Press Release
August 6, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero after the public hearing on smuggling of agricultural products

On smuggling...

Ang pinagdaaanan, pinagmumulan at pedeng panggalingan lamang ng diperensiya kung saka -sakali palaging Bureau of Cusotms dahil imposibleng makalampas sa mga mata nila ito. Tulad ng mag binanggit natin sa mga nagdaang pagdinig imposibleng may makalusot na smuggling na hindi alam ng Burea of Customs.

Customs ang may problema...

Gaya nga ng nasabi ng tumestigo kanina bawal ang mag-import ng manok galling sa China eh bakit ang daming manok galling sa China sa ating bansa. Simple lang naman ang rule, pagwalang import permit bawal ipasok eh bakit ang daming binebenta dito, napakadaling i-check kung may import permit nga bay an galling sa DA o wala, yan ang pagkakaiba ng agricultural product, karamihan ng agricultural products kailangan muna ng import permits bago yan makapasok ditto sa ating bansa.

May manufacturing daw ng import permit...

Magkakaroon ng hearing bukas (Thursday) yung dept. of finance at dadalo yung ibang kinatawan sa komite para Makita at malaman yung mga affidavit na ipri-presenta doon, ayon sa DA bawal mga-isyu ng permit pagkadumating na ditto sa ating bansa, so inaalam din naming yung proseso ng pag-iisyu ng permit para matiyak na walang ina- antedate at walang iniisyung permit pagdating na ng commodity.

Yung walang TIN number na importer...

Wala kaming actual na data bukas naming inaasahan yon matapos magprisenta ang grupo ni Sec. Ordonez ng kanilang ebidensiyang pinanghahawakan in a form of affidavit and actual documents before the dept. of finance.

Sino ang required na mag-alam kung walang TIN...

Ang dapat magrequire ng TIN Bureau of Customs napakasimple at elementary naman siguro yon. Kung mag-iimport ka, may kinikita ka dapat kang magbayad ng buwis papaano ka magbabayad ng buwis kung ni TIN eh wala ka, kinailangan pa na ireport ng yan ng BIR sa Bureau of Customs na dapat matagal ng ginagawa ng Bureau of Customs.

May data kayo ng mga walang TIN...

Ang mayroon lang kaming data yung letter ni Sec. Teves patungkol sa mga importers ng onion pa lang na walang YIN ano pa kaya yung ibang importer ng anong bagay marahil kung posible yan ditto possible rin yan sa ibang importer.

Yung DA may accountability?

Sila ang nagbibigay ng permit, kung nagbigay sila ng permit pedeng ipasok yon, kugn illegal yung pagkakaisyu ng permit hindi ko alam, pero pagwalang permit, wala dapat importation.

Findings ng committees so far...

Hindi maikakaila na kinokumpirma ng hearing na ito ang findings ng World Bank na humigit kumulang P142 billion at ganon kalaki ang nawawala sa gobyerno kada taon sa smuggling.

Hindi maikakaila dahil sa mga haering na ito nay may smuggling na nagaganap sa ating bansa at yung pinaka-emenetary na alam na at ginagawa ng mga opsiyal ng pamahalaan tila ngayon pa lang nila sinisimulang gawin o ginagawa. Ang masakit nito nire-research naming yung iabng mga hearing baka yung mag hearing three years ago baka yun din ang sinasabi nila at hanggang ngayon ay sinasbi nila na on-going at ginagawa naming yan pero hindi pa rin pala.

Accountable ba yung Customs...

As soon as we gather the evidence at this point in time it seems clear that it cannot go on without their cooperation or consent. As to actual evidence to pin down or make accountable a particular official or employee we cannot have that yet. It's start there and it's stop there. (BoC?) Yes.

Kung walang TIN bakit nakakapag-import?

Paano sila binigyan ng authority ang sagot ng Customs kanina dahil first and last time importer daw ito, whethere first, second time, or third time or last time kailangan p arin siguro require them with a TIN para lang malaman mo rehistrado bay an sa BIR o hindi. Revenue generation ang Customs nasa interest nila alamin at siguraduhin yan.

Walang bang nagawa ang Customs?

Except one thing you can give them at least consistent sila, na hindi ginagawa ang trabaho. Para sa akin consistent sila sa pagbubulagbulagan. So far lahat ng nakikilala kong opisyal ng Customs may mga mata naman, wala akong nakikitang bulag, pero sa inaaksyon nila klarong nagbubulagbulagan.

Tapos nakakatanggap pa sila ng reward after all these irregularities...

Yun nga yung masakit na nabanggit ko kanina, hindi daw napapatupad yung sistema dahil wala silang P5 milyon tapos namigay sila ng kalahating bilyon sa kani-kanila dahil sumobra daw ang collection nila, medyo klarong mali naman yata yon.

So tama na most corrupt yung Customs...

Yun yung sa survey ngayon? Hindi na ako magugulat kung yun ang lumabas sa survey.

On Esperon's statement na hindi tutulong ang militar kung magkaroon ng kaguluhan sa North Cotabato dahil sa filing ng TRO...

Pangalawang beses ng katraydoran kung saka-sakali ang ginawa ni Ge. Esperon kung totoo nga yan. Trabaho at obligasyon ng Armed Forces of the Philippines pangalagaan ang seguridad at karapatan n gating mga kababayan, sino siya para sabihing hindi siya tutulong, panagalawa itoy nagbibigay ng lisensiya at daan para mag-armas ng sarili ang mga sibilyan para protektahan ang kanilang karapatan at mga ari-arian. Ito ang sure fire formula para magkagulo imbes na magbigay ng kapayapaan sa Mindanao ang kanilang ginagawa.

Anon yung unang katraydoran ni Esperon?

Yung pag-inisyal niya at pagpasok ditto sa kasunduang ito, itong MOA on ancestral domain. Sana wag nang umabot ng pangatlo.

Sabi ng MILF done deal na yung MOA kasi my initials...

Legally walang epekto ang isang inisyalang dokumento, ang ibig sabihin lamang ng inisyalang dokumento ito ay ang bersyon na iuuwi ng mag negosyador sa kanilang mga principal para hindi na mabgo sa kalagitnaan, parang yung kanina naiiba yung bill of lading, ito para hindi na mabago inisyalan na para maiuwi sa kani-kanilang principal. This is by no means a final agreement signed by the government and entered into by the government and this has no legal effect whatsoever. Pero pinapakita ng sinabi ng MILF, nang sinabi nialng binding na ito, yung pinakamalaking kasalanan na ginawa na naman ng gobyerno kaugnay ng isyung ito, yan ay ang pagpapaasa, raising false hope sa parte ng MILF na marahil ay gagamitin naman nialng rason para muling sumugod, muling makipag-away at makipagdigmaan sa pamahalaan.

Unfit si Esperon sa kanyang posisyon...

Noong panahon ni Kristo minsan nang sinabi patawarin siya dahil hindi niya nalalalam ang kanyang ginagawa pero hindi siguro ito aplikable sa kanya dahilhindi ko kayang patawarin si Gen. esperon sa dalawang bagay na ginawa niya sa loob ng isang lingo. Dahil kung magtatagal pa siya sa puwesto baka pag-umabot siya ng isang buwan lumampas na sa tatlo yung kanyang magiging atraso sa ating lahat.

Hindi siya sasalang sa CA...

Walang CA... dapat nga gawing batas, kapagka secretary level ka parang si Neri, secretary level covered siya ng executive privilege dahil secretary pero hindi naman dadaan sa CA, pero excuse me naman kung gusto mong may executive privilege, gusto mong tawaging secretary at gusto mong sais ang plaka niya padaanin mo sa CA, kung ayaw mong ibigay sa kanya ang pribilihiyong yon eh di wag mong padaanin sa CA.

News Latest News Feed