Press Release
June 6, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' interview on DZRH with Deo Macalma and Ruth Abao

On the signing of the Affordable Medicines Act:

Q: Imbitado po ba kayo sa signing bukas sa Laguna Provincial Hospital?

MAR: Imbitado naman. Nagpadala ng notice yung Legislative Liaison Office nila.

Q: Gaanong katagal bago pong bumaba ang presyo ng mga gamot?

MAR: Una, susulatin muna ng DoH yung kanilang IRR. This will be about 60-90 days. Ganunpaman, ngayon pa lang ay kinakausap na natin ang mga iba't ibang sektor para malaman nila kung papaano nila magagamit yung mga probisyon dito at mapakinabangan sa araw na tapos na yung IRR. Halimbawa, yung labor sector, sa bawat union, maaari na ilista lahat ng mga gamot na ginagamit, kagaya ng para sa diabetes, high blood, at sa ganoon malaman kung ano yung konsumo at mai-order na rekta. Sa ganoong paraan ay nakakabenepisyo sila sa pag-import. Sila mismo ang makakapag-import ng mga gamot na ito.

Q: Ilang porsyento ang ibababa ng presyo ng gamot?

MAR: Ang magiging presyo ay magiging bunga ng kompetisyon. Kung mayroong kompetisyon katulad sa telepono at sa airlines, magkakaroon ng mas magandang serbisyo at mas mababang presyo. Bukod doon, mayroong probisyon sa batas na nagsasabi kung hindi talaga gumagalaw ang presyo, maaari na ang pamahalaan mismo, ang pangulo, ay maaaring magsabi na 'ito lang ang maximum na masisingil sa mga gamot na ito.'

Q: Ano ang mga medisina na maaaring lagyan ng price ceiling?

MAR: Ito yung mga critical medicines, katulad ng sa high blood, diabetes. Ito yung gamot para sa pinakamadalas na ma-diagnose na karamdaman dito sa amin. Halimbawa, sa hypertension, yung Norvasc dito'y P45 bawat 5-mg na tableta. Mai-import yun ng P5. Depende rin sa mga nag-iimport, kasi baka naman binili nila ng P5, ibebenta ng P40. Dinidiretso rin natin sa mga malalaking grupo na sila mismo ay mag-import, lalong-lalo na sa mga maintenance medicine, kasi ang maintenance medicine, pang-habang buhay iyan.

Q: Kahit sino ba ay pwede na mag-import?

MAR: Tama iyon, mag-rehistro lang sa BFAD. Kasi kung kahit sino pwedeng magpasok, kasama doon mga counterfeit, mga hao siao, kawawa naman ang mga bumibili niyan. 'Ito yung aming contacts, ito yung sample na gamot, i-testing niyo iyan.' Halimbawa, sa tricycle driver association, o kaya sa union, i-lista nila, 'ilan ba ang high blood dito?' Isandaang tableta pala ang kanilang konsumo bawat buwan. Pwede mag-order ng P5 bawat tableta.

Hindi lang sa India mai-import ito. Mura rin sa Thailand. Ang dahilan kung bakit India ang pinakamadalas na magamit nilang reference point ay kasi hindi na nila kailangang i-repackage, English na kasi ang kanilang packaging. Pero kung negosyo sa negosyo iyan, maaaring sabihin, 'Malaki naman ang order ko, palitan mo naman yung packaging.'

Q: Posible ba na yung lahat ng gamot na ginagawa sa ibang bansa, iyon ang dinadala?

MAR: Sa totoo lang, wala naman talagang manufacturing na nangyayari dito. Karamihan ng mga gamot, imported, o kung mayroon mang proseso dito, final packaging na lang. In fact, lahat ng mga multinational companies, ang ginagamit nila ay isang kumpanya lang na pag-aari rin nila, iyan na lang ang naga-assemble nitong mga tableta. So ang kita nila hindi naman batay sa kung saan ginagawa ang tableta. Ang batay nila ay doon sa 'opportunistic pricing' na ginagawa nila.

Q: Baka magkakatalo sa pagsulat ng IRR.

MAR: Talagang babantayin natin iyan para walang isisingit na kahit anong salita o kahit comma na mababawasan ang bisa nitong batas na ito. Okey na rin kung yung department that is supposed to oversee its implementation, ay gagawa rin ng IRR nito, kasi siya ang nakakaalam sa detalye. At pagsusubaybayan natin na walang palusutan. May inilagay kaming probisyon na gagawin ang IRR in consultation sa amin sa Kongreso.

Q: Paano yung mga gamot sa mata, o para sa mga kidney patients?

MAR: Nakapaloob sa batas iyon. Depende kasi sa bawat gamot, whether basic, fundamental medicines. Kaya minumungkahi namin na ang mga negosyante ay pag-isipan kung papaano sila makakapag-negosyo rito. Sa pagdagdag ng kompetisyon, mas malaki ang pagbaba ng presyo. Dati may PLDT lang, mahal-mahal, susuhol ka pa para makakuha ng linya. Noong nagkaroon tayo ng kompetisyon, ngayon may mga cellphone na. Ganoon din sa airline. Ngayon, bagong eroplano, daming flights, on time, maganda presyo. Kapag may kompetisyon, talagang gumaganda ang serbisyo, bumababa ang presyo.

On the Pre-Need Code:

MAR: Kahapon, ipinasa namin sa Senado yung Pre-Need Code. Marami sa ating mga kababayan na nasaktan, hundreds of thousands. Ang problema noon, masyadong maluwag ang SEC at pinabayaan... in fact, nalustay talaga yung pera ng sambayanan. Kawawang-kawawa ang ating mga kababayan. Personal na personal sa akin iyan, dahilan sa yung aking yaya, yung nag-alaga sa akin ng 30 years dito sa aming bahay, lahat ng kanyang sweldo pinagbili ng mga planong ito para sa kanyang mga kamag-anakan, tapos hindi niya magamit.

Kaya kailangan talagang magkaroon ng Pre-Need Code, at patuloy naming sinusubaybayan ito, para kung ano ang mabenta ngayon ay strikto na kung saan mapupunta ang perang ito

News Latest News Feed