Press Release
May 20, 2008

NOYNOY: ISANG MALAKING KAWALAN SI KA BEL

"Lubos kong ikinalulungkot ang biglaang pagpanaw ni Kong. Crispin Beltran. Isa siyang malaking kawalan sa buhay pulitika sa ating bansa. Nais ko pong ipaabot ang aming pakikiramay sa kaniyang pamilya."

"Sa pakikipag-ugnayan ko po kay Ka Bel, nakita ko ang katapatan at determinasyon na makamtan ang tunay na pagbabago sa ating bayan. Maaaring nagkakaiba kami ng paniniwala at pananaw sa ilang isyu, ngunit tuwing siya ang kaharap ko, may kapanatagan ang aking kalooban na siya ay totoo at hindi nagbabalat-kayo. Ito ang pag-uugaling taglay niya na naging daan sa pagsulong ng mga repormang ninanais niya di lamang para sa sarili, ngunit para sa ating lahat."

"Malaki po ang puwang na iniwan ni Ka Bel. Umaasa ako na ipagpapatuloy ng kanyang mga kasamahan ang pagsusulong ng reporma sa pamamagitan ng legal at demokratikong prosesong pinaniwalaan niya."

News Latest News Feed