyerno. Para sa amin sa Senado, kung minimum wage earner ka, wala nang buwis at wala na ring kaltas na 20%. Ang kalkulasyon sa minimum wage earner dito sa NCR is about P6,000 a month, more or less. So diyan sa P6,000 na iyan, tatanggalin mo pa iyan ng 20% withholding, kaunting-kaunti na lang ang naiiwan sa ating mga manggagawa.

Q: Yung sa wage increase, saan ba dapat ito gawin?

MAR: Mayroong wage boards sa ngayon, at maaari naman silang umaksyon kaagad, na hindi na kailangang mag-antay ng legislated. Mas mabilis kung aantayin yung wage board. Ang tingin namin sa Senado ay, kung ano ang wages, kung ano ang napagkasunduan, bawasan natin yung buwis, na sa ganoon yung take-home pay, yung laman ng bulsa, ay dadami.

On prices of basic goods:

MAR: Talagang nagsitaasan ang presyo ng mga bilihin, at iyon ang dahilan kung bakit nababahala tayo, at sa tingin ko yung reaksyon ng gobyerno natin ay kulang pa rin. Binigyan nila ng pansin yung mga pila, yung pag-distribute ng NFA rice, pero palagay ko yung problema talaga natin pangmahabaan ay rice self-sufficiency. Dapat ibalik natin, buhayin natin muli itong self-sufficiency program natin, at hindi na tayo makakaasa na mabibili natin ito sa pandaigdigang pamilihan yung bigas na kinakailanganan natin.

On the Quality Affordable Medicines bill:

MAR: Malapit na malapit na, at mukhang nagkaroon ng kasunduan. Ngayon, dina-draft natin yung bicameral conference committee report, at ici-circulate ito for signature. Inaasahan natin na sa loob ng isa, dalawang linggo, tapos na itong halos sampung taon nating isinusulong, yung cheaper medicines para sa ating mga kababayan. Sa ngayon, kung ano man ang badyet, talaga namang nababaligtad kung may magkaroon ng sakit sa pamilya.

Mukhang nagkaroon ng breakthrough dahilan sa yung 'generics-only' ay maaaring talakayin sa ibang panukala na lang, na sa ganoon maisabatas na nga itong Cheaper Medicines Act na ito.

News Latest News Feed