Press Release
August 2, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

(Laurel House)

Q: Is the NP open to forging a coalition?

Villar: Open ang Nacionalista bagaman naniniwala ako na hindi pa nararapat pag-usapan ang anumang alliance dahil 18 months pa. Matagal pa iyan. Ang tamang usapan sa mga alliances ay siguro mga middle of next year, 2009.

Q: Pero anong party kayo open for coalition?

Villar: Mahirap pang mag-limit ng partido. Wala naman kaming sinasara. Syempre diyan ay kukunsultahin natin ang mga miyembro natin.

Q: Pero so far anong party ang may chances?

Villar: Lahat naman.

Q: Even Lakas?

Villar: Basta mahirap tayong mag-limit ng pangalan sapagkat hindi mo naman alam kung ano ang mangyayari sa 2010.

Q: Iyung possibility ng United Opposition, NP saka Lakas para magsama-sama...

Villar: Depende kasi iyan kung ano ang gagawin ng pangulo. I think a lot will depend on what the president will do.

Q: Sabi ni President Erap hindi niya susuportahan ang sasama sa partido ng administrasyon.

Villar: Inaasahan naman natin iyan.

Q: So definitely hindi na kayo open sa Lakas? Are you after Erap's support?

Villar: Basta ang punto ko lang, mahirap naman iyong hindi pa nagsisimula, sarado ka na agad. Dapat open muna lahat.

Q: A lot will depend on what GMA will do...

Villar: Kung magsusuporta ng isa, kung magsusuporta ng dalawa o hindi magsusuporta.

Q: Do you think GMA can still work out the cha-cha before 2010?

Villar: Hindi probable but it's possible.

Q: Ano ang reading ninyo, si Erap ay pumangalawa sa survey ng presidentiables?

Villar: Talaga namang popular pa si Erap. Hindi naman nakakagulat iyon.

Q: May possibility ba na kayo ang magkalaban?

Villar: Lahat possible. Si President Erap ay isang matalik na kaibigan at ating iginagalang. Sa tamang panahon, mag-uusap usap kaming lahat.

Q: Si Noli puwedeng pumasok sa NP?

Villar: Puwede lahat. Kasi ayokong magbigay ng limitasyon sa ngayon. Sapagkat kapatg ni-limit mo ang options mo, ikaw rin ang mamumrublema. Dapat lahat buksan mo sapagkat doon mo lang mae-establish na ang Nacionalista Party ay independent.

Q: Ano ang consensus ng Wednesday Group?

Villar: Ang consensus namin ay masyadong maaga pa para mag-consensus.

Q: So far sino na ang nag-imbitang partido sa inyo?

Villar: Lahat naman open iyan. Nag-uusap kaming lahat.

Q: May nag-imbita na sa inyo?

Villar: Mahirap magsabi sapagkat nadi-disclose natin. Secret.

Q: Sa Senate, are you getting any pressure to ease up on inquiries into administration scandals?

Villar: Wala naman. Ako naman, sinabi ko naman na mananatiling independent ang Senado under my presidency.

Q: Bakit nagkaroon ng 120 palakpak ang SONA, kayo kahit minsan hindi pumalakpak?

Villar: Hindi naman. Baka hindi lang kayo nakatingin.

Q: Wala na ang coup, burado na?

Villar: Ang coup every so often ay dumarating iyan pero meron naman tayong suporta ng nakararami sa ating mga kasamahan.

Q: Inisa-isa ninyong kausapin ang mga miyembro ng majority?

Villar: Oo, sapagkat anytime na merong numero iyan ay tapos na ang usapan.

Q: Will the Senate insist on reviewing the peace agreement forged with the MILF?

Villar: Kailangang tingnan nating mabuti iyan sapagkat hindi natin alam kung ano ang nasasaloob niyan. Napakahirap namang umoo tayo o hindi sa isang bagay na hindi natin nakikita. Baka sa pagmamadali natin ay mapahamak ang maraming sector ng ating lipunan sa Mindanao.

Q: Dapat i-publish?

Villar: Dapat naman alam, dapat transparent.

Q: Pero kung magpipirmahan na?

Villar: Hindi natin mapipigil iyan. Ako ay nababahala lamang na maraming tao ang hindi nakakaalam ng nandodoon at kung ano ang game plan talaga. Mahalaga sa akin kasi na lahat ng sector ay makunsulta, kasama na riyan iyong mga hindi naga-agree sa proposal .

Q: Ano ang implication ng expose ni Justice Sabio?

Villar: Iniiwan ko sa judiciary iyan. Iyan ay problema ng ating judiciary kung paano nila lilinisin ang judiciary.

Q: Usapang OFW, isa sa kinu-consider na administrator ng OWWA ay si Pichay pero ang OFW sectors pinu-push nila si Jimenez. Ano ang qualities na dapat ilagay ni GMA doon?

Villar: Mahalaga iyong mahal ang OFW kasi talagang napapabayaang sector ang OFW. Palagay ko oras na para baguhin natin ang ginagawa natin sa OFW. Maliwanag na ang sistema ng OFW ngayon ay nowhere near what is required. Napakalayo sa kinakailangan iyong ibinibigay nating tulong sa OFW.

Q: Bagay ba si Pichay sa OWWA?

Villar: Ayokong magkumento sa mga personalities.

Q: In general, iyong politician bagay ba sa OWWA?

Villar: To me, mahirap mag-espekula sa bagay na iyan. Kaibigan naman nating lahat iyan. Ang mahalaga lang sa akin, mapangalagaan ang pondo ng OWWA at mapunta ang halaga sa mga OFW.

Q: On JPEPA, parang hindi na itinutulak ang side agreement?

Villar: Sa akin, kung ano ang itutulak ng chairman, magbobotohan na kami diyan. Tingin ko, oras na rin na magbotohan para malaman na.

News Latest News Feed