Press Release
August 21, 2008

Transcript of ambush interview with Senator Mar Roxas at the Manila Memorial Park

On the 25th anniversary of Ninoy Aquino's death, and the GRP-MILF MoA:

Q: Sinabi niyo na 'Ituloy ang laban.' Ano ang ibig sabihin nito?

MAR: Pinaglaban ni Ninoy ang ating bansa. Sinakripisyo niya yung kanyang buhay mismo para lamang na maiangat ang ating bansa mula sa kadiliman ng diktatorya at mula sa kahirapan. At sa dami ng hamon na hinaharap ng ating bansa ngayon, itong sakripisyo ni Ninoy, itong kadakilaan ni Ninoy ay tinatanggap natin bilang pagmana nitong hamon. Kami rito sa Partido Liberal, mga ka-partido ni Ninoy ay tutugun dito sa mga layuning ito.

Q: Kung buhay si Ninoy, ano sa tingin mo ang sasabihin niya tungkol sa ngayon?

MAR: Kung buhay si Ninoy ngayon, siguradong-siguradong malulungkot siya sa sitwasyon ng bansa natin ngayon. Yung mga pinaglaban niya, hanggang sa ngayon, ay hindi pa rin naisasakatuparan. Napakarami ng ating mga kababayan ay naghihirap, at sa ngayon nakikita natin na ang away doon sa Mindanao ay hindi pa nalulutas. Nakita natin sa pamamagitan nitong maanomalyang MoA na ito, sinikap ng gobyerno na i-chop-chop o i-partition ang ating bansa, at lahat ito, sigurado ako, hindi sasang-ayunan ni Ninoy.

Q: Nawala na ba ang demokrasya sa bansa?

MAR: Wala na ngang konsultasyon. Nakita natin ito sa pagtaguyod nitong MoA na ito. Pinaglalaban ng gobyerno itong MoA na ito. Maanomalya ito, walang konsultasyon ito. Ni ha ni ho, hindi alam ng mga residente doon sa Mindanao kung ano ang nilalaman nito. Wala na nga talaga ang kapangyarihan ng ating demokrasya na konsultahin ang ating mga kababayan. Ito ang isa sa pinaglaban ni Ninoy, sinakripisyo niya ang kanyang buhay, at binigay niya ang lahat sa pagmamahal sa ating bansa.

Q: Malulungkot si Ninoy sa pamamaraan ng pamumuno ni Pangulong Arroyo?

MAR: Opo, at pati na rin sa sitwasyon ng ating bansa.

Q: The Palace said they will no longer sign the MoA.

MAR: That's a good first step. They should publicly and transparently declare that they are scrapping this MoA, and concomitant with that, dapat nai-scrap din nila yung peace panel na bumuo nitong MoA na ito. Maanomalya itong MoA na ito. Kitang kita yung pag-alma, yung pag-alboroto ng buong sambayanan laban dito sa MoA na ito, magmula doon sa residente sa Mindanao, sa mga local government officials doon, pati na rin sa mga legal experts, nakikita natin na ipinamahagi, ipinartition ang bansa natin dito sa MoA na ito, at ito'y hinding-hindi pwedeng mangyari.

Q: Would you suggest an all-out war against the MILF?

MAR: Hindi naman kasi na all-out war lang at putukan ang sagot nito. Ang pinakamahalaga rito ay mangibabaw ang rule of law laban dito sa Commander Bravo, sa iba pang mga hindi sumusunod sa tama, dito sa mga sumalakay dito sa mga murderers, dito sa mga arsonista, dapat talagang tugisin ito ng gobyerno. Dapat protektahan ng gobyerno ang kapakanan ng ating kababayan doon.

Q: Are you against the policy itself of 'all-out war'?

MAR: Hindi naman yata tama ang all-out war, na hindi na tayo magdi-differentiate. Kailangan huwag tayong magkaroon ng ethnic stereotyping. Yung mga lumalabag sa batas, Kristiyano man o Muslim, lahat iyan ay dapat i-apprehend, hulihin, dalhin sa korte, at file-an ng kaso.

News Latest News Feed