Press Release
May 26, 2008

KIKO: FREE-TXT MOVE A QUICK FIX

The recent proposal of Transportation and Communications Secretary Leandro Mendoza to make text messaging free is like using it as a sticking plaster, Senate Majority Leader and Independent Senator Kiko Pangilinan today said.

"Bakit ngayon lang nila naisip ito? Kung sa tingin nila ay sinasamantala tayo ng mga telecom companies sa pagsingil sa text messaging. Bakit pa nila ito ipinaabot ng matagal na panahon? Dahil ba sa ang ilan sa kanila ay mga campaign contributors? Wala itong pinagkaiba sa ginagawa nila ngayon sa Meralco, sinisisi nila sa mataas na singil sa kuryente pero kung sila ay may ginawang hakbang noon pa hindi natin ito sasapitin." Kiko said.

SMART Communications started the text messaging system in 1999. Both Smart and Globe obtained permits from the government to charge SMS service.

"Isang mahalagang aspeto ng ating pamumuhay ang komunikasyon. Tinagurian tayong texting capital ng buong mundo. Ang text messaging ay isang murang paraan upang maabot ang ating mga mahal sa buhay. Kung dahil sa mga iresponsableng suhestiyon ng gobyerno ay masisira ito. Mabuting maging mapanuri at mapagbantay tayo dahil kung ginagawa lang nila ito upang pagtakpan ang iba pang mga mabibigat na suliranin ng ating bayan, nagkakamali sila. Sa ngayon ay nagbabanta na ang mga kumpanya ng telekomunikasyon na posibleng maapektuhan ang kanilang serbisyo sa text kung gagawin itong libre. Isaalang-alang sana nila ang kapakanan ng taong bayan kung dapat itong gawing libre gawin ito agad upang maibsan kahit paano ang patung-patong na kahirapan ng mga Pilipino, pero kung ang bagay na ito ay lalo lang makakasama at magdudulot ng message sending failed, mabuting huwag na lang" Kiko ended

News Latest News Feed