Press Release
September 16, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero after the hearing of senate committee on justice and human rights

On the bill reimposing death penalty on certain heinous crimes...ayaw mong i-sponsor...

Death penalty, gusting ireimpose ni Migz ayoko, but I wont prevent the bill, kung gusto niya yon I'll just have to talk to him about it, I haven't talked to him about it, if he's willing to sponsor it I will conduct the hearing, conduct the TWG, lay it on the table and let him sponsor it.

Hindi ba usually ang ginagawa ng ibang senado pag against sila sa bill hindi sila magcoconduct ng hearing at all, one out of 23 ako eh, although I'm against it I'll ask him if he wants to sponsor and if he sponsors but I will interpellate. I'kk ask him to sponsor thb ill because I'm not willing to sponsor the bill, I won't sponsor the bill, I'm going to interpellate against the bill, hindi ko iba-block he, willing akong ireport out, lay it on the table.

On Lehman Brothers bankruptcy...baka nag-ivest ng money ang GSIS...

Well magandang malaman yan kung nag-invest nga dahil $4 billion with investible funds ang hawak ng GSIS at kinabukasan yan din ng GSIS employees, I think GSIS should (inaudible) in so far sa telling us may problema ba o wala, pangalawa ikanga nila pag bumahing ang Amerika, yung ekonomiya ng Amerika lahat ng plema nakakaarting sa atin.

Are you going to ask Mr. Winston Garcia to tell us during the budget deliberation?

The financial managers would be asked about.., not only GSIS pati nga SSS eh, nag-invest ba kayo doon, ano ba ang epekto nito sa atin, would we needing appropriations later on because of failed investment. These questions would have to be asked... Tell ask now kung may problema kayo, tell us now kung may problema, find out, though hindi sila humihingi ng pondo sa amin, kailangang malaman natin.

Bakit ayaw nyo ng death penalty?

I voted to remove the death penalty no more than five years ago, simple lang ang rason, certainty of convictions ang makaka deter sa krimen hindi yung parusang kamatayan. A day after Leo Echagaray was executed, much publicized may na-rape na naman bata at nakita natin sa diaryo yon so hindi patunay kugn may death penalty eh bababa yung krimen at hanggat hindi perfect yung ating justice system na klarong pumapabor sa mayaman kaysa sa mahihirap dahil makakakuha siya ng mas magaling na abogado at kuang ang budget ng PAO natin hindi ako sang-ayon na tutuldukan ko ang pag-asa niyang mabago ano mang maling desisyon pagpinatawan mo na ng parusang kamatayan.

On budget insertion...

Ang depinisyon ng insertion anuamng dinagdag ng Kongreso sa proposed budget ng executive branch, yan ang simpleng depinisyon ng insertion. Sabi mismo ni Sen. Lacson waalng mali sa insertion, particular ang amendment na ginawa ko o ang pagbabago ko sa budget na binigay ng executive branch na kung aking naaalala sa plenary ko pa nga ginawa to sa pamamagitan ng mosyon sa plenaryo. Una yung patungkol sa University of Pangasinan at pangalawa ay tungkol sa budget ng PAGASA (weather bureau) dahil kinikilala ko na taasaan natin ang budget ng PAGASA para naman makapagbigay sila ng maagang warning sa ating lahat kung tatamaan tayo ng bagyo o hindi.

Wala daw mali sa insertion so what are we talking about?

Ang isyun namna ni senator Lacosn simple lang naman ang tanong nya, paanong nangyaring dalawa ang item, dalawa ang budget sa iisang kalye, pangalawa nakinabang nga ba o hindi si senate President Villar. Dalawang simpleng tanong na para maresolbahan ang isyung ito dapat sagutin yung dalawang simpleng tanong na yon at patunayan sa haering kung totoo o hindi yungmga katanungan.

Kailangang patunayan ni senator lacson ang kanyang akusasyon, kailangan ipaliwanag at asgutin ni sen. Villar yung akusasyon laban sa kanya. Ano man ang motibo, ano man ang rason, ninoman kaugnay sa isyung ito iisang tabi natin yon dahil may mga katanungan din naman talaga na dapat masagot para mabigyang linaw at malinis ang pangalan ng sinoman.

Sa session kahapon may nakita bang ebidensiya?

Yung nakalagay sa budget na parehong item supisyenteng basehan ng tanogn yon, ng tanong. Sana masogot ng diretso ng pinatutukuyan ni senator Lacson. Simple lang naman ang tanong, sinong naglagay, pedeng sagutin yan ako, hindi ako, nakinabang ka ba o hindi, oo o hindi at hayaan natin sa hearing patunayan yung katotohanan ng mga rektang sagot na yon.

Ang magulo nga ay yung iba iba ang sagot,iba ang sagot ng finance committee natin, iba ang sagot ng DPWH, ng DBM, ano ba talaga ito pagkakamali ba talaga itong double funding sa parehong kalye, ti ba ay dagdag pondo sa parehong kalye pero hindi nakapatong kundi karugtong. Ang problema ibat-iba ang sagot ng mag ahensiya ng pamahalaan at ng mga opsiyal din ng senado at magandang bigyang linaw din ito at katulad ng sinabi ni senator Enrile dapat maghearing para maliwanagan, mapagbangga bangga natin ang sagot para Makita natin kung alin ang totoo.

So how can we trace kung iba iba ang sinasabi?

Sa pamamagitan ng hearing , kasi sinasabi naman nila yung mga sagot nila ng sila magkakasama at hiwa hiwalay sila ay, maganadng pagsamasamahin sila sa iisang kuwarto at hayaan nating magbangga banggaang yung mga nagkakabaliktaran at ibat ibang sagot ng ibat ibang tao.

Should it be the committee of the whole?

It does not really matter dahil ang committee on finance ang composition nyan halos lahat din ng mga senador. Ang committee of the whole lahat din naman, so committee of finance man o committee of the whole ang importante maschedule ito for a hearing at mairnig ng publiko ang sagot ng lahat ng concerns.

Yung away kahapon sign na ba ito break up na ito ng political opposition?

Personal yung away sa aking paniniwala o hindi pagkakaintindihan sa aking paniniwala kahapon, bangayan gaya nga ng nasabi ko simple lang naman ang solusyon, may akusayon, may inaakusahan, patunayan ang akusasyon, sagutin ang akusasyon. Hindi dapat umabot ito sa iba pang larangan at doon sa nagsasabing politika ang nasa likod nito ke politika o personal man ang rason nananatilingmay isyu at mga tanong na dapat sagutin.

Makakaapekto ba ito sa deliberation ng budget?

Sana hindi at sana hindi maantala ang trabaho ng senado sa ibang bagay habang ginagawa namin ito. Hindi lang naman parang kabayo ang senado na nakatingin lang sa isang direksyon at isang direksyon lang ang pedeng takbuhan. Pede isabay sabay naming gawin at sabay sabay naming tugunan ang mga problema at isyung ito.

You mentioned may alam kayong insertion na dalawa...

Yun yung naaalala ko, yung PAGASA at University of Pangasinan. Yugn isa yata nalagay yung isa hindi. Sa University of Pangasinan I think ang nirequest naming P15 or P20 (million), hindi nalagay so not counted as insertion yon kasi hindi na-insert eh. Yung PAGASA hindi rin kasi ang hinihingi ng PAGASA based sa request sa amin yung hinihingi nila noong matagal ng panahon, yung P1.2 billion kung naaalala nyo yung inaway natin sila nang may lumobog na barko, ang naibigay lang yata ng finance committee at ng Kongreso ay P200 o P300 million.

On death penalty again...

Hindi ako sang-ayon na ibalik ang death penalty subalit dahil hindi ako sang-ayon at chairman ako hindi rason yon para hindi ko aktuhan yung bill, kailangan kong malaman sa author si Sen. Zubiri kung willing siyang i-defend yan sa floor dahil hindi ko idedefend yung bill nay an sa floor bagaman ako ang chairman ng komite. At sa katunayan magtatanong ako at boboto ako laban s abill n ayan sa simpleng paniniwala, kasiguruhan ng parusa ang kinakailangan para madeter ang anumang krimen hindi yong mataas na parusa lalong lalo na yung sistema ng hustisya natin na tila ang mahirap ang lagging agrabyado.

Ang pinag-aaralan naming aksyon ay iti-table naming, ibig sabihin pagnatable desisyon ng awtor kung gusto niyang bunutin subalit hindi na ang chairman ng committee ang magdidepensa kundi ang awtor (Zubiri) kung kanyang ninanais.

On another irregularity sa bigas...

Iniimbistigahan ng mismo ng DA, ng CoA at ng House of Representatives, sa ngayon wala pang resolusyon sa senado. Para sa akin dapat pasukan lamang ya ng senado kung hindi gianagawa ng tatlo ahensiya ng nag-iimbestiga ng isyu ko kung mali ang pagkakagawa nila. Sa ngayon sa palagay ko bigyan natin ng chance yung tatlong ahensiya na gawin yung kanilang sinimulan at iaanunsyon ang imbestigasyon.

Hindi pa nga natatapos yung fertilizer scam meron naman...

Hindi lang yun yung puntong nakakainis, nakakairita at nakakagalit, ang pinakamahihirap nating mga kababayan ay mga magsasaka, sila pa ang pagkukuhanan natin ng pondo na kinakailangan nila, may malaking isyu na kinakaharap ang mag magsasaka ngayon kaugnay ng kanilang harvest sa darating na Oktubre hanggang Disyembre, ang mga trader ay puno pa ang kanilang mga stock, ang mga trader ay walang balak bilhin ang ihaharvest ng mga magsasaka, ang tanong may budget ba ang NFA para bilhin ang iahaharvest ng mga magsasaka natin at kung ito ay hindi mabibili saan naman kukuha ang mga mgasasaka ng puhunan para magtanim mula sa next planting season. Binibili ng NFA ang mga bigas na pinoproduce ng ating mga local na magsasaka sa P17 per kilo samantalang pagbumibili sila sa Vietnam ito ay binibili nila ng P42 at P43 per kilo, ang tanong ko ay simple magpapalugi lang naman ang NFA bakit pa sila magpapalugi sa mga magsasaka mula sa Vietnam at Thailand, bakit hindi na lang sila magpalugi sa mga magsasaka ditto sa Pilipinas at bilhin nila ng mas mataas yung palay na ihaharvest sa darating na season na ito. Binibili rin naman ng P42 sa abroad binibenta ditto ng P22 eh bakit hindi bilhin sa magsasaka ditto ng P42 at ibenta mo pa rin ng P42 lugi ka rin lang naman magpalugi ka na lang sa kapwa mo Pilipino sa Pilipinong magsasaka.

Ang ang pedeng gawin ng senado?

Dagdagan ang pondo ng NFA at may pondo sila para bilhin lamang ang 10 to 15 percent ng harvest ng mag magsasaka. Kailangang mabigyan ng supplemental budget ang NFA para sa taong ito dahil kung hindi yan magagawa between October to December walang puhunan ang mga magsasaka, hindi makakapagtanim sa susunod at mas malaki na naman ang iiimport natin sa darating na taon. Hindi insertion yan, supplemental ang tawag dyan.

How much?

Hinihingi namin yung estimate ng NFA hinggil sa bagay na yan, pero somewhere between P4 to P12 billion.

On double insertion again... hindi ba naapektuhan ang integrity ng senado dahil sa isyu?

Basta imbestigahan ng senado ito without fear or favor, sa tingin ko ay maipagtatanggol at maitataas ang bandila ng senado, bakit, nagiimbestiga ang senado ng kung sino sino dahil diumano sa anomalya, hindi tamang hindi kami mag-imbestiga ng isang diumano anomalya dahil lamang kasama naming. Kasama man naming o hindi kapartido naming o hindi, lider man o hindi, dapat imbestigahan o maghearing kapagka may akusasyon laban sa kanya.

Si Sec. Andaya sabi wala daw irregularity...

Hindi pedeng maghugas kamay si secretary Andaya dahil isang buwan mahigit hinawakan nila ang budget, may line item veto pa si Pangulong Arroyo, ang tanong k okay secretary Andaya una nakita rin ba nila ito o hindi, pangalawa kung nakita nila bakit hindi ni line item veto ni GMA. Kung hindi nila nakita, bakit hindi niya amining magkamali tulad marahil ng inaamin ng senado ngayon. Kung nagkamali man talaga eh di nagkamali kaya nga winawasto namin ang pagakakmali. Anong gusto ni secretary Andaya, nakikita na naming mali magpipikit mata at magbubulagbulagan pa kami tatawagin naming tama ang mali, hindi naman siguro tama yon.

Sir halimbawa ang lahat ng senador nag-insert sa budget so dapat lahat kayo lumabas at umamin?

Ang isyu ni sen. Lacson double appropriation, ibig sabihin parehong item dalawang beses pinondohan, yon ang sinasabi niyang hindi tama, yan ang dapat pagtuunan ng imbestigasyon. Si senator lacson mismo nagsabi kahapon na yung insertion ay pagbabago sa budget na nasubmit ng Presidente, anong gusto nyong gawin naming kung ano ang ibigay sa amin ng President eng budget yon na rin ang aaprubahan naming. Anumang pagababagong gawin ng kongreso sa budget ng Presidente insertion ang tawag don, ngayon si senator Lacson mismo ang nagsabi hindi naman masama ang insertion per se, ang kinukuwestyon niya ay yung dalawang appropriations para sa parehong item o parehong kalye.

Yung isang P200 milyon hindi naman napondohan...

Kung napondohan man yan o hindi ibang aksyon nay an ang tanong sap unto de vista ng budget bakit may dalawang appropriation sa budget, papaano nakalusot yon.

Dagdag lang daw yung P200 million...

Narinig ko na yang dagdag... yung dagdag, hindi maganda sa tenga yung linyang yan.

Yung coup against SP hindi ka ba nagtataka kung bakit walang lumalapit sa yo?

Hindi ko nga maintindihan kung bakit wlang kumakausap sa akin tungkol dyan, magkabilang panig man. Ang problema wala ngang kumakausap eh, yun yung masakit. Diktado ng due process bago maghusga ang sinoman at bago husgahan sinoman pakinggan natin yung dalawang panig bago tayo magpasa. Ang loyalty ng sinomang senador hindi dapat sa tao, hindi dapat sa iisang tao o sa puwesto, dapat ang loyalty namin kung saka-sakali yung bumoto sa aming sa puwesto at sa Saligang Batas.

On roll back of oil prices...

Nagdraft na kami ng resolusyon para imbestigahan ang bagay nay an, ibang naggulo ng imbestigasyon, kada first quarter ng taon sinasabi ng mga oil companies sa kanilang mga stockholders na ang laki ng kita nila ng nagdaang taon, kada naman magtataas sila ng presyo sinasabi nila lugi sila at mayroon silan gundrrecovery, ano ba talaga ang totoo? Lugi ba sila o kumikita sila? Nais naming Makita yung pina-file nilang corporate income tax returns at yung value added tax nila return para malaman naming tama ba ang binabayaran nilang buwis, lugi ba sila o hindi o pinagsasamantalahan at kumkita na sila ng malaki para maging basehan yon para maaemendahan ang oil deregulation law.

Ang problema sa kalaslukuayng batas na umiiral kahit na bumaba pa ang presyo ng langis at magmatigas ng ulo yung mga negbebenta ng langis ditto sa Plipinas hindi naman natin kaya silang puwersahin na babaan yan eh, ang masakit lang yung tsuper kailangang pagpaalam bago magtaas ng pamasahe, yung mayamang may-ari ng kumpanya ng langis hindi kailangang magpaalam para magtaas ng presyo. Yung mahirap dehado sa mayaman sa batas na yon.

Considering na bumababa yung presyo sa world market kuntento ba kayo sa rollback?

Ang masakit nong $114 at umakyat ng humigit kumulang $145 linggo linggo tumataas ang presyo ng langis, mula $145 bumaba ngayon ng $92 eh bakit ngayon hindi lingo lingo bumababa yung presyo ng langis ng piso man lang.

Magkano yung dapat ibaba ng presyo?

Wala sa akin yung eksaktong computation pero dapat bumalik ito sa level man lang ng noong $114 mana lang yung kada bariles na mga nasa P44, P46 per liter yan, ang tanong ko pa rin nasaan na yung audit na sinasabi ng DOE. Tila ang trabaho na lamang ng DOE at ni secretary Reyes parang spotter, taga tingin sila kung bababa o tataas, iaannounce nila kung bababa o tataas at wala silang ginagawa kaugnay sa trabaho nila.

Handa daw yung mga oil companies na ipabuksan yung libro nila...

Matagal na silang nakahanda, matagal na ring inanunsiyo ng DOE na bubuksan nila hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita.

On Lehman Brothers bankruptcy anong impact non sa Pilipinas?

Pagbumahing ikanga ang ekonomiya ng Amerika palaging apektado tayo, ang tanong sino sinong GFIs (government financial institutions) natin ang nag-invest sa mga kumpanyang ito sa Estados Unidos na bumabagsak. Kailangan malaman natin yan hindi para magcreate ng panic kundi mapaghandaan ng Kongreso kung saka-sakali mangangailangan ng capital infusion ang mga GFIs na mga ito pagdating ng panahon dahil sa failed investment. Isa ito sa mga bagay na itatanong namin sa Department of Finance kaugnay ng budget.

Ano anong GFI sang nag-invest?

Hindi ko alam at nais naming malaman yan, that's a 148-year-old company, napaka-stable na nakakagulat sila paano dumapa, hindi malayo na may mga kumapanya ditto o GFIs na nag-invest dyan.

Apektado ba yung piso?

Depende wala namang kinalaman sa isang bagay lamang sa pagbagsak lamang ng isang ekonomiya, maraming factor na kinoconsider ang pagtaas at pagbaba ng piso, one of the factors yon, pero sa pagpasok ng 'ber' months simpleng supply at demand ng dolyar ditto inaasahan natin na bababa ang halaga ng dolyar kontra piso dahil sa napakaraming dolyar na papasok sa mga 'ber' months.

Anong mga measures ang dapat gawin dahil tataas daw ang presyo ng mga bilihin?

Kailangan muna nating malaman kung ano yung full impact ng pagbagsak ng Lehman Brothers dahil gaya nga nga nasbi ko alamin natin may GFIs bang nag-invest, may tama ba ang GFIs at ang gobyerno ditto sa pagbagsak nito at ano ba ang epekto nito sa BSP kung saka sakali kaugnay ng kanilang monetary policies. Sigurado ako na may adjustments sialng kailangang gawin.

Apektado ba ang budget?

Apektado palagi ang budget dahil may assumption ang budget kaugnay ng palita ng piso kontra dolyar, kaugnay ng presyo ng Dubai crude, kaugnay ng interest rates, kung magkamali tayo ng projection kahit na .01 bilyong piso ang katumbas ng pagbabagong yon.

Yung mga local bank magko- cushion na ba sila dahil sa pagbasak?

Not necessarily, ang problema sa pagbagsak nyan, yung ang kinakatakutan ng lahat baka maging cautious ang tao. Halimbawa dahil bumagsak yung Lehman Brothers sasabihin nila imbes na bumili ng bagong awto wag na muna, imbes na bumili ako ng bagong damit wag na muna, imbes na bumili ako ng bagong bahay wag na muna, imbes na gumastos ako ditto wag na muna. Ang nakakatakot na epekto nyan kung sa perception ng mga tao magsi-save sila magkakaroon ng seconomic slow down hindi lamang saAmerika kundi sa buong mundo, apektado palagi ng economic slow down ang trabaho, maapektuhan ang kita ng tao kung walang trabaho na palaging maaapektuhan kung saka-sakali ang kakayahan nilang bilhin ang pangunahing pangangailangan nila.

News Latest News Feed