Press Release
August 13, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero
at the Senate Session hall

On Senate resolution for federalism...

Pumirma ako don sa resolusyon at sinulat ko don with reservation as the timing, mode and content. Timing ibig sabihin ako lang, kung ako ang tatanungin mas gusto kong gawin to pagkatapos ng 2010 dahil ginagawa dapat ang Cha cha sa pagsisimula ng termino ng anuamng admnistrasyon at hindi yung patapos na para maalis ang pagdududa at pag-aalinlangan na ito ay ginagawa para mapalawig lamang ang termino ng kasalukuyang nakaupo. Para sa akin walang moral authority ang numang administrasyon na baguhin ang Saligang Batas kapagka patapos na ito (termino). Reservation din as to mode dahil dapat timbangin talaga natin mas maganda ba talaga ang con-con o ang con-as. Pangatlo as to content hindi ako papayag na may baguhin o may galawin kaugnay sa nationalist provision ng saligang batas, kabilang din yung mga probisyon kaugnay sa term at term limits ng mag kasalukuyang opisyal.

Baka daw gamitin ito for term extension...

Tingin ko imposibleng magamit yon for term extension, hindi papayag, hindi lamang ako, kundi ang ibang kasamahan ko dito sa senado. Dagdag pa ditto ginagamit na salita ni Sec. Dureza na nag flip flop daw ang mga senador matapos sumuporta sa resolusyong ito, excuse me'ng malaki ang nagfliflip flop kumg neron man ay ang administrasyon. Noong Enero sabi ni Pangulong Arroyo sa isang talumpati wala na raw Cha cha sa kanyang administrasyon hanggang 2010, nong kanyang SONA wala siyang binanggit tungkol sa cha cha, ni wala siyang binaggit kaugnay sa federalism. Nagyon may biglang binabanggit sila tungkol sa cha cha at federalism. Yong MOA on ancestral domain, ni isang salita doon tingkol sa salitang federalism, federal o federalist, ni wala nakalagay sa MOA on ancestral domain, tapos biglang sasabihin ni Secretary Dureza yon naman talaga ang direksyon naming noon pa eh di kahit isang salita man lamang doon sa MOA binanggit man lamang sana nila yugn cha cha o yung federal.

Sa tingin ko ina-adlib ni Secretary Dureza ang kanyang sinasabi habang lumilipas ang mga araw. Depende kung ano ang napanood sa TV, napakinggan sa radio, maghahanap ng sagot na pedeng ibigay nag align kugn saan. Ang hinihingi ko sa administrasyon, road map at direksyon kaugnay sa usaping pangkapayapaan at kapayapaan sa Mindanao. Ano nga ba ang direksyon, ano nga ba ang polisiya, ano nga ba ang step by step na dapat nilang gawin sa tulong ng Kongreso, sa tulong ng mag residente at LGU para makamtan ang kapayapaan sa Mindanao, para hindi naman tayo lahat nangangapa, hindi tayo lahat nagsisisihan, hindi tayo lahat bulag at parang nasa dilim kaugnay ng dapat nating tahaking landas.

Its chances na pumasa ito before 2010...

Nong pumirma din ako sinabi ko kay Senator Pimentel at kokompirmahin niya marahil ito na gusto ko kung saka-sakali gawin ito pagkatapos ng 2010 pero wala akong tutol na simulan ang debate, diskusyon at pag-aaral tnugkol dito ngayon, dahil kung magsisimula pa lamang tayo sa 2010 siguro magsisimula tayo mag-amenda actually patapos na naman yung termino ng presidente, so hindi na naman marapat at dapat gawin. Pumayag siya sa konseptong yon, sabi niya basta't masimulan sa akin pede na rin yon, kaya hiningi niya ang suporta ko para doon sa kayang resolusyon na ito ay pag-usapan, na maghearing si senator Gordon, na mag-invite tayo ng resource person, na kumuha tayo ng data kung ano ba talaga ang dapat gawin, hindi ako tutol don, siguro dapat lang gawin natin yon, mag-aral tayo kung ano ang pinakamagandang gawin sa ating bansa.

News Latest News Feed