Press Release
May 13, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

On POWERCOM Hearing:

A: Yung hearing kahapon tungkol lamang sa Meralco at Meralco franchise areas na Metro Manila at katabing mga probinsya. Paano naman yung mtaas na kuryente sa Visayas at Mindanao at iba pang part eng Luzon. Sana matingnan din iyon at maibsan at magawan ng paraan yung mataas na binabayaran n gating mga kababayan at hindi nalilimitahan lamang sa away at banagyan sa pagitan ng GSIS, ng Meralco at Napocor na tila na nakakaligtaan na ang interes ng mga consumer.

Malaki at mayaman ang GSIS, malaki at mayaman ang Merlaco at Napocor, kaya nilang ipagtanggol ang sarili nila. Subalit yung mga ordinaryong consumer, di nila kayang ipagtanggol mga sarili nila sa harap ng tatlong dambuhalang kompanayang ito, so marapat sa lahat ng mga pagdinig, ineters lagi ng mga consumer ang laging isaisip at huwag tayong madamay sa away ng tatlong mga dambuhalang kompanayang ito.

On Garcia's suggestion to break meralco's franchise:

Ginawa yan sa MWSS, sa NAWASA tama siya binreak-up nga pero hindi ba't yung isa umubra yung isa hindi umubra. Kinailangan pang bilhin uli ng pamahalaan yung isang dati nang ibenenta dahil sa isinagawang pagbibi-break up. Hinsi ganun kadali at hindi ganun kasimple gawin ang bagay nay u, at isa pa, tila baligtad ang interes ng GSIS sa interes na ipinaglalaban niya kahapon doon sa hearing. Dahiol kung ating susuriin hindi ba dapat matuwa siya na kung malaki ang kita ng Meralco dapat matuwa ang GSIS at mga miyembro nito dahil malaki rin ang kikitain nila para pababain niya ang kita ng Meralco para bumaba din ang presyo ng kuryente eh di liliit rin ang kita at interes ng kaniyang mga miyembero. Di kayang pagsabayin ang interes ng dalawang yun sa nakita kong isinususlong niyang pagpapababa ng kuryente.

Dun sa argumentong nagbabayad din naman ng kuryente ang mga miyembro ng GSIS, oo pero sa metro manila. Paano yung mga miyembro ng GSIS sa labas ng metro manila partikular sa balance of Luzon, visayas at Mindanao, di sila magbebenipisyo sa gagawing ito ng GSIS. At marahil tamaan pa yung kanilang mga interes bilang mga subscribing member ng GSIS.

On meralco's operational expenses being passed on to consumers:

Lahat ito dumadaan sa ERC, di lang siguro naipaliwanag, di naman ako naniniwala na ganun kasama ang ERC o Meralco dahil ipapasa din naman sa atin yun kapagka mula sa kabilang bulsa ipapasa sa kabilang bulsa lalagyan pa at papatawan din naman ng buwis yan na ipapasa din naman sa ating mga consumers. Accounting method yun na pinahintulutan ng ERC at siguro magandang itanong din natin sa isyung ito, kung talagang mali ang singil, bakit pinapayagan ng ERC, kung talagang mataas ang singil at pwedeng babaan, bakit pinapalusot ng ERC samantalang regulated industry ito at hindi basta-bastang pwedeng magtaas ng presyo ang sinuman.

On Meralco's petition:

Sang-ayon ako kay Sen. Santiago kahapon, nagbabangayan ang Meralcoa at Napocor sa hearing at sa pahayagan pero tila nagkakaisa naman sila sa pagpasa ng mga utang nila sa ating mga consumers. Sang-ayon din ako ke Sen. Santiago na wag payagan yan ng ERC at eto ang nagpapatunay dun sa sinabi ko kanina na walang pagtataas kung di pinapayagan ng ERC. Na-create ang ERC para bantayan ang kapakanan ng mga consumers, at sana yun nga ang kanilang ginagawa bilang mga opisyal ng pamahalaan at bilang mga swelduhan ng mga kababayan natin.

Kayang pataasin ang profit at the same time pababain ang power cost:

It cuts both ways palagi. Wag nating kalimutan ang mga issue sa GSIS. Kung nanghihingi ng transparency ang GSIS sa Meralco, dapat lang at tama yun. Pero dapat me transparency rin ang GSIS sa kanilang pagpapalakad. Tamang ilabas sa publiko magkano ba ang ibinabayad sa mga executives ng Meralco, tama rin lang na dapat ilabas rin sa publiko magkano ba ang ibinabayad sa mga executives ng GSIS. Magkano din ba ang mga pondong ginagamit nila kaugnay ng kanilng mga Gawain. Marahil matapos siguro malinis ang bakuran ng GSIS kaugnay sa mga isyung ibinato sa GSIS marahil dun lang nila pwedeng sabihin kaya din nila yan sa ibang kumpanya saka-sakaling sila ang magte-take over.

On cross ownership:

Bakit bumibili ang meralco sa sriling IPP nila kapag off-peak hours kung saan mababa ang presyo at sa napocor kapag peak hours kung saan mataas ang presyo. Sa totoo lang, dib a dapat mas magalit tayo kung bumibili ang meralco sa sarili nilang ipp pag peak hours kung saan mataas ang presyo at mas malaki ang kita nila. Dapat lang naman talaga bumuli pag off-peak para mas mababa ang presyo. At kung bibili man sa labas pag peak hours, bibili lang kapag kulang na.

Sa punto de bista ko, mas magaglit ako pag bumili sila sa sarili nilang IPP kapag peak hours dahil mas mataas ang demand, mas mataas ang presyo at mas malaki ang kita ng kanilang mga IPP kung yun ang kanilang gagawin.

On cross ownership:

Pinayagan ng Epira yan at yan ang dahilan kung bakit hindi ako bomoto sa Epira noon. Yung cross ownership patungkol sa distribution, generation, at trasnmsission kaugnay ng pagdedeliver ng kuryente sa ating mga consumers. Tutol ako noon pa man sa ganyang sistema.

On GSIS take-over of meralco:

Hindi ako sang-ayon. For one, walang expertise ang GSIS upang gmapanan ang tungkuling ito, two, sariling bakuran muna kailanagng ipakitang maayos bago gawin sa bakuran ng iba, three yung interes ng miyembro baka baligtad dun sa interes na ipinaglalaban sa pagtake-over ng meralco, at panghuli,, kung napocor ang gagawin nating batayan na gobyerno ang me ari at magpapatakbo sa negosyong ito, hindi magandang basis para itake-over ng pamahalaan yan.

News Latest News Feed