Press Release
August 7, 2008

STATEMENT OF SENATOR MAR ROXAS
IN PRESS BRIEFING ON THE MINDANAO PEACE PROCESS

"Magandang hapon sa lahat. Inimbitahan ko po si Vice Governor Manny Piñol ng North Cotabato at si Mayor Lawrence Cruz ng Iligan City para dito sa Senado, dito sa Manila, maparating nila ang tinig ng ating mga kababayan sa Mindanao, hinggil dito sa MOA na siyang sentro ng kontrobersiya sa ngayon.

"Unang-una, kami pong lahat ay para sa kapayapaan. We are for peace.. Hindi kami nandito para dagdagan pa ang gasolina sa apoy o magsulsol pa para sa gulo. Ang ninanais po namin dito ay kapayapaan. Subalit, itong kapayapaan na ito ay dapat base sa isang malawak na konsultasyon, base sa isang kasunduan na nagbibigay ng sapat at tapat na kapangyarihan sa ating mga kababayan sa Mindanao.

"Peace, to be successful, to be sustainable, must be acceptable to all, particularly to those in Mindanao. Hindi maaari na ang ating mga kababayan sa Mindanao ay hindi nakonsulta at hindi kabahagi dito sa kasunduan na ito.

"Walang kapayapaan na makukuha sa Mindanao hangga't hindi tayo makahanap ng solusyon. At hindi tama na ang solusyon na inihahain ng gobyerno na nagkakaroon ng partition sa Mindanao. Ibinenta natin, ipinamigay natin yung mga natural resources ng Mindanao--yung tubig, pati yung hangin. Lahat ay ibinigay dito sa MOA na ito. Tinututulan namin yan.

"Sa Korte Suprema, nanguna sina Vice Governor Manny Piñol, sina Senator Roxas, Senator Aquino, Senator Biazon, at iba pa. Sasama din, magi-intervene din sa Supreme Court, para suportahan itong pagtutol ni Vice Governor Piñol, ni Mayor Lawrence Cruz, ni Mayor Celso Lobregat dito sa kasunduan na ito.

"Ang nangyaring kontrobersiya kahapon tungkol kay General Esperon - ito'y isang bahagi lamang ng isang mas malawak na pagtataksil sa ating bansa. Si General Esperon ay ang mukha lamang ng pagtataksil na ito. Ang tanong - at iyan ay iimbestigahan ng Senado - ay papaano natin narating itong hantungan na ito? Papaano naiusad itong MOA na ito, dumating dito na magpipirmahan na, na hindi ito nalalaman ng mga mamamayan natin sa Mindanao, na hindi ito nalalaman ng mga policy makers katulad ng mga miyembro ng Senado, nung nalaman natin yung nilalaman ng MOA na ito.

"Dumaan ba ito sa Kabinete? Sino ang nagpresenta nito? Sino ang mga bumoto na tama ito para sa ating bansa? Dumaan ba ito sa government cluster? Pumayag ba sila dito? Dumaan ba ito sa isang mas malawakang konsultasyon sa National Security Council? Itong kasunduan na ito ay nangangailangan ng legislative implementing action. Bakit hindi ito na-take up sa LEDAC? Sa SONA, iisang sentence lamang ang ginamit para tukuyin itong topic na ito.

"Ngayon nabulaga tayong lahat na ang probisyon ng kasunduan na ito ay nagbibigay ng isang bansa sa loob ng isang Republika ng Pilipinas. Ito, tinututulan ko, tinututulan naming lahat at makakaasa na hindi tayo makakapayag na matsa-chop-chop ang ating bansa."

Closing statement:

"Para sa kapayapaan, hindi pananakot at pamimilit ang dapat gawin. Sa MILF, dapat ipakita ninyo ang pagrespeto ninyo sa ating Saligang Batas. Ang ating Korte Suprema ay nagsalita, dapat respetuhin natin yan. Hindi pwede na ide-disregard ninyo o ire-reject ninyo, or magbibigay kayo ng ultimatum sa ating Korte Suprema. Hindi pwede ito na may deadline na i-lift ang TRO.

"Hindi rin pwede na papapiliin ang gobyerno - 'Piñol or peace.' Ang isang matagumpay na kasunduan ay magmumula lamang sa isang malawak na consensus, na kung saan lahat ng ating mga kababayan ay kabahagi nito. That's my first point.

"My last point is this. Sa gobyerno naman, sa aking pagbabasa ng MOA na ito malinaw na sell-out ito. Ang kapangyarihan, ang dominion sa natural resources ay ibinigay natin diyan sa Bangsamoro Juridical Entity. Pati yung hatian--75/25 ay nandiyan na sa MOA na iyan. Ibig sabihin, to try and buy peace, we gave them 75% of the value of the natural resources to be found in these areas. Ang ibig sabihin nito, nachop-chop na ang ating bansa. Hindi pwede ito.

"Huwag natin payagan na mabuwag ang ating bansa. Thank you very much. Magandang hapon sa ating lahat."

News Latest News Feed