Press Release
April 28, 2008

Transcript of interview with Senator Mar Roxas on DZBB with Joel Reyes Zobel

Q: May alegasyon na na-water down daw itong bill.

MAR: Kalokohan ito, dahilan sa lahat ng kapangyarihan, lahat ng poder, lahat ng sanctions, lahat ng parusa ay nandiyan pa rin sa bill. Ang kakaiba lamang ay, dito sa naaprubahan, Pangulo at saka Secretary of Health ang siyang susubaybay dito, at yung ginugusto ng iilan, hindi lahat pero ng iilan na sa Kamara ay isang board ang siyang susubaybay dito. Iyon lang ang pagkakaiba, pero lahat ng probisyon, yung poder, yung powers, yung authority, yung immunity from TRO, lahat iyan nakapaloob sa bill. Kaya nagtataka lang ako kung bakit idinidiin itong board, e baka may napipisil sila, may plano na silang mga kamag-anak or iba pa na ilagay diyan sa board na iyan, dahilan sa palagay ko ang board, hindi transparent iyan. Magtuturuan lang ang mga board members na iyan kung bakit mahil ang presyo ng gamot. Mas mabuti na may Secretary of Health, may matatawagan tayo, may matatanong tayo, at mayroon tayong masabi na dapat i-fire out na iyan, kung hindi niya ginagawa yung kanyang trabaho. Sa board, diyan nangyayari ang suholan. Kaya nagpapasalamat kami kina Chairman Alvarez, Vice-Chairman Locsin, Vice-Chairman Cua, Vice-Chairman Duavit at sa ibang mga miyembro ng Kamara na sinang-ayunan na ito, na ituloy na ito na sa ganoon makakatulong tayo sa ating mga kababayan laban sa sobrang mahal na gamot.

News Latest News Feed