Press Release
June 12, 2008

Transcript of interview with Senator Mar Roxas on the Affordable Medicines Act (after meeting with the Philippine Chamber of the Pharmaceutical Industry)

MAR: Marami pang dapat gawin sa BFAD at DoH para maisakatuparan ang layunin ng batas. Makikita natin halimbawa na ang certificate of product registration sa BFAD, halos 13 months ang backlog. It takes about 12-18 months para makakuha ng certificate of product registration. Kaya kung mayroong kompetisyon, kung mayroon mang bagong gamot na gustong pumasok dito, talagang halos isang taon ang paghintay bago makapasok dito. Kailangan talagang atupagin natin yung BFAD at DoH, nang sa ganoon, yung ninanais ng batas na magkaroon ng quality affordable medicines ay maisakatuparan.

Kakausapin namin bukas si DoH Secretary Francisco Duque, at ipapaabot sa kanya ang mga obserbasyon ng industriya. Kasi ang mga ito [PCPI], mga Philippine pharmaceutical companies ito. Hindi ito mga malalaking multinational. Ito yung mga Pilipino na naiipit, dahilan sa, sa kanilang pananaw, sobrang dami ang hinihingi sa kanilang mga dokumentasyon, mga proseso, mga inspeksyon, at kung anu-ano pa, na hindi naman hinihingi ng BFAD doon sa mga dayuhang kumpanya. Bakit ganoon? Bakit pinapahirapan natin ang sariling kapwa? Iyon ay isa sa nirereklamo nila, at ipapaabot natin iyan kay Secretary Duque.

Q: The PCPI also spoke of inefficiencies of BFAD.

MAR: Yung sa kanilang obserbasyon, yung mga proseso ng BFAD ay hindi maayos, kaya inefficient ang tawag nila rito. Ito naman ay nagbunga sa kakulangan sa tao, kakulangan sa equipment. Sinasabi ng PCPI na ngayon na nabigyan natin ng pera ang BFAD, mahalaga na kumonsulta ang BFAD kung saan gagamitin ang perang ito. Kasi baka kung saan-saan gagamitin ang perang ito, hindi naman makakatulong sa pagtanggal ng inefficiencies na nasa BFAD.

News Latest News Feed