Press Release
September 3, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero after a public hearing of the Senate Committee on Ways and Means

On the dissolution ng peace panel negotiating with the MILF...

Sana kasama ng pagbuwag ng peace panel ang pagtanggal kay Esperon at sa sinomang
Repsonsable dito sa pagpasok sa MOA on ancestral domain at sana dinggin din ng pamahalaan ang aking panawagan, localize dapat ang peace talk, hindi lamang within certain municipalities or cities pero sa pagitan ng pamahalaan at ibat-ibang tribe o tribu sa Mindanao na bumubuo sa pangkahalatan na naninirahan doon. Localize dapat ang peace talk sa pagitan ng clan leaders at kung saka-sakali religious leaders ng kada sector, clan at tribu para sa gayon mas epektibo ang pamamaraan n gating pakikipag-usap kaugnay ng kapayapaan.

Kung kasama si Esperon sino sa tingin nyo ang maging bagong peace adviser?

Kung localize ang peace talk ang kailangan lamang natin ay isang consolidator, magaling na administrador na nakakaintindi sa pagpapatakbo ng isang opisina dahil ang expertise pagdating sa mga specific na usaping pangkapayapaan hindi dapat mula sa itaas ang pagdikta, nagmumula yan dapat sa ibaba, sa mga taong apektado mismo.

Clear indication ito na inaamin nila na pumalpak...

Palaging naman tayong pedeng magsisihan pero ngayong inamin nang mali, ngayong klaro ng binabago yung kamalian at winawasto na yung baluktot hindi naman siguro ito ang panahon para sipain pa natin at tadyakan pa natin yung nakadapa na.

On abolition of peace panel again...

Sana kasabay ng pag-abolish ng peace panel ay ang pagtanggal na rink ay Esperon for a job not well done, at maliban ditto kung maglolocalize tayo ng peace talk ayon na rin sa paganunusiyo ng Malacanang at sang-ayon na rin sa aming suhestiyon hindi tama na manggaling ang uots sa itaas, dapat kunin natin ang opinion sa baba at hayaan nating umakyat so ang kailangan lamang natin na maging head ng peace panel hindi yong nag-ieksperto ekspertohan kundi isang taong magaling na administrador at manager at na kayang pagsamasamahin at magfacilitate sa mga usaping pangkapayaan sa local level.

Dapat bang magkaroon ng papel ang senado dahil kung papasok daw sa anumang agreement dapat lagging may kinatawan ang senate lalo na yung committee on foreign relations...

Kung committee on foreign relations parang inaamin natin na mga banyaga ang kausap natin, siguro ibang komite, meron naman tayong komite na naghahandle ng usapung pangkapayapaan, yung dapat ang maging bahagi nito at maski na hindi na siguro umupo ang senado roon, basta ipagbigay alam sa senado kung may pinag-uusapan sila na mangangailangan ng pag-amyenda ng batas dapat i-inform ang senado bago pa man sila magpirmahan.

After pumalpak ang MOA ano ang leksyon na nakuha ng Malacanang at ano ang dapat nilang gawin?

Simple lamang ang leksyon at leksyon nating lahat walang iisang tao ang nagmamay-ari ng talino, sagot sa lahat ng tanong at problema n gating bansa. Huwag nilang isipin na kailanman gaano man kataas ang puwesto nila, gaano man kataas ang kanilang pinag-aralan kaya nilang lahat sagutin ang mga katanungang ito, importante ang konsultasyon, importanteng kumuha ng opinion sa lahat ng apektadong sector at tao.

Ibig sabihin tama na buwagin itong peace negotiating panel?

Well tama yung ginawang move nila although sila rin naman ang gumawa ng problema na ilagay si esperon dyan. Nilalagay pa lang si esperon dyan nag-oobject na kami dyan, na hindi niya alam ang kaniyang ginagawa, napatunayan nga natin na hindi niya alam ang kanyang ginagawa. Pinasukan pa lang yung MOA sinabi na naming mali, pero lahat naman winawasto nila, huli na nga lang. pero huli man daw at magaling huli pa rin at least naiwasto maski na hanggang ngayon ay mali pa rin.

On the abolition again...

Sa na kasabay ng abolition ng peace panel ay ang pagtanggal na rink ay Esperon at sa lahat ng bumubuo ng peace panel na may kagagawan ditto sa MOA on ancestral domain. Inaa-point pa lamang si Esperon sinasabi na naming mali at pinatunayan ng pagkakataon na mali nga yon. Kung localize ang peace talk, tigilan na natin yung pag-aapoint on czar czar on peace peace process o anumang czar pa, intindihin natin na dapat magmula ang input, ang pag-iintindihan sa local na level. Ang kailangan nating bilang peace czar ay marunong at hindi nagmamarunong, kundi yung marunong makinig at mag-ayos ng mga pakikipag-usap sa local na level. Dinggin natin kung ano ang sinasabi n gating mga kababayan sa baba kaysa sa dinidikta natin mula sa itaas.

On Lakas, sinabi ni JDV na he's proposing to have a merging into a coalition to be composed of Lakas, NP at NPC...

Walang krapatan sa JDV na magsalita para sa aming partido, hindi siya member n gaming partido at sinabi rin naman niyang magtetestigo siya ditto (Senate) hindi rin naman siya nagtestigo, so sabay-sabay na lang siguro pati yung sinabi niya kaugnay nyan, hintayin ko munang magkatotoo yan ditto sa senado bago yung bagay na yon.

Ayaw nyo ng merger?

Masyadong maaga para pag-usapan ang pamomolitika para sa akin at lalong lalo na sigurong hindi magandang tingnan na nagsasalita ang isang tao para sa isang partido na hindi naman niya kinabibilangan. Darating ang panahon para sa pamomolitika at eleksyon, hindi nga lang siguro ngayon ang panahong yon.

We're not even talking about it, it's not even consider it at this point in time simply because it's too early. Kung sila gusto nila ganito kaaga namumulitika na. sila na lamang, hindi kami sasali sa kanila, haharapin naming ang isyu at anuamng usapin hinggil sa pamumulitika at pangangampanya sa tamang panahon, hindi nga lang siguro ngayon ang panahong yon.

Standard bearer daw nila si SP Villar...

Nila, karapatan naman siguro nila yon.

Isa siguro yung sa mga possibility na pedeng mangyari dahil malapit na yung eleksyon...

Oo pero ang dami rin naman nating kinakaharap sa ngayon, sa damin nating problemang kinakaharap sa ngayon pede ba yon na muna, sigurado namang darating ang 2010, sigurado namang darating ang panahon ng kampanyahan, baka pagdating ng panahong yon masyado tayong mabingi at mabusog kaugnay sa usaping kaugnay ng pamumulitika at politika, doon na lamang nating pag-usapan yon at wag na muna ngayon. Anuamng sasabihin ngayon, sobrang aga at sobrang layo na marami pa ang pedeng mangyari at ang kalabasan marahil ay malayo doon sa sinasabi ngayon. Maganadng magpaensiya na muna yung mga inip na inip na at kugn ayaw nialng magpesensiya at gusto na talaga nilang magsalita tungkol dyan sa nagyon, sila na lamang at hindi kami sasabay.

Asset ba si JDV sa inyo?

Kung papipiliin mo ako doon sa mag-ama pipiliin ko na siguro na mas magandang makasama yung anak , at least tumayo, pinanindigan at nag-appear ditto sa amin sa senado.

On IRR of tax relief law...

Kung hindi aayusin ng BIR ang implementing rules and regulations na kanialng iiisyu, snag-ayon as decision ng Korte Suprema sa Estanislao case, aming iaakyat din yan sa Korte Suprema para iwasto ang pananaw naming maling interpretasyon ng batas na aming pinasa, ito'y para sa kapakanan n gating mga kababayan, endorsed ito ng administrasyon at certified measure ito ng Malacanang bakit naman tila sinasabotahe ng BIR ang magandang intension ng batas na ito sa pamamagitan ng implementing rules and regulations na kanilang pinag-aaralan sa ngayon.

Dapat i-enforce yung batas 2008...

Nakalagay sa batas yung standard effectivity clause, sang-ayon sa Estanislao case yung standard effectivity clause ang ibig sabihin nyan effective yan January 1, 2008 dahil indivisible ang tax year at dahil ito ay para sa benepisyo ng ating mga kababayan, this situation falls on all force doon sa Estanislao case at imbes namagkasuhan p atyo bakit kailangan pang magkasuhan pa tayo, sana gawin na lang ng BIR yung tama.

Ang gusto ng BIR enforce sa 2009?

Ang gusto ng BIR originally 2009, nagcompromise gusto nila midyear na lamang subalit iba pa rin at taliwas sa Estanislao case na nadesiyon ng Koret Suprema, ang gusto rin ng BIR kapag ikaw ay kumikita dagdag sa kinikita mo bilang minimum wage earner hindi ka na raw covered, hindi yon ang intension ng batas at hindi yon ang pinag-usapan sa debate ditto mismo sa senado at marahil doon din sa Kamara.

When do you intend it to elevate it to the SC?

As soon as the BIR issues a regulation that is contrary to the intent of Congress and contrary to the decision of the Supreme Court on the Estanislao case. Pero sana hindi na dumating sa puntong yon.

Hiniling naming sa BIR at DOF ipakita muna sa oversight committee at sa akin yung draft rules bago ito ifinalize para maiwasan ang pagsasampa ng kaso at mapatupad sa lalong madaling panahon ang batas na ito mas maganda sa ting lahat.

P14 billion?

(P14 billion) Ang estimated revenue lost. Without yung bawi.

On GRP peace panel again...

Sana kasabay sa pagbuwag ng GRP peace panel ang pagtanggal na rink ay Esperon, inaappoint pa lamang isya sinasabi na namin na hindi niya magagampanan ang kanyang tungkulin dahil sa kanyang karanasan kaugnay ng giyera at hindi naman kapayapaan at kung talaagng localize na yung peace talk sana kunin nating yung taong kayang mapagsamasama yung ibat ibang mga interesadong partido sa local na level at hindi naman kailangan yung masyadogn marunong at nagmamarunong sa peace process. Pakinggan natin at dinggin nating yung sinasabi ng mag kababayan natin doon sa baba kaysa sa dinidiktahan natin sila mula sa itaas.

On Joc Joc Bolante case...

Well sana sa lalong madaling panahon madeport si Joc Joc Bolante para mabigyang linaw ang maraming kasong kinakaharap niya rito, mabibigyang linaw din kung saka-sakali ang mga isyu na inimbistigahan ng senado ngayon na sana mabigyan niya ng kasagutan pag-uwi niya rito sa ayaw man niya o sa gusto.

Matutuloy pa ba yung hearing kasi may final report na?

Naniniwala ako na ang pagdinig ng senado kailangang pumasok lamang kapagka hindi ginagawa ng mga ahensiya ang mga trabaho nila, sa kasong ito may mga pending cases at kung hindi ito gumalaw matapos niayng umuwi ditto marapat na panghimasukan ito ng senado.

On tax relief law, may problema sa IRR...

Hanggang ngayon nakikipagdebate at nakikipag-away pa kami sa BIR at ialng opisyal ng DOF kaugnay sa hindi nila pagsunod, una sa tinatalgang probisyon ng batas, pangalawa sa mga angign desisyon ng Korte Suprema, maliwanag ang desisyon ng korte suprema kaugnay ng Umali case, hindi nakalagay sa batas na particular na prospective ang application ng batas kaugnay sa exemption. Ito'y magreretroact sa simula ng taxable year, nakalagay sa batas na ang effectivity ay 15 days following the completion of its publication in newspaper in general circulation or official gazette, ibog pong sabihin effective yan beginning January 1, 2008 kaugnay sa desiyon ng Korte Suprema. Hindi na dapat ito pagdebatehan sa pagitan pa ng Senado, ng Kongreso at ng executive branch, dapat gawin ng BIR sundin na lamang ang Estanislao case at ang desisyon ng korte suprema kaugnay nito.

Ibig sabihin magsasauli pa yung BIR ngayon...

Hindi magsasauli, magse-set off na lamang sila sa huling dalawang buwan ng taong ito para yung iababawas at ikakaltas doon sa dating hindi exempted ay iseset off na lamang sa huling dalawang buwan ng taong ito.

Mas lalaki yung foregone revenue ng BIR...

More or less P6 billion kung saka sakali ang dagdag na foregone revenue pero sa taong ito lang, next year ang projected foregone revenue ay ganon pa rin naman sa P11 billion.

Hindi pa rin kumbinsido ang BIR na dapat January...

Nagtatalo pa rin kami ng BIR pero ang sinasabi naming sa BIR wala silang option pagdating sa bagay na ito. Hindi ito question ng intent ng Kongreso, hindi ito question ng probisyon ng Kongreso, itoy question ng desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa pareho at eksaktong kaso.

Mas mahihirapan daw silang ma-meet yung goal nila this year?

E di bababaan dapat ng DOF correspondingly dahil sa amendment na to o dahil sa rules na ito yung target ng BIR sa katapusan ng taon.

So may adjustment sa goal...

Mag-adjust sila, nag-aadjust naman talaga sila minsan kada buwan at kada quarter, ano ba namang non. Kung dahil sa hindi nila mamimeet na goal ayaw nialng ibigay itong benipisyong ito sa taong bayan maling argumento naman yata yon.

Goal setting lang naman yon eh, DOF mismo ang dapat magdikta at magsabi noon sa kanila kaugnay nito.

Maraming ng VAT exemption bill sa Kongreso...

Titingngan muna naming yung mga VAT exemptions na ipinasa sa House of Representatives, karamihan ditto naghearing na kami last year pa pero dahil revenue measure ito kailangang magsimula sa House of Representatives. Halimbawa tapos na kami sa paghe-hearing kaugnay ng exemption ng senior citizens sa pagbibili ng gamut pagdating sa VAT. Tapos na rin kami sa hearing kaugnay sa VAT exemption pagdating sa systems loss, yung iba pang mga probisyon aantabayanan na lamang naming yung pagtanggap naming ng kopyang opisyal galling sa House, mahirap magkomentaryo kaugnay ng committee report pa lamang ng House dahil baka magbago yung pigura, hugis at mukha nito bago ito maaprubahan sa plenaryo ng Kamara. Pero nakahanda palagi ang senado aksyunan sa agarang panahon ang bagay na ito.

On Tax relief law law again...

Yung Estanislao cae ito yung kaso non, tinaasan yung exemptions like what we did, nagtake effect yung batas January 30, may nagkaso dapat effective yan the year before, ang nagging sagot ng Korte Suprema kung January 30 ipinasa ang batas at bago ito mag April 15 yung filing ng ITR sabi ng Korte Suprema magsisimulang mag effective yan January 1991, imbes na Janaury 1992, so umatras sila ng buong taon. Sa kasong ito na eksakto doon sa Estanislao case, effective ang batas noong July 6, iaatras ito dahil pagkatapos ng April 15 ng January 1, 2008 para sa filing ng April 15, 2009 at sa taxable year 2008 applicable ng buong buo yung batas dahil na rin sa prinsipyo na indivisible ang isang taxable year.

Pedeng iakyat ito sa SC kung hindi susunod ang BIR...

Kung hindi yan iaapply ng BIR papahabain lamang nila yung kuwento kukuwestyonin naming yan sa Korte Suprema, maganda ngayon pa lamang sumunod sila sa tinatalaga ng batas, kabilang na ang mga desisyon ng Korte Suprema.

Pinaalaman nyo na sa BIR yung planong pag-akyat sa SC?

Pinaalam na naming yan sa kanila noong nakaraang hearing, patuloy naming pinapaalam sa kanila at kasalukuyan naming pinagdedbatehan at pinag-aawayan yan.

Kailan nyo iaakyat?

Pagnilabas nila yung rules, hindi pa nila nilalabas. Approval lang ang DOF.

May deadline ba ang BIR?

Wala, pero ang problema sa BIR napakatagal na ang batas na ito na naipasa at ang tagal nilang maglabas ng rules and regulations. Baka hindi talaga silang sinserong ibigay.

Hindi pa nila (BIR) naiimplement yung batas dahil wala pang rules.

Walang IRR eh, yung mga kumpanya takot iimplement yung minimum wage exemption at yung mas mataas na level ng exemption dahil hindi pa maliwanag ang IRR ng BIR. Hanggat hindi pa klaro at maliwanag yon kinakabahan ang ibang kumpanya na baka mali ang kanilang interpretasyon at sila pa ang kalabasang manunukli o magssasauli ng pera kung ipapatupad nila yan ng sila sila lamang.

Effective ang batas July 6 pero yung implementation ay hindi pa naisasagawa dahil nga sa kawalan ng IRR. Kung may kumpanya man na gumagawa nyan sa ngayon sila ay tumataya sa pagkakataong ang kanilang pag-iimplementa ay pareho sa magiging rules ng BIR.

Kaysa mali ang interpretasyon nila ng batas mas gusto ko nang maantala ng isa pa siguro o dalawang lingo basta tama ang kanilang implementasyon at pagpasa ng IRR.

May problema between DOF at BIR sa paggawa ng IRR...

Hindi sila nagkakasundo yon siguro ang dahlia kung bakit may problema tayo sa tax administration, bakit hindi mautusan ng secretary yung commissioner na ganito dapat yan.

May reklamo yung ibang labor groups dahil don daw sa IRR...

Ni-restrict at ki-constrict, mali din yung interpretasyon nila sabi ng IRR kapagka may kita ka on top of the minimum wage hindi ka na qualified, hindi na exempted yung minimum wage mo, mali yon pinadebatehan naming yon ditto sa senado at nasa records yon. Kung minimum wage earner ka yung suweldo mo at minimum wage earner exempted na dati yon. Ngayon kung may income ka in addition to your receiving a wage, yon ang taxable, but that has not remove from the coverage of the exemption yung suweldo mo as minimum wage earner, yung nasa rules out ka na kung may iba kang pinagkakakitaan, mali yon, that's not the intention of the law.

Hindi nyo ba napag-usapan yon nang maghearing?

Napag-usapan yon kaso ang problema ang tingin ko sa BIR masyado ang pressure ng gobyerno, ng Pangulo sa kanila to collect, to collect, to collect. Ang problema imbes na pagtuunan ng pansin ang trabaho para habulin yung hindi nagbabayad, ang hinahabol nila yung dating matinong nagbabayad at pinapabayad nang mas mataas, mali naman yata yon. Habulin nila yung hindi nagbabayad yung tax evader. Huwag yung dating mabait na nagbabayad sisingilin nila nang mas mataas na buwis, mali naman yata yon.

On IRR of tax relief law again...

Kung hindi aayusin ng BIR ang implementing rules and regulations na kanialng iiisyu, sang-ayon as decision ng Korte Suprema sa Estanislao case, aming iaakyat din yan sa Korte Suprema para iwasto ang pananaw naming maling interpretasyon ng batas na aming pinasa, ito'y para sa kapakanan n gating mga kababayan, endorsed ito ng administrasyon at certified measure ito ng Malacanang bakit naman tila sinasabotahe ng BIR ang magandang intension ng batas na ito sa pamamagitan ng implementing rules and regulations na kanilang pinag-aaralan sa ngayon.

Dapat i-enforce yung batas 2008...

Nakalagay sa batas yung standard effectivity clause, sang-ayon sa Estanislao case yung standard effectivity clause ang ibig sabihin nyan effective yan January 1, 2008 dahil indivisible ang tax year at dahil ito ay para sa benepisyo ng ating mga kababayan, this situation falls on all force doon sa Estanislao case at imbes namagkasuhan p atyo bakit kailangan pang magkasuhan pa tayo, sana gawin na lang ng BIR yung tama.

Ang gusto ng BIR enforce sa 2009?

Ang gusto ng BIR originally 2009, nagcompromise gusto nila midyear na lamang subalit iba pa rin at taliwas sa Estanislao case na nadesiyon ng Koret Suprema, ang gusto rin ng BIR kapag ikaw ay kumikita dagdag sa kinikita mo bilang minimum wage earner hindi ka na raw covered, hindi yon ang intension ng batas at hindi yon ang pinag-usapan sa debate ditto mismo sa senado at marahil doon din sa Kamara.

When do you intend it to elevate it to the SC?

As soon as the BIR issues a regulation that is contrary to the intent of Congress and contrary to the decision of the Supreme Court on the Estanislao case. Pero sana hindi na dumating sa puntong yon.

Hiniling naming sa BIR at DOF ipakita muna sa oversight committee at sa akin yung draft rules bago ito ifinalize para maiwasan ang pagsasampa ng kaso at mapatupad sa lalong madaling panahon ang batas na ito mas maganda sa ting lahat.

P14 billion?

(P14 billion) Ang estimated revenue lost. Without yung bawi.

Yung hearing (ways and means) kanina ano yung napag-usapan?

Na-hear naming lahat ng secondary referral, ibig sabihin yung mga bill na may tax exemption dininig naming yon para Makita at malaman ang apat na bagay. Una ano ba ang epekto nito sa revenue base ng pamahalaan. Panaglawan kailangan ba ang mga ito bago mapatupad yung mga batas na nais nilang maipasa, pangatlo kamusta ba ang pag-aadminister ng mga exemption nito napakalaking loophole ba ang ibibigay nito o kayang iimplement nang maayos, efficient at sa effective na pamamaraan, at ang panghuli hiniling din naming sa kanila na bigyan kami ng feedback kaugnay sa redundancy ng mga exemptions na ito, ibig sabihin ng redundancy ina-alok nap ala ito ng ibang mga batas bakit pa natin muling ibibigay baka magdulot lamang ng kaguluhan sa interpretasyon ng ipapasang panukalang batas.

On Joc Joc Bolante case, very slim ang chance niya...

Malamang na hihirit na hihirit pa si Joc Joc sa Korte Suprema ng Estados Unidos pero Malabo nang mabaliktad yan dahil yan na ang sinabi ng lower court, yan ang sinabi ng Court of Appeals at malabogn mareverse yan at sana hindi na mareverse yan ng korte suprema ng estados unidos, so ang mangyayari ngayon welcome home at welcome back, Joc Joc, buti naman at sa sobrang tagal na panahon harapin na rin niya ang mga kasong nakahain sa kanya for plunder kaugnay sa humigit kumulang na P2 bilyon na nalustay na pera na imbes na mapunta sa mga magsasaka, nagamit sa kung anuamng bagay kabilang na ang eleksyon, rason kung bakit marahil mataas ang presyo ng bigas at kulang ang suplay ng bigas natin sa ngayon.

Do you think kailangang i-open ang imbestigasyon?

May pending ng kaso sa Ombudsman n asana ay aksyunan ng Office ng Ombudsman kung hindi nila aksyunan marapat na pasukan muli ng Senado at tingnan ang bagay na ito. Dapat pumasok lamang ang senado sa mga imbestigasyon kapahka hindi umaaksyon o gumagalaw sa tamang direksyon ang mag ahensiya ng pamahalaan na dapat umiimbestiga rito.

Hihintayin nyo muna ang aksyon ng Ombudsman?

Pag-uwi niya dapat hulihin dapat yon eh dahil may pending na kasong nakasampa na non bailable dahil plunder yon, so kung hindi nila gawin yon senado ang marapat na gumawa at magpaalala sa kanila at marahil gumising sa kanila sa kanialgn pagkakatulog.

Do you think uuwin na siya sa bansa?

Wala naman siyang choice kung madeny ang kanyang petition for asylum idedeport siya ditto, wala siayng choice pagdating sa bagay na yan. Pede pa sigurong umakyat yan sa korte suprema. Kung saka-sakaling with finality na namdesisyonan yun, no choice siya at idedeport siya. Hindi ito question kung kalian siya uuwi, ito ay question kung kalian siya idedeport.

Bakit sir slim talaga ang chance niya?

Kasi yung ruling ng lower court at appellate court na-deny eh, bibihira kung saka-sakalai ang pagkakataon nay un ay babaliktarin ng korte suprema, siguro kung one all, nanalo sa baba, natalo sa taas pedeng mabago pa sa Korte Suprema pero sa pagkakataong ito pareho ang desiyon ng lower court at ng court of appeals.

Gaano katagal kung iaakyat pa yon sa supreme court?

Hindi ko alam, hindi ko kayang sabihin kung gaano katagal pa yon, depende sa kanila.

Mayroon bang dapat gawin ang DFA?

Pending na kaso yan sa Amerika at wala naman sigurong magagawa ang DFA baka maakusahan pa sialng nakikialam sa kasong pending sa korte.

Di ba dinadawit din si Joc Joc sa Quedancor?

Amy pending resolution ngayon yung Quedancor, yung mga perang ginastos ng Quedancor kung talagang dawit pa ang pangalan niya marapat bigyan pa rin siya ng pagkakataon ng senado na madinig ang panig niya kung siya nga ay madedeport s Pilipinas.

Pede pang imbestigahan siya sa Quedancor isyu naman?

Pede, not necessarily don sa fertilizer fund scam. May Quedancor investigation na sa blue ribbon committee.

News Latest News Feed