Press Release
August 19, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: Should we consider MILF as a terrorist organization?

Villar: Sa akin, ang lahat ng gumawa ng gulo sa Mindanao ay dapat namang bigyan natin ng ganyang turing subalit liwanagin natin ang mga mismong involved dito. Talagang walang choice ang AFP dito, kinakailangang tapusin nila ito. Ang suporta naman ng lahat ng ahensya ng gobyerno, kasama na ang Senado diyan ay dapat nasa likuran din ng ating Armed forces.

Q: Dapat isuspend na ang peace talks?

Villar: Sa palagay ko, napakahirap ng peace talks sapagkat sino ang kakausapin natin? Maliwanag na ang MILF na kausap ng ating pamahalaan ay hindi sinusunod ng mga kasamahan nila, so sino ang kakausapin natin?

Q: Dini-deny po ng mga leaders nila?

Villar: Kung hindi man sila ang gumawa ng gulo na iyon, maliwanag naman na hindi nila kontrolado ang mga tauhan nila. At kung hindi nila kontrolado, paano ang pa-uusap natin diyan? At ano ang puwede nilang i-commit at hindi i-commit?

Q: Dapat ba isuko nila ang mga responsible?

Villar: Sa tingin ko, kailangan munang suspendihin at mag-usap muna ng maayos. Maliwanag na ang nangyaring gulo na iyan ay hindi naman puwedeng palampasin ng Armed forces. Iisa lamang ang Armed forces sa ating bansa at iyan ang AFP.

Q: Kailangan bang ibigay ang emergency powers?

Villar: Hindi naman kailangan ng emergency power. Naniniwala ako na kayang resolbehin ito ng AFP. Naniniwala ako sa kakayahan ng ating Armed forces para lutasin ang problemang ito.

Q: On the latest SWS survey, no. 3 kayo?

Villar: Natutuwa naman tayo kung mataas tayo sa ratings na iyan bagaman talagang matagal pa ang eleksyon. Kung anuman ang ratings na iyan, syempre kung maganda, pagbubutihin natin para lalo pang magustuhan tayo ng ating mga kababayan. Sa ngayon, maraming problema. Hindi natin alam kung paano ang tingin sa atin ng ating mga kababayan. Mahalaga din naman na paminsan-minsan ay nakikita natin kung paano ang pagtingin nila sa atin. Iyan ang magsisilbing gabay natin sa ating mga aksyon na gagawin sa darating na panahon.

Q: Iyong survey ba will be the result of the 2010 elections?

Villar: Syempre may kinalaman iyan. Ang problema lang natin ay sa gulo na ito at sa mga nangyayari na ito, gusto nating maintindihan kung magkakaroon ng eleksyon sa 2010.

Q: On FSGO

Villar: Ang FSGO ay isa sa maraming organisasyon na humihingi at gumagawa ng ganyang panawagan. Iyan ang maganda sa ating demokrasya, lahat ay puwedeng magsalita at lahat nang iyan ay pakikinggan ng Senado. Iko-consider namin ang kanilang opinion sa paggawa namin ng aming hakbangin tungkol sa cha-cha.

Q: No to cha cha talaga?

Villar: Iyon ang kanilang posisyon. Maliwanag naman na karamihan ng mga senador ay ayaw sa cha-cha. Kami ay gagawa ng aming desisyon dito sa Senado at iyon ang magiging stand ng Senado. Meanwhile, lahat ng mga organisasyon ngayon na may suggestions, iyan po ay iko-consider namin sa pag-gawa ng aming pinal na aksyon.

Q: Kailangan ba mag-file ng reso to suspend the peace talks?

Villar: Puwede rin subalit ngayon naman ay siguradong walang magpi-peace talks kasi sino ang kakausapin? Naniniwala naman ako na sa ngayon, walang makakapagsabi na tao nila iyon at kung walang makakapagsabi, ano ang iko-commit nila?

Q: May ceasefire agreement pa tayo sa MILF?

Villar: Wala na, hindi ba ang dami nang nangyaring gulo?

Q: Laban na kung laban?

Villar: Ganun naman talaga, obligasyon ng ating AFP iyan. Hindi naman para lang tayong naghahanap ng away subalit bilang Armed Forces of the Philippines, hindi naman puwedeng magpakita tayo ng takot dito sa ganitong pagkakataon... Ang Kongreso ay nakahandang gawin ang kinakailangan para makatulong. Kung kinakailangang magpasa tayo ng supplemental budget para dito ay nakahanda akong bigyan ng prayoridad iyan.

Q: For the past years, laging nadadagdagan ang budget nila pero nangyayari pa rin ito?

Villar: Wala naman tayong magagawa sapagkat mahirap naman din na pabayaan natin ang ating mga sundalo sa oras ng kagipitan. Kaya kung ano ang kailangan nila, kung kailangan nila ng additional funding, ang Senado ay nakahandang bigyan ng prayoridad ang additional funding na iyan.

Q: Sa tingin ninyo mahina ang intelligence nila?

Villar: Mahina ang intelligence kasi nandoon na. Sila ang sumugod, nandoon na sila. Naunahan nga sila.

News Latest News Feed