Press Release
August 4, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

On BJE issue:

Yung areas na mko-cover nitong BJE, Bangsamoro Juridical Entity. Una sa lahat walang pinagkaiba yung BJE sa MILF, yun din yun, ang nakakalungkot lang tiningnan ng atingmag negosyador ang Minadnat at ang MILF ay iisa lamang, magkaiba po yon. Pangawala yung mga lugar na saklaw ng BJE dati nang tinanong sa isang plebeisto kung nais nilang maging bahagi ng ARMM, sa katunayan lang dalawang beses na silang tinatanong, at dalawang beses na nialng sinabi ayaw naming, ito pangatlong beses na naman, parang sa baseball na hinihintay strike 3, tatanungin na naman nilang gusto ba nilang mapasama o hindi. Ano nga ba ang bahagi ng mga ito bilang ehemplo, bahagi ng BJE territory na binibigay ng mga negosyador natin, yung lugar at mga barangay, zone 4 in particular, kung nasaan yung city hall ng Zamoanga City, nandoon din sa zone 4 yung Fort Pilar na kampo ng militar natin don, bahagi ng kanilang ibinibigay halimbawa sa Iligan, walong barangay ng Iligan, magandang pakinggan ang problema ko lang, walong barangay ng Iligan ang ibinibigay nila, 80% ng lupain sa Iligan, 80% ng naninirahan sa Iligan ay Kristiyano at hindi po Muslim o Moro.

Sabi ni Secretary Dureza din na maaari din itong mangailangan ng pagbabago sa Saligang Batas, sa bibig nahuhuli ang isda, kung kailangan ng amendment sa Constitution, ibig sabihin sa ngayon unconstitutional yan, iligal at labag yan sa saligang batas tulad na rin ng nasabi ko kanina.

May part ng Bukidnon kasama rin daw...

Actually marami yung mga area sa kanilang annex napakaraming mga barangay, ang problema nito grupo grupo ng mga barangay sa loob ng ibat obang probisya na lalabas kung matutuloy ito magkakaroon ka ng mga pulo o isla sa loob ng isang probinsya na BJE at hindi bahagi ng probinsiya, so nilalabag na naman yan ang isang probisyon ng saligang batas na dapat ang political subdivisions natin contiguous o magkakadikit, hindi maaari na bago ka makarating sa isang BJE area dadaan ka sa ibang lugar. Hindi maaari na ang mga kapitbahay mong mga barangay na nakapalibot sa iyo ay hindi mag BJE tapos ikaw ay BJE.

Sabi ni Esperon yung mag areas naman daw contiguous naman daw sa ARMM...

May kasabihan sa Bibliya patawarin nawa nayin siya dahil hindi niya alam ang kanyang sinasabi kanya nga lang hindi ko siguro mapapatawad si Gen. Esperon kaugnay nito dahil napakagaling ng mag negosyador ng MILF, binabati ko sila nakuha lahat nila ang gusto nila, pero ang kabaligtaran ang pede kong sabihin sa mga negosyador ng Philippine government binigay nila, halos lahat na at wala nang naiwan pa sa Philippine gov't. nais ko ang kapayapaan, hindi lamang sa Minadano, pati sa buong Pilipinas, subalit kailangan nating makamtam ang demokrasya nang hindi binibitiwan ang paniniwala, kasarinlan at soberenya at karapatan ng ating bansa at pamahalaan.

Dapat bang magpalit ng mga negosyador?

Kapapalit nga lang eh, bago lamang yung peace negotiator natin ganyan pa ang ginawa. Si Ginoong Dureza rin mismo kailangang liwanagin ang kanyang sinasabi, siya ang tagapagsalita ng Pangulo, siya din ang negosyador nito, Liwanagin niya kugn siya ay nagsasalita para sa sarili niya, bialng negosyador dati o ngayon, o yan ay salita at pananalita ni Pangulong Arroyo.

Ang aming hiling at panawagan kay Pangulong Arroyo, pigilan ang pagpirma bukas na isasagawa kaugnay ng MOA on AD, memorandum of agreement on ancestral domain, bigyan ito ng kaunting panahon at oras pa para malaman ng publiko, madiscuss ng ating mga kababayan at mapag-ralan ng mga legal na eksperto. Anuamng bagay na minadali mo hindi maganda palagi ang kinakalabasan, maligo ka ng mabilis, may maiiwan kang dumi sa katawan, kumain ka ng mabilis mai-impatso ka, ito ganundin, pagminadali mo, marahil at malamang sa malamang, hindi rin maganda ang kakalabasan.

Ano sa tingin nyo ang hindi magandang mangyayari?

Ngayon pa lang nagrarally ang ilan sa mga grupo at lugar sa Mindanao, particular sa Iligan city, zamboanga city, sa north cotabato, ngayon pa lamang ay marami nang nag-aarmas ang ibat-ibang grupo doon particular ang mga Kristiyano at nga indigenous people tulad ng mga Lumad at mga Ilaga, dahil hindi sila sang-ayon ditto sa pipirmahang dokumentong ito dahil bahagi nito ang pagbawi ng anumang karapaatng naibigay na sa nagdaang panahon na may kinalaman s numang bagay na nakabaon sa lupa, kabilang ang lupa, kabilang ang dagat, kabilang pati na ang hangin na hindi tama at maraoat na ibigay.

Tinuro sa atin sa PolSci 11, apata lamang ang requirement bago may matawag kang estado: government, people, sovereignty, territory. Itong apat na ito ibinigay sa ilalim ng kasunduang ito. Kapagka ito ay hindi natuloy may may causa na naman ang MILF para sabihing niloko sila ng pamahalaan, sa totoo lang ang pinakamalaking kasalanang ginawa nila sa pagpasok ng kasunduang ito, pinapaasa na naman nila ang MILF sa isang kasunduan na napakahirap gawin at imposibleng ipatupad, rason para marahil muling sumiklab ang gulo sa Mindanao at hindi yung kawalan ng kasunduan kaugnay nito.

May plebisito naman daw para dito...

Tama yon pero yung garantiya nila sa MOA gagawin daw nila ang lahat para maipatupad ito, sabi rin ni Gen. esperon may konsultasyon din naman pagkatapos, pede ba magkonsulta muna sila bago sila pumirma, ped ba alamin muna nila kung ano ang gusto ng tao bago sila pumirma, kailanman hindi pedeng mauna ang kasunduan bago ang konsultasyon. Ang kung ang plebisito ang pinag-uusapan natin eh di iliko na natin doon sa ARMM election, yung ARMM election postponement sa simula pa lang alam na nialng hindi pede, dahil nang pumayag silang ipostpone ang ARMM election, kung bibilangin natin ang requirement ng batas na 15 araw dapat i-publish yan, agad alam na natin hindi pedeng mapostpone ang ARMM election, kung bibilangin natin ang procedure sa organic act na kailangan ng plebisito bago maamendahan ang probisyon ng organic act na kabilang doon ang petsa ng eleksyon, alam nila umoo pa lang sila na hindi na kayang tuparin yan, marahil kabilang din ang kasunduang ito, alam nila mulat mula na hindi kaya itong tuparin.

Sabi ni Sec. Dureza possible yung Chacha after this...parang magiging precedent daw ito...

Gaya nga ng nasabi ko inaamin na niya na sa ngayon, inaamin lang ni sec. Dureza sa pagsabi at pag-amin nyan sa bibig palagi nahuhuli ang isda, na sa ngayon bawal yan sa ilalim ng saligang batas, hindi yan sang-ayon sa saligang bataw at hindi yan sumusunod sa probisyon ng saligang batas dahil siya mismo ang nagsasabi kailangan ng amendment bago mapatupad ito. Hindi ba't dapat mauuna muna ang amendment bago yung implementing law, ito nauna yung impelemnting law at kontrata bago pa man ang pagbabago ng saligang batas. Papaano kung hindi mabago yung saligang batas, eh di ang sasabihin na naman nila iwawagayway na naman ng MILF yung dokumento, tingnan nyo na niloloko lamang kami ng gobyernong ito. Uulitin ang mali at ang kasalanan ng gobyerno rito, pinapaasa nila ang isang grupo sa isang bagay na Malabo at hindi nila pedeng maibigay.

News Latest News Feed