Press Release
September 15, 2008

Sen. Escudero's interview with DzMM's Korina Sanchez and Ted Faylon

Korina: Let me just read a comment from Black and White nagetxt sila sa'ten. Regarding Alan Peter and Chiz, when the vote for Senate President was happening, Black and White went to the Senate to witness it and hope that they would keep the promise to bring the opposition to GMA to Senate but they did not. I guess our moral support wighs much less thant any other types of support. Kaya medyo may kaugnayan dito sa nagngyayari sa'tin ngayon dahil si Senate President Villar ang usapin. Alright, kausapin po natin si Senador Francis "Chiz" Escudero. Magandang Umaga pos a inyo Mr. Escudero.

Chiz: Korina, Ted at sa ating mga listeners, magandang umaga din sa inyo. Good morning!

Ted: Good morning Senator. Una pos a lahat, yung katanungan po ni Bb. Sanchez, sa resolusyon ni Senador Jamby Madrigal para ho sa investigasyon, kumbaga, Committeee of the Whole ho senator,

Chiz: Hindi ako inalok ni Senator Madrigal o kung sinumang sa mga author ng resolusyon na yan na pumirma sa resolusyon bago nila fi-nayl. Nabalitaan ko na nga lang yan sa media pagkatapos. Pero Korina, Ted, bago pa nila i-announce yung resolusyon, umaga pa lang may hearing ako sa Senado nun, sinabi ko na sa media nun na pabor akong imbestigahan yan at dapat lang imbestigahan yan dahil kami nga sa Senado ay nag-iimbestiga ng kung sinu-sino sa gobyerno, kapagka isa na sa'men e pangit naman siguro kung sasabihin naming na hindi kami mag-iimbestiga. Wala dapat pinagkaiba yun. Basta may anomalya o alegasyon ng anomalya, dapat bigyang linaw at yung isyu kaugnay sa Senado ngayon, hindi na rin dapat pakumplikahin pa dahil simple din naman yung isyu, may akusasyon ang isang senador laban sa kasamahan naming, patunayan nya ang kanyang akusasyon at sa parter ng kasamahan naming na inaakusahan, sabihin din nya ang kasagutan nya at magpaliwanag sya kaugnay sa akusasyon. Hindi yung nagpapalitan pa ng mga personal na atake dahil hindi maganadang tignan.

Ted: Opo. So, kung kayo ho'y pabor na ito'y imbestigahan, ano ho sa plagay ninyo, ano ho ang dapat komite? Ito hop ba'y committee of the whole, senator o ito hong solusyon ni Ginoong Cayetano?

Chiz: Ang importante ay maimbestigahn Ted, sa totoo lang. Kung committee on finance man yan, pwes, magbigay ng commitment kung kelan at paano iimbestigahan yan dahil ang miyembro ng committee on finance Ted, Korina, pareho halos ng membership ng Senado yan. Lahat ng senador, miyembro halos ng committee on finance, so, committee on finance man o committee of the whole, dapat imbestigahan ng Senado sa lalung madaling panahon. At kaugnay naman ni Senator Villar, ang pinakadapat siguro niyang gawin ay mag-inhibiot sa imbestigasyon para ng sa gayon, hindi masabing sya ay nakikialam at ginagamit ang kanyang puwesto.

Korina: Ah.. Sino po ang chairman ng finance committee?

Chiz: Si Senator Enrile po.

Korina: Si Senator Enrile. Si Senator Enrile po ata ang nakakaalam ngayon kung sino po ang nag-insert nyan ano?

Chiz: Dapat si Senator Enrile ang nakakaalam nyan. Meyo nalito ko sa sinabi ni Senator Lacson na parang inabsuwelto si Senator Enrile na hindi daw masisisi kung malagay man yan o hindi, pero para sa akin bahagi ng aalamin ng Senado yung proseso ng insertion kung saka-sakali.

Korina: Hindi ba parang medyo, para sa aming mga taumbayan na hindi naming medyo alam ang komplikasyon dyan sa Gawain nyo po sa Senado, parang dadalawampu't tatlo, dadalawampu't-apat ang senador, hindi pa po matukoy yung isa o dalawa na nagsingit po nyan e kayo-kayo lang po yan. (FGE: laughing) Hindi po ba ninyo talaga nalalaman yan o ayaw nyo lang talagang sabihin sa amin?

Chiz: Yun nga ang gusto ko rin malaman Korina, sa totoo lang, hindi ako bahagi o nakilahok sa bicameral conference committee at kung simple nga lang yung isyu. May alegasyon si Senator Lacson na may nagsingit nga daw niyang dalawang daang milyon, napakadali naman sigurong sagutin, "ako ang nagsingit nyan", "hindi ako ang nagsingit nyan". Hanggang ngayon ay hindi pa nasasagot ang katanungang yan ng sinumang panig.

Korina: Tapos yung nangyari po nung Miyerkules, bakit po kayo pinaano? Pinauwi po kayo? Ano ho ba ang dahilan nun?

Chiz: (Laughing) Hindi ko rin alam Korina. Andun ako sa Senado nun at handang mag-attend ng sesyon. Galing nga ko sa kasal nun. Umalis ako sa Senado nun, alasingko y medya na. pero pati ako nagulat kung bakit ikinansela ang sesyon nung araw na yun dahil pagdating ng mga alas-kwatro, ala-singko, ay wala na halos ulan at kami lang ata ang nasuspinded nung araw na yon.

Korina: Oo, nung araw po na yun, kayo lang po ang pinauwe, parang daig pa ho yung prep, bakit ho ganun ano?

Chiz: Grade one naman Korina, grade one.. haha..

Korina: Grade one? Diba no? Parang mga batang paslit yng mga nasa Senado. Anyway, ito pong between the committee of the whole and the finance committee, ang pakiwari ho ng ordinaryo na kaisipan e masmaganda na ho yung at the whole para wala ho talagang maeetsapwera. Lahat po ng mga kalaban o kakampi man ni Senador Villar e makalahok doon pos a imbestigasyon.

Chiz: Pero pareho din yun, maam Korina dahil sa bi ko nga, ang alam kong membership ng committee on finance e halos lahat o lahat ng senador, ang kaibahan pa nga siguro, sa committee of the whole, ang magpepreside ay Senate President na dapat hindi sya ang mag-preside. Sa committee on Finance, ang magpe-preside ay yung chairman kung saka-sakali, Pero pagdating sa lebel ng partisipasyon, pareho lamang yan dahil lahat ng senador, yan ang bumubuo ng committee on finance. Ang isyu na lamang dito, committee of the whole man o committee on finance, ise-schedule ba yung hearing at kalian yung hearing?

Korina: Ayon. Kasi ano po yun diba? Kontrolado rin syempre ng chairman yan.. Ng komite.

Chiz: Sa committee of the whole naman, kontrolado ng Senate President.

Korina: E mahahalata na masyado si Senator Villar nyan kung hindi pa nya ii-schedule yan. Pero kung sya po ang sinasabing "baka meron pong kaugnayan dito sa iniimbestiga", would you suggest that he would inhibit himself? At sino po ang papalit?

Chiz: He should inhibit himself po at automatic sa hierarchy ng Senado, yung Senate Pro-Tempore po kapag committee of the whole, si Senate Pro-Tempore po ang magpepreside, si Senator Estrada at kung committee on finance naman po yan, pareho pa rin yung magpe-preside, si Senator Enrile, pero, makikilahok sya dun, kung saka-sakali, bilang resource person at hindi bilang senador para walang masabi din at hindi masama sa panlasa kapagka hindi sya nag-inhibit.

Korina: Pero ngayon pa lamang po, parang nakikita na yung mga parang alyansa e, panay po ang depensa ni Senator Jinggoy dito Po kay Senate President Villar so sya po yung dapat na papalit. Hindi po ba lahat ng mga naglalabasan po ngayon, na dumedepensa kay Senador Villar, dapat mag-inhibit?

Chiz: Well, nakita natin yan Korina, sa mga imbestigasyon ng Senado, may mga panig na pinoprotektahan, pinagtatanggol o isinusulong ang sinumang senador, anumang isyu. Pero dahil magkabilang panig ay represented naman siguro, hindi rin kayang gawin na masabing paboran ang isang senador o isang panig dahil una, masyadong halata at makikita ng taong bayan. Pangalawa, hindi naman pipi yung kabilang panig para ilabas yung anumang nakikita nilang masamang ginagawa ng sinumang presiding officer na may pinapaboran.

Korina: Ah so bale, kung si Jinggoy man ho yung papalit dun sa imbestigasyon e lantad sya sa publiko, kung paano nya dadalhin yung imbestigasyon?

Chiz: Opo at nasa interes siguro ng bawat senador na tiyakin na maging parehas at patas dahil huhusgahan kami palagi at kaming lahat ng taong bayan.

Korina: So kailan po yon? Kung mamaya ho yung bagyo Ping na dyan pos a Senado, kalian po masisimulan yung aktwal na imbestigasyon nyan?

Chiz: Mamaya din po malalalaman siguro kung kelan ise-schedule yan pag ni-refer yung case nyan sa komite, at mamayan din magmo-motion din siguro si Senator Madrigal para tanungin saang committee man ito at mula sa chairman o mula sa Senate President o Majority Leader, kung committee of the whole man yan, malalalaman din kung kelan yung takdang petsa. Pero pa saken, sa lalung madaling panahon dapat maimbestigahan yan para matapos na yung isyu at ng maka-trabaho kami dahil Korina, sa gitna ng mga isyung ito, klaro na ang buong hapon namin mamaya bangayan ito at walang mapag-uusapang trabaho bilang Senado at siguro sa mga susunod na araw.

Korina: Ay bumili na ho kami ng popcorn

Chiz: Ano po yon?

Korina: BUmili na ho kami ng popcorn. (FGE laughing) Manonood ho kami mamaya.

Chiz: Uhmm.. Popcorn at softdrinks kung saka-sakali dahil mukhang telenovela na naman ito mamaya.

Korina: Oo.. So good luck pos a inyo. Sana po ay matunton po ang katotohanan simula mamaya.

Chiz: Interes po namin yan at gaya nga ng sabi ko, kahit sino pa pong tamaan, marapat na maging pantay ang kamay ng Senado maski na kasamahan namin maimbestigahan at mabigyang linaw ang bagay na ito.

Ted: Senator, huli pong dalawang katanungan po lamang ano po. Senador, kung kayo po ang masusunod, kung kayo ho ang magdedesisyon, ano ho ang inyong preference, committee of the whole or finance committee or any other committee?

Chiz: Ang preference ko po palagi committee of the whole kung saka-sakali, at least maslanted at klaro, at ng sa ganun, yung chairman ng finance committee ay makapagsalita din ng independent at hiwalay ng hindi kailangang ipagtanggol ung kanyang _______

TED: Pangalawa ho, Senador, maron ho mga ilan na umamin na na maging sila ho ay nagkaroon ng insertion ano, nag-insert ng kung anu-anong mga budget para sa kung anu-anong mga proyekto na sa kanila hong paliwanag, e para din ho naman sa kapakinabangan ng ilan pong mga sector at ilang pong mga lugar. Kayo ho ba senador? Meron din ho ba kayo?

Chiz: Mula nung 2005 Ted, nung hindi na kami, nirelease-an, panay ang request namin na hindi naman nirerelieve o sinusunod kaugnay ng 2008 budget, isa lamang ang naaalala kong ni-request pero ni hindi ko alam kung nalagay. Ito ay para sa University of Pangasinan na budget para sa kanilang extension process at extension school sa Alaminos. Pero dahil lump sum yung budget ng state colleges at universities, hindi ko alam kung aktwal na nilagay yun o binawas lamang sa budget nila.

Ted: Ok. Well said. So Ginoong senador, thank you for your time sir and we'll be watching you this afternoon. Thank You.

Chiz: Salamat din po at magandang umaga.

Ted: Mga kaibigan, Chiz Escudero.

News Latest News Feed