Press Release
August 7, 2008

Transcripts of morning radio interviews with Senator Mar Roxas on the GRP-MILF MoA

Interview on DZRH with Joe Taruc

Q: Nagbibigay daw ng suporta ang mga Ilonggo sa kanilang kapwa Ilonggo na nasa Mindanao.

MAR: Marami tayong natatanggap na text. May mga text brigade at mga umiikot na text, na nananawagan yung mga kababayan natin, mga Ilonggo at saka Mindanaoan na nilalagay sa alanganin bunga nitong pahayag ni Vice-Gov. Manny Piñol na sabi ni General Esperon na hindi na maaasahan ang mga Armed Forces na poprotektahan ang ating mga kababayan, kasi tutol sila sa MoA na ginawa ng gobyerno. 'Bahala kayo sa buhay niyo.' Maraming mga kamag-anak mga iyon sa Negros, sa Iloilo, sa Capiz, sa Aklan. Natatanggap ko ang mga text, at nababahala ako, kasi lahat na ito, bunga ng iresponsableng statement na 'bahala kayo sa buhay niya.' Sino ba siya na magsasabi n'on?

Q: Pero hindi na si Gen. Esperon ang chief of staff, si General Yano na.

MAR: Tama po iyon, at dapat nga may assurance si General Yano na gagawin ng AFP ang kanilang trabaho. Pero maraming nababahala. Mga kamag-anak nila iyon, at alalang-alala nila yung 1970s, 1980s. Talagang bakbakan iyon sa Mindanao, at maraming namatay, nasugatan, nawalan ng bahay. Lahat naman tayo nagnanais ng kapayapaan. Walang nagugustuhan ang giyera. Pero ang gusto lang yung kapayapaan na batay sa tama. Hindi yung sell out o pagbenta ng ating mga kababayan.

Importante rito na ang kababayan natin ay nababahala, at pinapaabot nila sa akin, sa tatlong gulang ko bilang senador, at ipinaabot ko rin yung ating dismaya sa magulong sitwasyon dulot nitong mixed signals na pinapadala ng gobyerno. Ano ba talaga? Sino ba ang sumang-ayon sa agreement na ito? Tama ba ito na mapa-partition ang ating bansa? Bakit nagkaroon ng mga probisyon na maaari na silang mag-issue ng sarili nilang currency, o pera nila? Na pwede silang pumasok sa mga international agreements?

Q: Minadali raw ang MoA dahil sa pera. Either blackmail or suhol ang pera na iyan.

MAR: Ang importante ay hindi mabenta ang bansa natin. Huwag namang maging "chop-chop" kung saan magkakaroon ng pangalawang bansa sa loob ng bansang Republika ng Pilipinas.

Q: Popondahan raw ng Organization of Islamic Countries itong BJE, at mukhang magkakaroon ang Malaysia ng exclusive rights sa likas na kayamanan doon.

MAR: Natatanggap ko rin ang mga bali-balitang iyan. Wala namang pruweba, pero kung ganoon ang katotohanan, talagang binenta na tayo. Tingnan mo yung ating natural resources, iba na ang magiging may-ari niyan. Yung lupain sa Mindanao, iba na yung may ari diyan. Mali talaga iyan, hindi tayo papayag diyan.

Q: Dapat paunawa muna sa mga maaapektuhan ng MoA.

MAR: Mga taga-doon mismo, hindi nila alam, sinikreto ang negosasyon, sinikreto yung nilalaman ng pinag-usapan. Nagugulat ang lahat na ito pala yung nilalaman nito. Hindi pwede ito.

Interview on DZBB with Joel Reyes

Q: Sabi ni General Esperon, wala raw dahilan kung bakit siya bibitiw.

MAR: Nakikita ko na hindi magiging epektibo si General Esperon. Wala na sa kanya ang tiwala ng ating mga kababayan doon sa Mindanao. Isa siyang presidential adviser on the peace process. Kung wala nang kredibilidad, kung wala nang tiwala ang ating mga kababayan sa kanyang abiso at kung ano man ibubulong niya sa Pangulo, di hindi na niya magagawa ang kanyang trabaho. Wala nang kredibilidad yung kanyang katayuan. Kaya sinasabi ko, yung itong kapalpakan na nangyari, na kung saan yung ating kababayan ay hindi nakonsulta, ang ating kababayan sa Mindanao na nabulaga na lang, at pati kami sa Senado, nabulaga noong nalaman na yung nilalaman nitong MoA ay nagpapakita na bumubo ng bagong bansa sa loob ng bansang Pilipinas. Mali ito. Dapat tutulan natin ito, at ako mismo, hanggang sa Supreme Court, i-intervene tayo para mahadlangan ito.

Q: Para bang ipinamimigay natin yung lugar ng BJE?

MAR: Hindi lang impression, iyon talaga ang nakasulat. Halimbawa, sinasabi roon na maaari silang gumawa ng sarili nilang international na kasunduan sa ekonomiya. Ano ang ibig sabihin niyan? E di bagong bansa na sila. Nakasulat doon na maaari silang gumawa ng kanilang pera, na yung natural resources, sila na ngayon ang may hawak, at yung hatian sa kanila kontra doon sa national government natin ay 75% sa kanila, 25% sa national government. Saan ka nakakita ng ganoon? Di chinop-chop na natin yung bansa natin. E kung mga taga-Panay magsabi '75% din kami,' o pag yung taga-Cebu nagsabi 'pag may nakita dito, atin na rin iyan,' yung taga-Leyte magsabi 'yung geothermal atin na rin iyan,' di ano na ang mangyayari sa bansa natin? Tsina-chop-chop tayo. Mali ito, na talagang hindi nakonsulta, kaya ginawa nila sa sikreto, kasi kung malalaman ng ating mga kababayan na ito yung nilalaman nito, e talagang tututulan ito.

Q: Pero may plebisito pa rin daw ito?

MAR: Sinasabi ba ng gobyerno na ito yung posisyon nila? Gusto ba nila ito? O niloloko din nila yung MILF? O niloloko nila tayo? Kung sinasabi nila sa atin 'huwag kayong mabahala, bale wala ito, hindi ito seryoso, hindi naman papasa,' ano ito, lokohan? Ano posisyon ng gobyerno rito? E sila yung nag-endorso nito, sila mismo sumasang-ayon dito. Kung pwede lang, papayagan nila ito. Ano ibig sabihin niyan? Tayo, bilang mamamayan, bilang mga Pilipino, papayag ba tayo na ang gobyerno natin, sa isang sikreto, sa isang backdoor, backroom na negosasyon, ipapamahagi nila yung bansa natin? Hindi pwede iyan, hindi dapat iyan.

Q: Ano ang nakikita niyong katapat ng katahimikan sa Mindanao?

MAR: Lahat tayo, nagnanais ng kapayapaan at katahimikan sa buong bansa. May pamilya tayo diyan, marami sa ating mga kamag-anakan ang kasama diyan sa mga migrant waves na galing sa Panay, sa Iloilo, sa Capiz, na pumunta diyan sa Mindanao noong 1950s. Kaya damang-dama namin yung epekto ng gulo, kami mismo may gusto ng kapayapaan. Pero huwag naman yung kapayapaan na appeasement, huwag naman yung kapayapaan na bale todo, okey lang, ibinenta ang ating bansa. May Republika ng Pilipinas, isang estado na huwag naman, hindi naman dapat na sa loob ng bansa natin, na gumawa ng bagong bansa. Hindi pwede iyan.

News Latest News Feed