Press Release
September 2, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' ambush interview

On Mindanao:

Q: Why do you say the authorities should 'smother' those lawless elements?

MAR: Kaya ko sinasabi 'smother,' ay ibig sabihin, overwhelming presence ng military para hindi na mag-escalate. Kasi habang nag-e-escalate ito, habang nagkaka-isolated bombings at mga acts of terrorism, yung mga sibilyan, natatakot, mag-aarmas ng sarili, gagawa ng kani-kanyang grupo, magkakaroon ng vigilantism, tapos mag-e-escalate lalo iyan. Hindi pwede yung gradual o incremental, kailangan dito ang overwhelming, agad-agad.

Q: So the military is still not doing enough?

MAR: There's not enough military presence. Kulang pa rin ang presensya. Kasi tinitimpla pa ng military ang presensya nila, na kung ano sa pananaw nila ang pangangailangan, iyon din ang kanilang presensya. Sinasabi ko, damihan nila.

Q: Para bang 'all-out war' ni Erap?

MAR: Yung all-out war, offensive doon sa MI, na sasalakayin nila yung kampo ng MI. Hindi ko sinasabi iyon, ang sinasabi ko ay habulin, hulihin, dalhin sa hustisya sina Umbra Kato at Bravo. Ngayon, bukod doon, kailangang magkaroon ng overwhelming presence and military at saka yung pulis para hindi lumipat sa kanilang kampo ang mga MI. Hindi naman ibig sabihin na hahabulin nila, papasukin nila yung kampo. Sinasabi ko na magkaroon ng all-out presence, para hindi magsimula ang escalation.

Q: Do you think the government's holding back?

MAR: Baka hindi nila nauunawaan yung sitwasyon. Siguro sa ngayon, tama lang yung presensya kung yung mission is habulin sina Umbra Kato. Yung sinasabi ko, yung mission is to suppress violence, is to prevent escalation. For that to happen, dapat mas marami ang presensya, hindi lamang sa kasalukuyan, pero dagdagan pa nila para hindi mag-escalate, kasi 'pag nag-escalate iyan, mga sibilyan mismo, mag-aarmas ng sarili, gugrupo-grupo na iyan, tapos magkakaroon ng violence.

On the proposed Mindanao Economic Zone:

MAR: Ang Mindanao economic zone ay para sa private enterprise sa Mindanao, para doon mag-locate ang mga negosyante. It's to provide investment opportunities for the private sector, para doon na mag-locate sa Mindanao, nang sa ganoon, makapaglikha sila ng trabaho at hanapbuhay para sa mga tao doon. Kasi ang pinaka-issue sa Mindanao ay poverty, ang kahirapan.

On political alliances:

Q: Are you concerned about recent coalitions being reported?

MAR: Di magsama-sama na yung mga politicians. Kami naman ay para sa makabagong pulitika, makareporma kami, at pinagmamalaki namin na tatlong Ramon Magsaysay Awardee ang kasapi ng Liberal Party, si Ka Jovy Salonga, Mayor Jesse Robredo, si Governor Grace Padaca, at ang pinepresenta naman namin sa sambayanan ay isang makatarungan at makabagong programa.

Q: Hindi ka ba nababahala?

MAR: Hindi ako nababahala, dahilan sa nakita natin na sa puno't dulo, ang ating kababayan ang magdedesisyon sa kursonada nila, hindi sa dikta ng politiko. Iba ang aming pananaw, iba ang aming pinepresenta, isang makareporma at makabagong programa de gobyerno.

On JPEPA:

Q: The exchange of notes is said to be finalized.

MAR: Good. We expect questions on constitutionality will be answered already.

Q: How long will the plenary discussions take?

MAR: Haharapin namin ang lahat ng tanong ng aming kasamahan, at sasagutin namin. Komportable ako na may sapat na suporta ang JPEPA.

Q: Do you think all issues are adequately addressed?

MAR: Oo. Yung bumalangkas n'on ay isang constitutional expert. Siguro inilagay na ang lahat ng proteksyon na kinakailangan.

News Latest News Feed