Press Release
May 27, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

Approved na finally yung tax exemption bill...

Approved na sa third and final reading yung exemption sa minimum wage earner at pagtaas sa personal at additional exemption para mabigyan ng additional relief at mas malaking take home pay an gating mga kababayan para matustusan ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng bilihin.

Kaibahan ng Senate at House version...

Well ang bawi ng House ay SNITS, simplified net income tax scheme, ang bawi ng senado ay 40% optional standard deduction sa corporation. Ang proposal ng Kamara sa amount pareho sa proposal ng senado. Sana walang masyadong maging problema at mapasa na ito bago kami mag-adjourn at mag-recess.

May mga request ang ilang mga senador pagdating sa bicam...

Iti-take into account naming yun pero gaya nga ng nasabi ko sa kanila ihihirit naming yon pero hindi ko papayagan na maantala ang pag-arpruba nito dahil sa mga karagdagang panukala. Buti nang may makuha tayo nagyon ng ganito kaysa wala tayong makuha at tumagal pa ito.

Ano yung hirit nina Sen. Pimentel at Zubiri...

Sang-ayon naman ako doon na mabigyan ng mas mataas na exemption yung mga pamilyang may sinusuportahang dependent na handicapped. Para sa akin tama yon pero marahil hindi man ditto sa bill na ito sa iba o sa darating na mga bill at nagcommiet naman ako na tututukan ko rin yung panukalang batas na yon pagnakarating sa amin.

May target kayo para tapusin ang bicam...

Sana bago magrecess, hindi lamang sa bicam maapprub ito at maratify ang bicameral conference committee report para mapirmahan ng Pangulo bago pa man pumasok o pumatak ang buwan ng Hulyo.

Gaano itataas ang take-home pay ng mga manggagawa...

Ang estimate naming more or less P34 per day ang take home pay ng minimum wge earner, mataas pa yan sa binigay ng regional wage board sa Metro Manila na P20 lamang.

Yung SNITS wala sda original House version yon at siningit sa Floor yon so wala sa original committee report yun dahil nagdemand ang DOF na dapat may bawi. Eh eto yung OSD ay endorse din naman ng DOF so parehong bawi sa gobyerno, it doesn't make a difference, it should not make a difference.

Yung proposal ni Sen. Santiago...

May karagdagang suggestion si Sen. Santiago para ma-improve yung bill at tiningnan at pinaliwanag naming yun at sinabi ko yun ss kanya na napakalaking pondo ang mawawala sa pamahalaan kung yon nga ang gagawin naming sa bill, more or less P9 billion, plus P6 billino, plus P4 billion or a total of P19 billion ang karagdagang revenue loss na mahirap habulin o hanapan ng panakip kung yon ang gagawin. Mas maganda sana na mas malaki ang maibigay nating exemption para sa ating mga kababyan pero sa puntong ito ito lamang ang kaya ng goyerno pero maski na papaano mas malaki pa rin sa umentong naibigay ng mga regional wage board sa ating mga minimum wage earners.

Ang sa version ng House SNITS ang sa Senate...

Optional standard deduction parang administrative amnesty ito, ibig sabihin kapagka ang kini-claim mo ay 40% lamang na deduction no questions ask, hindi na io-audit ng BIR yung mga dokumento o mga resibo mo. Option ito at Malaya ang taxpayer na huwag mag-avail sa option na ito, pero ayon sa nakaraang karanasan ng BIR nag-a-avail ang mga taxpayer dito maski na mas mataas ang kanilang binabayaran kumpara sa mga deductions na iki-claim nila dahil una wala na silang hassle na matatanggap galling sa BIR. Pangalawa hindi na sila magtatago ng ganoong karaming dokumento o pruweba para patunayan ang kanialng mga deductions. Conservative ang estimate ng DOF ditto, 10% sa individual OSD at 3% lamang sa corporate OSD at sa totoo lang kung mas marami ang mag-avail at sa tingin naming yon ang mangyayari sobra pa ang makukuha ng gobyerno na revenue at masi-simplify pa natin yung tax administration natin, maaalis pa natin ang discretion na pinagmumulan ng korapsiyon sap arte ng BIR.

Payag ba ang mga corporation sa 40%...

From zero yan ha, walang OSD noon, ito ang unang pagkakataon na nag-aalok ng OSD o optional standard deduction an gang gobyerno, kayat ang availment rate ay 3% lamang ang estimate. Attractive ito sa mga maliliit na corporation na walang accountant at accounting firm na pedeng magmaintain ng kanialng mga libro para ipakita at patunayan yung kanialng mag deduction. Sa malalaking kumpanya hindi ito attractive dahil dati na silang may paraan para maka-claim ng deductions na umaabot hanggang 79%.

Papaano yung mga pahabol na amendement ni Miriam...

Id discussed it personally yon sa kanya kanina pero on the record sinasabi ko rinna umaabot sa kabuuang P19 billion na karagdagang revenue loss yung mga panukala. Gusto man naming ibigay sa puso at sa isip hindi maisagawa sa ngayon dahil napakalaki ang mawawala sa pamahalaan na marahil ay makaapekto sa fiscal position ng gobyerno.

As is ngayon, gain ang gobyerno ng P780 million, kulang-kulang P1 billion dahil don sa OSD for individuals at OSD for corporations. Walang eksaktong bawi ito dahil optional lamang ito dahil maiimprove natin yung paraan ng pagkolekta ng buwis doon natin essentially kinuha ang bawi sa mas maganadng sistema nang pagkolekta at binawasan na discretion ng BIR.

Sa individual sino ang pedeng mag-avail...

Kahit sinong may negosyo, single, individual, professional o self-employed.

On OSD...

Nanggaling ang panukala yan sa DOF at BIR para may bawi sa revenue loss sa pamamagitan ng exemption na ibinigay, ang version ng senado na optional standard deduction ay endorsed din ng DOF at binigyan din ng certification ng Malacanang so parehong aprubado ito sap unto de vist ng gobyerno at pagkakaiba lang talaga ng opinion kung paano isasagawa yung bawi. Ang tingin ko kasi sa SNITS galling na tayo dyan noong 1993 umalis at iniwanan natin yung SNITS noong 1997 at ang panukala ay bumalik na naman tayo dyan at sa pamamagitan ng paglagay ng cap sa deductions lumalabas na nagpaptaw tayo ng panibagong buwis sa self-employed, sa professionals at sa individual para may pambawi tayo doon sa kinuha natin at ibinigay nating exemptions sa minimum wage earner.

Ano yung mas pinapaboran ng DOF, yung SNITS o OSD...

Pareho, sap unto de vista nila pareho ang epekto sa kanialng pinanggagalingan.

Ano yung mas mahirap kuwentahin...

Sa simple SNITS noon, umalis na tayo sa SNITS after 11 years babalik na naman tayo sa SNITS, parang nageeksperimento tayo ditto sa pagkakataong ito. Ang OSD ay isang bagong mekanismo na iniendorso din naman ng DOF at ng BIR na siguro dapat ay subukan naman natin sa puntong ito bago tayo bumalik sa sinibukan natin noon at tinalikuran at binitiwan natin.

Paano nag-arrive sa P780 million net gain, magkano nawala sa exemption...

Yung higher exemption approximately P11.09 billion, yung minimum wage exemption approximately P13 billion more or less o kabuuang P14.26 billion. Yung bawi sa individual OSD ay P7.8 billion at yung bawi naman sa corporate OSD humigit kumulang P7 billion din at pagsinuma ay net gain sa gobyerno na P.78 billion o P780 million.

News Latest News Feed