Press Release
July 7, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' DZMM interview, with Vic De Leon-Lima

On the high prices of oil:

Q: Dapat bang suspendihin ang VAT sa langis?

MAR: Tama iyan, tanggalin natin ang VAT sa petrolyo. Siyam na buwan na nating tinutulak ito. Last year pa, tinutulak natin ito, at hanggang sa ngayon, inaantay pa natin ang Malacañang na sumang-ayon dito.

Q: Sana yung talagang may kailangan dito ay makikinabang.

MAR: Dapat ang karapat-dapat na makinabang ay makinabang. Ang problema, nawawala sa Malacañang dahil sa pulitika. Kase bakit pa kokolektahin ang pera, tutal ibabalik din sa tao. Eh di iwan na lang sa bulsa ng tao. Tanggalin na ang VAT sa produktong petrolyo, at iyan ay agad-agad, ang resulta ay P6 per liter ng diesel ang savings, at P66 per LPG tank. Hindi ko maintindihan ang Malacañang. Either manhid lang sila, hindi nila alam nagtitiis ang ating mga kababayan, o talagang sarado ang kanilang kaisipan, na ayaw nilang repasuhin ang kanilang mga desisyon, ang kanilang mga policy, bagamat talaga namang iba ang sitwasyon ngayon.

Noong ipinataw ang VAT na ito, ang presyo ng langis ay $30 per barrel. So 12% VAT on $30 per barrel of oil, ekspektasyon lang ng gobyerno na makolekta dito is $3.60 per barrel. Ngayon na nag-$140 per barrel, ang 12% nito ay higit sa $15 per barrel. So more than times four ang nakokolekta ng gobyerno rito. Lubos-lubusan ang pera na nakokolekta ng gobyerno sa mga nagbabayad nito, mga tricycle driver, mga jeepney driver, mga mangingisda na bumibili ng gasolina para sa motorized na bangka. Lahat ito mga mahihirap na nangangailangan ng tulong.

Q: Namo-monitor ba itong mga programa ng gobyerno na galing raw sa VAT?

MAR: Iyan ang palaging sinasabi ko, pulitika ito e. Ang gusto ng gobyerno pogi sila, sila namimigay ng pera. Bakit hindi na lang ito iiwan sa bulsa ng nagbabayad dito? Iyan ang mas maganda, iyan ang tama. Kung hindi na sila mangolekta ng VAT, di yung pera maiiwan sa bulsa ng tao. E kokolektahin pa, tutal ibabalik din lang. Alam naman natin na 'pag gobyerno gumastos, may leakage, may pulitika. Mas mabuti maiwan sa bulsa ang pera ng tao.

Q: Habang tumataas ang presyo ng langis, lumalaki ang koleksyon ng gobyerno..

MAR: Iyon ang nakakalungkot dito, kasi percentage tax ito. Ibig sabihin habang tumataas ang presyo ng petrolyo, lumalaki ang kabig ng gobyerno. Ang gobyerno naka-angkas, pampabigat ang gobyerno sa atin, dahilan sa lumalaki din ang koleksyon ng gobyerno habang tumataas ang presyo ng krudo.

Para sa akin, mas mabilis, mas malinis, at wala nang kuskos-balungos, na maiwan na lang ang pera sa kamay ni Juan de la Cruz. Siya naman talaga ang nagbabayad nito. Kaysa sa pipila ka pa, kukuha ka pa ng sertipikasyon na alyado ko mula sa barangay captain. Ang pinakamabuti rito sa panukala ko ay ang mga mahihirap ang makikinabang kapag tinanggal ang VAT sa produktong petrolyo.

Q: Ano na ang plano ng Senado tungkol dito?

MAR: Kami sa Senado, nagawa na namin ang magagawa namin. Kasi tax measure ito, inaantay namin yung aksyon ng Kamara. Alam naman natin na sa Kamara, kung ano ang senyales ng Malacañang, iyan ang nasusunod. Kaya para sa ating mga tagapakinig, malalaman natin kung may political will talaga, at sa ganoong paraan, makakatulong ba ang Malacañang sa pamamagitan ng senyales sa kanyang mga alyado sa Kamara, na tanggalin na ang VAT sa produktong petrolyo.

News Latest News Feed