Press Release
May 20, 2008

Transcript of interview with senator Chiz Escudero

On the death of Anakpawis Partylist Rep. Crispin Beltran...

Taos-puso kaming nakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Ka Crispin Beltran, nagkasama kami sa Kongreso at hindi karapat-dapat na pumanaw siya dahil kailangan pa sana siya at marami pa sana siyang magagawa sa ating bansa.

On the appointment of Atty. De Lima as new CHR chair... to prioritize cases of involuntary disappearances like of Jonas Burgos'...

Definitely, malaki ang pag-asa at paniniwala ko sa kakayanan ni atty. De Lima na magagampanan niya nang tapat at mas maganap siguro kaysa sa mga nagdaang commissioners ang papel na dapat ginagampanan ng Commission on Human Rights. Kanya nga lang nakita na natin ang sitwasyon kung saan lahat ng commissioner naretire ng sunod-sunod, marahil dapat baguhin at ikonsidera ng Pangulo at ng Kongreso siguro stagger yung term dapat ng mga commissioner para may naiiwan palagi para magpaalala at magsabi kung ano ang ginagawa ng komisyon noon, hindi tulad ngayon magsisimula sa simula si chairperson De Lima at wala man lang pede siyang asahan na maiiwang commissioner doon na nanilbihan bago siya umupo at bago siya natalaga...

On status of pending Senate bills on involuntary disappearances and anti-torture...

Yung torture bill nasa plenary na, pinegdedebatehan na at nakakadalawang interpellators na kung hindi ako nagkakamali. Yung extrajudicial killing hindi bill yung meron kundi resolution na iniimbitigahan at kasalukuyang nasa technical working group at nakadalawa na yata silang pagdinig sa TWG para makalap yung mag impormasyon kaugnay sa iba't-ibang kaso ng extrajudicial killings.

On the issue cuddling Lozada, Madriaga by the Senate... the expenses incurred for them...

Kailangan alamin natin ang breakdown ng cost non, mahirap naman magsabi na pati yung byahe niya sa iba't-ibang eskwelahan ay charged nga sa senado kung saan mang pondo ng senado. Sa aking paniniwala hindi kayang bitiwan at hayaan na lamang ibilad sa araw si Ginoong Lozada pati na rin si Ginoong Madriaga matapso nilang tumestigo sa senado. Bagaman walang bata na nagrerequired na nagsasabing ganito nga ang dapat gawin I think the senate and the senators have the moral obligation and responsibility to Mr. Lozada and Mr. Madriaga as far as practicable as far as it can needed security and accommodations for as long as we can.

Should the funds come from the senate itself or from the senators themselves...

Hindi ko kabisado ang accounting procedures at kung ano ano yung pedeng i-charge either as committee expense or as an expense of the senate sergeant-at-arms. For example hindi ko pa alam yung breakdown ng P600,000. (P1.4 daw) yugn suweldo ba ng OSAA naka assigned sa kanya because to my mind that's not an additional cost ha. Yun pa rin ang suwledo gn security yung nga lang kumonti ang security ng senado dahil nakadetail sa kanya pero hindi additional cost oif at all, hindi naman lahat may OT (over time)

Based on the documents may transportation, oil expenses, OT...

So service vehicle if ever, magandang tingnan may committee on accounts naman ang senado na pwede at marapat tumitingin sa mga gastusin ng senado pero s puntong ito kung kaya rin naman ng senado naniniwala ako at kugn hindi naman mapagsamantala ang mga gastusin naniniwala ako na dapat balikatin ng senado ang seguridad ng dalawang testigo.

Hindi daw dapat balikatin ng mga senador...

Kung may may magbo-volunteer ba bakit hindi, kakalabas lang ng SAL pangalawa ako sa pinakahuli kaya hindi naman siguro pedeng manggaling sa akin yon.

Senate is being blamed sa malaking paggastos daw, roughly over P2 million...

As I said there's a committee on accounts that should be looking into and I believe the minority is also represented there or I think the minority leader is the automatic member of the committee on accounts.

Sabi ni sen. Alan peter Cayetano nakatipid pa nga ang gobyerno dahil hindi nagastos yung almost P5 billion na kickback pa lang...

Kung yon ang gagamitin mong batayan palagi naman tipid yon eh pero anuamng gastusin na hindi tama kahit na piso lang saying pa rin, so kung dating P16 billion yung natipid dahil hindi natuloy yung transaction o deal na hindi naman kailangan eh di kung may gastusin din sumobra sa dapat ginastos eh di plus P1 pa o P100 yun palaging hindi rason na hindi tama ang paggastos ng pera porke't lang mayroon kang malaking natipid o windfall, I don't think that's a justification.

Do you accept DOF option to keep the EVAT but provide some sort of subsidy or dole outs...

That is similar to a coupon system, ang problema sa coupon system prone to abuse and if at all corruption, pinag-aaralan pa rin ng sneado ang pag-exempt, pag-alis ng VAT sa produktong petrolyo o pagsuspinde dito kaya lang tali ang kamay ng senado kailangang manggaling muna ito sa Kamara de Representantes dahil revenue measure. Naghahanap pa kami ng paraan kung paano maipalabas ang panukalang batas na hindi na kailangan pang hintayin pa ang Kamara although there is a glimmer of hope dahil sa mga paper yesterday or today Speaker Nograles said something about being open to amending the law with respect to the VAT imposed on oil and power.

On tax on tax like VAT on royalty being collected...

Yung sa kuryente marami tayong pedeng ibawas na ipinapataw na iba't-ibang ahensiya ang pede at dapat gumawa. Halimbawa ang VAT sa kuryente ang pede lang mag-alis nyan ay Kongreso, the House and the Senate. Yung VAT sa franchise tax, yung VAT sa royalty, yung VAT sa systems loss BIR lang pede nang alisin yung sa pamamagitan ng revenue regulations. Yung pagpapababa ng systems loss o pag-alis ng bill sa systems loss ERC lang pede nang gawin yun at may kapangyarihan sila. Yung pag-alis at pagpapababa ng royalty ang Presidente lang pede na ring gawin yon. So ibat-ibang level, ibat-ibang antas, ibat-ibang paraan ng pagpapababa na pedeng gawin ng ibat-ibang ahnesiya o participants sa sector na ito.

Without waiting for Congress...

Ang Congress lang don yun VAT, all the rest can be done administratively by either the President, BIR or the ERC.

Sabi mo yung VAT can be removed by the BIR...

Yung VAT on the systems loss, the franchise tax and on the royalty because you cannot impose a tax on tax. Neither you can impose VAT on systems loss because it is neither a good, neither it is a service. So in its own interpretation of the law will suffice via a revenue regulation or a revenue memorandum circular. Hindi na kailangan pang bagong batas para klaruhin yon, dahil ang intension talaga na VAT buwis yan sa goods at services, yung nawala at ninakaw na kuryente kahit anong klaseng pangarap at panaginip ang pedeng gawin mo hindi pedeng maging goods at service yung nawala at ninakaw na kuryente.

There was a testimony in the Powercom na there's a separate VAT for generation, transmission...

Maki-credit naman yon via the input VAT, they should be credited. So sa dulo hindi dapat nagdodoble doble yon.

How will BIR do it, yung systems loss...

Via a revenue regulations, in fact we have a hearing on Thursday sa oversight committee ng CTRP wherein we will be asking the BIR to precisely do that.

Taking VAT away from oil products will that affect the revenue...

The estimate range anywhere from P34 billion to P51 billion revenue loss if you remove the VAT on oil depending on the quantity being imported in any given year or months for that matter. But if you compute also the economic activity as a result of that money being placed in the pockets of consumers yung net revenue loss mo mas maliit pero wala pang computation ang Department of Finance hanggang sa ngayon pero kung susunduin halimbawa an gang panukala ni Senator Roxas anim na buwan lang naman eh, so kung ang revenue loss mo ay is anywhere between P34 billion to P51 billion it's actually P17 billion to P25.5 billion at may sunset clause pa na hindi naman forever tatanggalin.

On paid ad na lumabas criticizing you na pro-Meralco daw kayo, including other legislators...

Magandang malaman kung sino muna yung nagsasabi at nagbabayad ng paid ad, pangalawa hindi ko maintindihan kung bakit at papaano ako nasama sa paid ad ni hindi ako member ng Powercom, ni hindi at dumalo ng Powercom hearing. Panagtalo kung may duda at pag-aalinlangan ang sinabi lang naming kaugnay non ay dapat hindi lang mataas na presyo ng kuryente sa Meralco franchise area ang tingan ng senado pati ang mataas na presyo ng kuryente sa labas ng Metro Manila particular na sa labas ng franchise area ng Meralco. At kung magbabangayan lang ang Napocor, GSIS at Meralco malalaking bata na sila kaya na nilang ipagtanggol ang mga sarili nila tatayo at ipagtatanggol naming palagi yung ngalan ng consumer. Naniniwala ako na sinoman ang nasa likod nyan, isa sa tatlo o dalawa sa tatlo, o yung tatlo hindi ko talaga alam hanggat hindi nila sinasabi kung sino sila.

Wala na kayong planong lamain kung sino yung nasa likod ng ad...

Part of the hazard of the tarde yon eh. Bahagi yun sa hazard ng isang public official ang pamintasan ang hindi sumang-ayon dahil hindi pedeng maging balat sibuyas ang mga opisyal ng gobyerno sa simpleng kritisismo lalong lalo na kung alam mo naman na hindi totoo, hindi ka dapat paapekto roon.

Papaano kung maniwala ang mga tao...

Kung hindi naman siguro totoo yon hindi naman siguro ganoon kadaling paniwalain ang mga tao sa isang advertisement lamang.

Lahat ba to may kinalaman sa May 27 stockholders meeting...

I honestly do not know, ni hindi ako stockholder at hindi ako makakaboto. So hindi ko alam kung ano ang epekto noon.

Ano sa tingin mo ang objective...

Pampaingay lang siguro, dagdag isyu, sumagot sa mga bumabanat, nagbabanatan sila, naghahanapan ng kadamay. Ang problema sa lahat ng away at bangayan na ito ang tanong may panukala ba sila para babaan yung presyo ng kuryente, yung nagbabangayan.

ERC Chair Albano says partly to be blamed yung mga legislators dahil kayo ang nagpasa ng batas, VAT sa systems loss...

Sa ilalim ng batas pedeng pababain at dapat pababain ng ERC ang systems loss, in fact batas ng Kongreso ang anti-pilferage Act which sets the ceiling at 3.5 for transmission, 9.5 for distribution urban and 14 percent for distribution rural. But the Epira also give the ERC the power to reduce these caps on the systems loss. Pangalawa yung VAT siguro yung ibang congressmen ang sabihin nya dahil hindi ako bumoto sa VAT. Pangatlo lahat ng sinisingil ng Meralco sa atin at lahat ng cooperative dumaan sa ERC so kung may maling singil ibig sabihin may maling ginawa ang ERC. Madalas kong sinasabi na yung mga pribadong kumpanya na hindi naman suweldado ng gobyerno at ng taongbayan kung gusto nilang kumita eh di kumita sila, total naman profit-oriented ang habol ng negosyo na gustong kumita, pero yung mga opisyal ng gobyerno na pinapasuweldo natin at pinanunumpa natin at sumumpa na ipagtanggol tayo hindi ko matanggap kung bakit may makakalusot ng ganoong klaseng sobrang singil, kung may sobra nga.

Parang sinasabi nyo na linisin muna nila Albano yung sarili nila bago manisi ng iba...

Hindi naman, kung mayroon silang suggestions na amendment sa Epira tinatanggap naman naming yon at sa lahat ng haering imbitado sila. So kung may pagkakamali yung Kongreso sa Epira ano yon, magandang malaman at nang mabago pero mahirap sabihin na kasalanan ng Kongreso kung bakit ganyan nang wala naman silang sinasabing dapat baguhin sa batas

Hindi naman siguro papayagan ng ERC yan, yong sabwatan...

Hindi dahil bilang opisyal ng gobyerno we should exercise oversight on government offices and agencies, gaya nga nang nasabi ko kung gustong kumita ng mga taga Meralco, negosyante sila eh, pero kung gustong kumita ng mga taga ERC hindi pede yon.

Bakit hindi na alang gumawa ng legislation ng walang gray area, walang 3.5, walang 9.5 percent...

There is a bill filed already by senator Legarda to that effect. My bill to the effect of reducing the caps, kung ano yung cap na yon at saan galing yon cap at yon percentage na yon hindi ko alam.

Bakit hindi na lang tanggalin ying systems loss...

Ang practice sa buong mundo mayroon palagi kasi walang negosyong magiging viable kung hindi gagawin yon. Ang tanong lang yung cap at yung level of efficiency mayroon bang incentive ang mag kumpanya yung mga kumpanya at kooperatiba na babaan yung systems loss o dahil hindi gumagawalng yung systems loss okay lang, hayaan mo na yan dyan. I think what the government should do is to provide an incentive to lower the systems loss to an acceptable level. Halimbawa sa 9.7 perecnt actual systems loss ng Meralco sa nagdaang quarter ang cap ay 9.5 so binabalikat nila yung .2 percent. Of the 9.7 percent, 2 percent don ay pilferage so ang pilferage ako sa akin klarong kailanagng tanggalin yon.

Yung ninakaw na kuryente obligasyon nilang bantayan na wag nakawin, so dapat mong pababaan yung systems loss at the very least to 7.5 where it is right now at 9.5.

On death penalty...

Tutol ako sa pagapapabalik ng death penalty sa simpleng dahilan hindi kayang pigilan ng parusang kamatayan ang karumal-dumal na krimen na ginagawa ditto sa ating bansa. Kung naaalala yon si Leo Echagaray ang kauna-unahang tao na ginawaran ng parusang kamatayan matapos itong maibalik pero sa parehong lingo matapos siyang patawan ng parusang kamatayan mayroon pa ring gumawa ng parehong krimen na ginawa niya, ang paghalay at pagpatay sa isang batang babae. Hindi pruweba at hindi patunay na kapagka may parusang kamatayan ay hindi na gagawin ng mga pusakal at criminal yung malalalang krimen na ginagawa nila. Pangalawa imperfect an gating legal system kung saan lamang palagi yung mayayamang kayang magbayad ng magaling na abogado. Kawawa lagi ang mahirap na walang abogado o hindi kayang magbayad ng abogado. Kapagka pinatawan mo ng parusang kamatayan tiyakin mo lang na ang legal system mo ay perpekto dahil kung hindi mahirap konsensiyahing may mapapatawan kang parusang kamatayan na inosente at wala naming kamatayan.

News Latest News Feed