Press Release
April 29, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas interview on ABS-CBN's 'Umagang Kay Ganda'

On the Quality Affordable Medicines Act (with Pinky Webb)

Q: I have to say Congratulations.

MAR: Hindi pa naman, kapag napirmahan na ito. And the congratulations belong to the people.

Sampung taon na nating isinulong ito, ipinaglaban ito at nilabanan ang mga multinational companies, finile-an tayo ng kaso. Hanggang sa ngayon they're harassing us. Sumulat sila through the US Trade Representatives sa ating gobyerno, na pag napasa ito, babawi sila sa iba pang mga paraan. Pero nandito na tayo at isusulong natin ito.

Q: Matagal mo nang isinusulong, pero may nagsasabi na minadali siya para sa May 1.

MAR: Hindi naman. Actually, four months tayo naka-standstill sa bicam, because of this generics-only na isinusulong ng House na okey naman, pero palagay ng Senado, hindi napapanahon. Ang problema ng Senado dito sa generics-only provision ay hindi na mabibigyan ng pagkakataon ang doktor na magrekomenda kung anong brand ng gamot ang dapat inumin ng pasyente. E ang doktor ang nakakaalam sa medical history ng pasyente, kung anong hiyang, kung anong allergies, ano yung dapat bantayan na contraindications. Doktor lang iyon e. Kung hindi iyon nakasulat sa reseta, bale salesgirl ng botika ang siyang magrerekomenda o pipili kung anong gamot ang ibibigay sa pasyente, e baka lumala pa ang sitwasyon.

Sang-ayon sa batas, sa kasalukuyan, nandiyan talaga yung generic name. Yung brand ang nasa baba, ang supposed to be na uunahin sa reseta ay yung generic name. Ngayon, pwedeng tanungin sa doktor, mahal ba ito? Ano pa bang pwedeng maiinom kung hindi pwede dito? At pag dating rin sa salesgirl, pwede rin tanungin iyan.

By the way, one of our problems also is that, sang-ayon sa Pharmacy Law, supposed to be bawat botika, may pharmacist na educated para magbigay ng alternatives. E hindi naman natutupad iyan e. Marami sa ating botika nakapaskil lamang yung certificate, pero yung pharmacist mismo, wala doon, lalong-lalo na sa probinsya. Iyon ang dahilan kung bakit, kami sa Senado sinasabi namin, siguro dadating ang panahon, kung maayos na ang ibang mga kondisyones, na mag-ge-generics only tayo, pero huwag sa ngayon.

Q: Bakit ang price regulation ay nasa responsibilidad ng Secretary of Health at Pangulo?

MAR: Mas maganda sa palagay namin na mayroong isang tao [kaysa isang board]. Sinong sisisihin natin, sinong tatanungin natin, sinong iimbitahin natin dito sa 'Umagang Kay Ganda'? E kung board iyan, magtuturuan lang iyan e.

Ang ating karanasan sa board ay hindi maganda. Madalas diyan nilalagay o niluluklok ang mga talunan sa eleksyon, yung iba pang mga kamag-anak ng mga nasa poder. At palagay ko mas mabuti na mayroong isang may accountability at may decision sa mga bagay na ito. Lahat ng poder para mag-set ng price ceiling, para mag-impose ng sanctions, gawin ang lahat para maisakatuparan ito, ay nandiyan sa panukala. Ang kaibahan laman ay ibinigay natin sa Secretary of Health at saka sa Pangulo para may accountability and transparency.

Q: Hindi ba naiimpluwensiyahan rin ang Pangulo at Secretary of Health?

MAR: Kung mayroong panunuhol, mayroong efforts, talagang mangyayari iyan, whether limang tao o isang tao iyon. Pero palagay namin na kung nasa isang tao iyan, mas mahirap iwasan yung kanyang responsibilidad. Mas mahirap ipaliwanag dahilan sa nakapuntirya sa kanya lahat ng tao, lahat ng tanong, lahat ng camera, lahat ng media, lahat nandoon e. Hindi niya pwedeng sabihin, 'actually sa akin okey yun, pero yung ibang board members na-outvote ako'. So mas mabuti na andiyan. Mas madaling intindihin, at mas madaling alamin kung sino dapat sisihin.

Ang issue dito was not price ceiling. Ang price ceiling nandiyan talaga. It was just kung sino ang magpapatupad nito, whether it's a board na nameless, faceless, hindi natin alam, o kaya mayroon talagang isang tao na ipinagkaloob sa kanya yung poder.

Q: Mayroon pa kayang hahadlang sa pagpasa nito?

MAR: Sana wala naman. Sa pinaka-last report ko kagabi, there were about 10 members of the House out of 14 in the panel who have already signed the bicam report. Kami naman sa Senado, 3 out of 3, Senator Juan Ponce Enrile, Senator Pia Cayetano and myself have already signed it as well.

News Latest News Feed