Press Release
August 12, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' interviews on the GRP-MILF MoA:

DWIZ's 'Karambola':

Q: Sinasabi ni Father Bernas 'there is nothing to worry about,' at kailangan pa itong dumaan sa Kongreso.

MAR: Siguro in theory, there is nothing to worry about. Dito, pinapaasa natin ang MILF na bibigyan natin ng dahilan kung bakit alboroto na naman sila sa darating na taon. Biro mo, ico-commit mo sa kanila na sisikapin natin na ito ang mangyari. Tapos kung hindi naman mangyari, paano na? Ano ito, lokohan? Ngayon pa lang, na-TRO ito ng Supreme Court. Ano sabi nila? 'Wala kaming pakialam sa Supreme Court. Para sa atin, done deal na ito.' Tingnan mo yung statement ng MILF. Hindi na nila inaantay yung kopya ng pirmadong kopya. Sinasabi nila may epekto na ito kasi na-initial na ito. Yung sinabi ni Father Bernas, maaaring tama sa ligal, pero sa pulitika, ginagamit na ito ng MILF para mabigyan sila ng katayuan sa international. Based on this initial copy, umiikot na sila na sinasabi, 'Tingnan mo, nare-recognize na kami ng pamahalaan ng Pilipinas.'

Nalulungkot po tayo sa nangyayari ngayon sa Pikit, sa Midsayap at ibang lugar ng North Cotabato. Talagang nalulungkot tayo. Pero nagpapakita ito na talagang 'under the gun' yung mga negotiators natin. 'Payagan niyo ito, kung hindi, manggugulo kami.' Anong klaseng kasunduan iyan? Ni isang salita, walang nagsasabi na magkaka-demobilization. Walang integration, walang laying down of arms. Hindi tayo makasiguro na magkakaroon ng katahimikan.

Q: Sinasabi nila this not the be-all, end-all of the agreement, may susunod pa.

MAR: Pero kung sa simula pa lang, mali na, unconstitutional na, paano pa kaya ang susunod nito? Para sa akin, dapat magkaroon ng malawakang konsultasyon. Tanungin ang ating mga kababayan. Ako, bilang Senador, pananaw ko kung ipamimigay natin ang daan-daanlibong ektarya ng karagatang Republika ng Pilipinas, kailangang tanunin ang buong sambayanan.

Q: Ano ang pananaw niyo na may kinalaman ito sa cha-cha?

MAR: Baka lumabas na ang tunay na dahilan na ninanais nila, na magkaroon ng cha-cha. Ang epekto nito, mapapahaba lamang sa termino ng kasalukuyang nakaupo. Sabihin na lang nila kung ano ang gusto nila. Imbes na patago pa ng ganito, na niloloko lang nila ang sambayanan. Pinaka-basic iyan, para mamuno ng tapat at maayos, kailangang magpakatotoo tayo.

Q: Ano ang tingin mo sa federalismo?

MAR: Ang federalismo, siguro maganda ito sa matagal na panahon. Hindi pa tayo handa, yung mga natural resources, resource mobilization ng bawat lugar ay hindi pa developed masyado. Saan kukuha ng pera ang bawat lugar? E kung sa national government pa rin, di balik tayo sa unitary government uli. Siguro maganda na dagdagan natin yung devolution, dagdagan natin yung poder o yung kapangyarihan na nakapaloob sa mga local government units. Patibayin natin sila, palakasin natin sila, at sa darating na panahon, 'pag nag-mature ang lahat, darating din tayo sa federalismo. Dapat hinay-hinay tayo rito. Iisa ang ating bansa. Lahat tayo ay mga Pinoy, kaya huwag muna nating payagan na mabuwag ang bansa natin.

DZRH with Deo Macalma and Ruth Abao:

Q: Sinasabi naman ng gobyerno na dadaan pa rin ito sa charter change at plebisito.

MAR: Matibay ang Senado na hindi papayag sa maanomalyang cha-cha na patago at masikreto, at isisingit lang ang term extension, yung lifting of term limits at iba pang pansariling probisyon na makikinabang lang ang mga pulitiko.

Marami ang nagsasabi 'Masyado namang reklamo, e dadaan pa ito sa lehislatura at plebisito.' Ito yung reklamo. Yung pipirma diyan sa MoA, for and in behalf of the Republic of the Philippines. Hindi si Bert Romulo o si General Esperon in his personal capacity. Kahit sinong tao ang pumirma diyan, basta may full powers na pumirma diyan, ang nakasulat diyan ay 'for and in behalf of the Republic of the Philippines.' Ibig sabihin kino-commit iyan ng ating gobyerno na maisakatuparan ang MoA na iyan. Kung kailangang dumaan iyan sa lehislatura o hindi, yung pamahalaan natin ay nakaposisyon na gagawin niya ang lahat, sisikapin niya ang lahat, good faith effort, to implement the terms ng MoA. E tama ba naman iyan? Kinonsulta ba tayo ng gobyerno natin?

News Latest News Feed