Press Release
June 6, 2008

Transcript of interview with Sen. Pia S. Cayetano - Signing of Republic Act 9502
("Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act of 2008")
Sta. Cruz, Laguna

SPSC: Natutuwa ako. Kasi with the signing, batas na siya. Mapapatupad na siya. Pero kailangan din ng rules and regulations para kumbaga, dere-derecho na yan.

Q: How can you ensure [that this will bring down prices of medicines]? Kasi sabi nga ng Pangulo ay kumpleto na ito sa kanyang speech kanina. Yung Generics Act kasi dati hindi kumpleto kaya hindi maipatupad mabuti. How can you ensure it? At paano masasabi na talagang kumpleto na ito at maipapatupad na nang mahusay?

SPSC: Siguro the correct description would be kinakailangang mapasa ito. Naipasa na nga at napirmahan na para mas gawing kumpleto. Pero meron pa tayong mga dapat idagdag. Kasi ang Generics Law nagpo-promote siya ng generics, yung mura na hindi dinadaan sa brands. Ang batas namang ito ay pinapayagan tayong magpasok galing ibang bansa ng branded na gamot na ngayo'y magiging available dito nang mas mura, at kasi kahit sino ay puwedeng magpasok. Pero tandaan ninyo na ang pangalan ng batas natin ay "quality and affordable" drugs. Kailangan nandun yung quality. So ang kasunod ng batas na ito ay yung BFAD [Bureau of Food and Drugs] strengthening kung saan ay palalakasin natin, at lalagyan ng pondo ang BFAD para ma-ensure yung quality. Kasi mayroon ding panganib na yung gamot na pumapasok ay kailangan siguraduhin natin na de-kalidad.

Q: Paano naman malalaman ng ating mga kababayan. Kasi ngayon, nag-aalangan silang bumili ng generics. Kasi sinasabi nila na baka hindi effective yan, sayang lang ang pera. Pero how can they be assured na talagang effective din ang mga gamot na ito?

SPSC: Majority po ay effective naman talaga. Pero kami bilang legislators, at especially ang trabaho ng mga nasa ehekutibo, is to ensure talaga na 100% effective. Kahit naman sa ibang bansa, meron ding ilang porsyento ng substandard drugs na nakakalusot. Pero yan, dapat pinaparusahan yan, dapat pinagbabawal yan. Kumbaga, kahit saang krimen, nandiyan po tayo para siguraduhing matatanggal na yan [substandard drugs]. Kaya kailangang lagyan ng pondo at palakasin ang BFAD para talagang mapataas ang kumpyansa ng bayan. Sa ibang bansa, talagang mataas ang kalidad dahil ang gobyerno mismo ang nagpopondo sa pagbili ng gamot at regulasyon at inspeksyon ng industriya ng gamot. Iyon ang gusto nating makita: gumanda ang pasilidad ng BFAD. Para ang taong bayan, hindi mo naman kasi maipipilit ang kumpyansa nila, pero over time, ay magkakaroon din nyan. Yun ang kailangan nating marating. At ako, bilang miyembro ng Kongreso, ay sisikapin ko ring malagyan ng pondo ang BFAD para ma-assure natin ang publiko.

News Latest News Feed