Press Release
July 7, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' interview on DZBB with Orly Trinidad and Fernan Gulapa

On the proposal to suspend VAT on oil:

MAR: Yung talagang ayaw magpalit ng isip sa kabila ng malaking pagbabago sa sitwasyon ay tinatawag na 'foolish.' Last year, mga Setyembre pa natin ipinapanawagan ito, na i-suspend yung VAT mula sa produktong petrolyo. Agad-agad 6 pesos ang savings. So sa diesel from 54 pesos per liter, magiging 48 pesos per liter, sa kasalukuyang presyuhan. Sa LPG, for an 11-kilo tank, yan mga 66 pesos ang savings nyan. So malaki talaga ang pakinabang nito para sa ating mga kababayan. at dapat nga tingnan ito ng gobyerno. At sasabihin ko na katarantaduhan ito, kung ayaw nilang repasuhin itong nakaraang desisyon, samantalang yung desisyon na yun ay kinuha sa kakaibang panahon.

Q: Saang punto pwedeng sabihin na ibalik natin ang buwis sa langis?

MAR: Noong ipinataw itong VAT na ito, nasa $30 per barrel. Nagyon nasa $140 per barrel eh. So halos times four ang presyo ng langis ngayon. Eh sabihin natin na ibalik natin pag bumalik na sa $60, sige umpisahan natin mangolekta uli, pero huwag muna sa ngayon. Dahilan sa noong ipinataw itong VAT na ito, ang inasahan lamang ng gobyerno na makolekta dito is 12% times $30 per barrel is $3.60 per barrel of oil. Yun muna ang inasahan nila rito. Yun lang ang kanilang protest. Ngayon ang kinokolekta nila is about $15 per barrel. So apaw-apaw na ang nakokolekta ng gobyerno dito.

In fact, yung Bureau of Customs, binigyan nila nag sarili nila ng bonus. Hindi naman ito bunga ng pagtratrabaho nila eh, bunga ito kasi nagmahal yung presyo ng langis eh. Kaya tumaas din ang koleksyon eh. In fact, napagtatakpan nito yung maraming kahinaan doon sa mga collecting agencies sa ngayon because ang gobyerno nakaangkas sa presyo ng langis. Habang tumataas ang presyo ng langis, tumataas din ang koleksyon ng gobyerno. So maaaring sabihin na ang gobyerno ang padagdag sa bigat na pinapasan natin.

Q: Pwede bang amyendahin ang Oil Deregulation Law para isuspinde ang VAT kapag umabot sa ganito?

MAR: Okey sa akin iyan. Dapat ang gobyerno, maging seryoso. In fact, sinasabi ng goberyno ngayon, 'ayaw naming repasuhin ito. Magtiis na lang kayo. Maghigpit kayo ng sinturon. Bakit tayo ang nagtitiis, bakit hindi ang gobyerno. Hindi ba pera natin ito? Bakit nila pinagdadamot pera natin? E buwis natin ito a. Para sa akin, panahon na para repasuhin ng gobyerno yung kanyang policy, at magbukas-isip sila sa pagtanggal ng VAT sa produktong petrolyo.

Q: Sinasabi nila matatamaan rin ang mga mahihirap kasi kinokolekta ang buwis sa mga mayayaman, at ginagamit ito sa mga programa.

MAR: Kalokohan iyan, dahilan sa mga mangingisda na bumibili ng gasolina para sa kanyang motorized bankga - mayaman ba iyan o mahirap? Yung tricycle driver na bumibili ng gasolina para sa kanyang tricycle na makapasada siya - mayaman ba iyan o mahirap? Yung jeepney driver na bumibili ng kanyang krudo para sa kanyang pasada - mahirap o mayaman? Hindi natin dine-deny na ang mga mayayaman ay makikinabang. Pero mas maraming mahihirap ang makikinabang kaysa sa mayayaman.

Number two, mas kinakailangan ng mga mahihirap ito kaysa sa mayaman at kaysa sa gobyerno. Number three, higit sa lahat, mas malaking bahagi ng gastusin ng mahirap yung binabayad nilang transportasyon o gasolina kaysa sa mayayaman. Ang punto dito ay, ang mahihirap ang makikinabang dito.

Sa latest inflation data, mas mataas ang inflation sa kalayunan, sa countryside, ang rural kaysa sa urban. Kasi naka-factor in doon yung transport cost. Mahal na masyado magpadala ng mga produkto sa kalayunan. Kahit semento, fertilizer, gatas, noodles.... Yung mga pagawaan niyan nandito sa Maynila. So bawat pagdala niyan sa kalayunan, malaking bahagi ang transport cost, at lalo nagmamahal sa countryside.

Q: Wala bang magagawa ang legislative department?

MAR: Ginawa natin ang lahat na magagawa natin sa Senado. Nakaabang na kami. Pero hindi executive action ang hinihingi dito, kundi political action, political will. Alam naman natin na sa Kamara, kung ano ang gusto ng Malacañang, iyan ang masusunod. Kung sabihin ng Malacañang 'sinusuportahan namin ito,' mabilis pa sa alas kwatro, papasa na iyan sa Kamara. Lahat naman ng mga constituents ng mga congressman, nagrereklamo na. Ayaw lang nilang humakbang kasi pinipigilan sila ng Malacañang. Kung sumenyas lang ang Malacañang na okey sa kanila ito, at aaksyon kaagad ang Kamara, mabilis pa sa alas kwatro, mapapasa ito, maisasabatas ito.

Q: Pinopondohan daw ng Malacañang ang pag-convert ng makina ng mga jeepney para LPG-run ito.

MAR: Okey din iyan, pero kulang iyan. Matagal iyan. Ang bawat conversion ng engine ay P100,000. Sino magbabayad niyan? Wala naman sa budget iyan. Baka pang photo-op lang iyan. Isa, lima, sampung jeepney. P100,000 ang pag-convert ng engine. Kung iyan talaga ang plano ng Malacañang, okey, pero saan manggagaling ang pera? Pautang ba iyan o hindi? Bakit ipapautang? Pera ni Juan de la Cruz ang binabayad natin sa VAT. Bakit ayaw pa nilang ibalik ang pera sa atin? Ang point dito is, agad-agad, tanggalin natin ang VAT nitong petrolyo..

Kung tumaas pa ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan, at least masasabi natin na ang gobyerno, hindi kasama sa pampabigat. Hindi ka-angkas sa pagbigat sa ating buhay.

Q; Makakaapekto ba talaga ito sa koleksyon ng gobyerno?

MAR: May epekto iyan, pero sa cash flow lamang, dahilan sa makokolekta ng gobyerno ng mabilis, mula sa three oil companies lang iyan. Pero ang savings nito, paggastos dito may VAT din na makokolekta. Lamang, mapapatrabaho ang gobyerno, kase kokolektahin iyan sa maraming mga negosyo at maraming pamilihan. Maraming kakulangan, maraming kapalpakan, maraming katiwalian ang naco-cover up nitong VAT on oil, dahilan sa apaw-apaw ang nakokolekta ng gobyerno, higit doon sa na-project sa buwis na ito.

On the NBN investigation:

Q: Sa sobrang taas ng presyo ng mga bilihin, baka papakawalan na ng Senado ang mga testigo para makatipid.

MAR: Huwag naman, dahilan sa yung mga iyan ay pumunta sa Senado, naghanap ng safety, ng safe harbor sa Senado. Kung gusto nila, bawasan nila ang allowance ng mga senador, papayag ako diyan, para ang tiwala sa Senado ay hindi mabigo.

Q: Matutuloy ba ang Northrail investigation?

MAR: Para sa akin, maraming mga istorya ng katiwalian diyan, kaya mahalaga na ituloy natin iyan.

News Latest News Feed