Press Release
September 19, 2008

Transcript of Interview with Deo Macalma and Ruth Abao in DZRH with Senate President Manny Villar

Q: Tinanggal mo na yung plaster mo sa kilay mo sir?

Villar: Mamaya pa.

Q: Diretsahan na tayo Mr. Senate President, nagkaron ba talaga ng double insertion dyan sa project sa c5?

Villar: Alam mo wala yan, pinapaliwanag nga namin, yung dalawang project, yung dalawang 200 na yan ay dalawang proyekto yan. Yung isang flyover ay magko-cross ng Sucat, at yung isang fly over ay magkio-connect sa Coastal road. Itong buong proyektong ito naman ay napakalaki pa , mga 2 billion pa at malaki pa ang pangangailangan bago matapos. Alam mo kasi, ito ay proyekto na itutuloy ang c5 hanggang Coastal road, at kokonekta na kaming lahat dito sa southern Metro Manila. iyong mga taga rito, mga taga Cavite, Las Piñas, Paranaque, magkakaron kami ng pag-asa ngayon na makakonekta sa Makati hanggang Quezon City, hanggang Navotas, Malabon at Caloocan.

Q: Ang layo naman pala nyan Sir? biruin mo from c5 hanggang Coastal.

Villar: Oo, kaya sabi ko nga ito'y napakagandang proyekto, Biro mo pagsakay mo sa Cavite, pwede ka ng pumunta ng Malabon, Navotas ng hindi ka aalis sa isang hi-way lang.

Q: Sir, Malabon, Navotas, dyan muna sa c5, kung manggagaling po ng Market Market san po tatawid dyan sa SLEX? Magkakaron ba ng flyover dyan sa tabi ba ng airport yan?

Villar: Oo, dun s atabi ng airport. Kasi dinaanan nito yung Merville, Multinational, Better living , yung sa Ayala, Shoemart. Madaming dinaanan na subdivision yan pero yung Merville ang kitang-kita sa harap. Dun sa Merville na yon magko-cross don sa SLEX dire-diretso sa c5.

Q: Kaya pala, no wonder na talagang ito pong kalsadang ito ay dapat paglaanan ng napakalaking pondo. Well, infact sabi ng DPWH ay kukulangin pa yung 400 million pesos.

Villar: Malayo pa yun kaya sabi ko sana, dinagdagan ng gobyerno yan sapagkat ito ay napakagandang proyekto nila. Kung matatapos nila ito ay talagang napakaraming kababayan natin ang makikinabang, atleast yung 3 bayan namin, Cavite, Las Piñas, Paranaque pwera pa yung taga Quezon City na pupunta samin.

Q: Pero Mr. Senate President sinasabi ni Senator Ping Lacson na same road yung c5 at yung Carlos P. Garcia Ave.

Villar: Pinalitan kasi nila yung pangalan

Q: Ano, ano po sir pinalitan ng pangalan?

Villar: Pinalitan yung pangalan. Actually dati yang c5, alam mo naman yung mga kalye sa atin minan nagkakaron ng pangalan na hindi mo alam. Parang EDSA, Epifanio Delos Santos yan pwede mong sabihin na Hiway 54 nong araw. Kaya pag sinabi mo halimbawang EDSA 200 million, maaring yung Edsang una ay sa Guadalupe, at yung pangalawang 200 nasa Cubao pero parehong hiway.

Q: Pero the same street yun, I see.

Villar: Kaya maliwanag, naman talaga na dalawang proyekto ito at ito po naman ay hindi pa nare-release.

Q: Hindi pa nagagastos yung pera?

Villar: Oo, at kung mare-release man ito, ang mag-iimplementa nito ay ang DPWH at hindi kami sa Senado. Kaya wala yung issue ng double entry, wala yung issue ng corruption dito at ang hangarin dito ay encouragin ang gobyerno natin na sana ay tapusin na para naman kami sa Southern Metro Manila ay makonekta na sa Makati at c5.

Q: Mr. Senate President ito pa po ang isa pang issue, ipagpalagay na po natin na hindi kayo ang gumamit ng pondo, hindi yung mga kontratista ninyo , may SOP.

Villar: Hindi ko kontratista yan, ayokong makialam dyan.

Q: Yes, opo,opo, pero ang sabi nakinabang naman po yung mga subdivision na pag-aari ninyo sa bagong daan?

Villar: Ay, nakakatawa naman yan, masyado naman tayong hinahamak ng mga nagsasalita ng ganyan. Alam mo hindi naman namin kailangan ang DPWH para gumawa ng kalye sa lupa namin. Ang totoo trabaho namin yan, gumagawa kami ng kalye at kungkalye lamang ang kailangan namin mas gusto naming kami na lang ang gagawa ng kalye, eksklusibo ka pa sa isang property at maganda pa ang kikitain mo. Kaya nga walang developer ang nagbibigay ng right of way, kaya lamang ito pag hindi ka dumaan sa Las Piñas dyan, hindi makakarating ng Cavite pag mula Paranaque pag hindi dumaan ng Las Piñas. Pag dumaan naman ng Las Piñas ito lamang ang bakanteng lupa na pwedeng daanan ng c5.

Q: Alam po ninyo Mr. Senate President, sabi nga ting bubwit dyan sa Senado, itong upak sa inyo ni Senator Ping Lacson ay kumbaga patikim pa lang daw po sapagkat nakinabang daw po ang inyong kumpanyang Brittany dito, may sinasabi pa na ang malaki pa na pasasabugin na bomba ni Senator Ping ay yun pong daang Hari?

Villar: Oo, maganda nga yung Daang Hari. Alam mo yung Daang Hari, sasabihin ko na matagal ng proyekto yan na nagkaisa-isa. Pero yung sinasabi nila na nakinabang kami dyan , yan ay isang napakalaking lugar na ang dinaan po nyan ay, siguro iisa-isahin ko TS Cruz, yung sa Ayala, yung sa Katarungan Village, yung sa Penitentiary, ang laki ng pakinabang ng Penitentiary dyan.

Q: So hindi lang ho kayo?

Villar: Hindi lang, Phil Estate, Filinvest, State Land, Cuevas Vill, Extra ordinary, Shoemart, lahat naman eh. Alam mo kasi bawat isang lugar na may bakante, pag inopen mo, lahat ng developer nandyan agad dahil syempre mag-iincrease ang komersyo nyan at yun nga ang intensyon dun magtataas ng real estate taxes. Malaki ang benpisyo ng gobyerno.

Q: Ang alegasyon po sir, yun daw pong CDF niyo ay ibunuhos niyo daw po dyan para makinabang yung real estate company dyan?

Villar: Alam mo yung mga ganyang pananaw ay nakakalungkot, sapagkat itong kalyeng ito ay magbubukas sa Las Piñas sa South at napakalaking bagay. Infact ngayon nga pag pinara mo yang Daang Hari tiyak magkakagulo, dahilan sa isang major road na yan at nakikita natin ang benepisyo nyan. Yang kalye na yan ay aabot pa hanggang Tanza bagama't itoy matagal pang mangyayari pero napakaganda. Sabi ko nga bakit pinupulitika ang mga bagay na ito.

Q: May personal ba kayong away ni Senator Ping Lacson o dahil lamang sa posibleng magkalaban kayo sa 2010 election sir?

Villar: Palagay ko pulitika ito, pero wag naman sana kasi kailangan nating magtrabaho at pulitika lamang ito.

Q: Sir, ito ang nakakalungkot kasi nag-aaway away ang Senado, sa isang pagkakataon na nasa krisis ang, hindi lang bansa natin kundi ang buong mundo. Kung kayo po ang tatanungin ano ang maire-rekomenda ninyo para we can weather this crisis or this storm?

Villar: Alam mo eto ang kailangan, kalmante lamang muna tayo sapagkat hindi natin alam ang epekto nito sa atin, siguradong negatibo dahil ang ating export ay bababa, at ang atin pong stock market ay bababa. Pero meron namang magandang balita katulad ng bumababa ang presyo ng langis. Siguro naman konti lang epekto sa ating mga OFW, kaya dahan dahan tayo, wag tayo mag over react, dahil baka sa over reaction natin lalong maperwisyo ang kababayan natin.

Q: Sa banking system natin senator, kayo po ay may dating banko, sa palagay nyo hindi masyadong apektado, kakayanin ban g Central Bank na ayudahan o suportahan ang banking system natin?

Villar: Kaya naman suportahan yan. Hindi kailangan suportahan ng CB, ang atin pong mga banko sa ngayon, matatatag ang mga banko at kayang kaya nilang lusutan ang krisis na ito.

Q: Sir, nabanggit ninyo yung OFW, alam niyo nung minsan na-guest namin yung Migrante , nakakalungkot yun palang mga PDOS akala namin pag nagse-seminar dun ang unang-una ibinibigay yung mga hotline numbers ng mga konsulado natin , hindi ho pala. Ang seminar po pala kung paano ang pag gamit ng microwave ang unang sinasabi don. kayo ho, yan ang isa sa mga advocacies niyo SP?

Villar: Oo nga , talagang nakakatuwa naman at nakakapag-uwi ako ng mga OFWs, at baka nga sa mga darating na araw, ako ay bumiyahe muna sa ibang bansa. Meron akong kukunin na mga ofw muli para masiguro ko na sila'y makauwi. Yan nama'y regular ko ng ginagawa. Iyan ay parang ipinangako ko na sa aking sarili na yan ang ating magiging public service natin.

Q: Mr. Senate President Sir, ano ba ang napag-usapan niyo ni Pangulong GMA sa birthday party ni Dr. J Taruc?

Villar: Wala naman.

Q: Kasi Senator inaakusahan kayo na, kayo daw po ay nakipag-alyansa na sa Malacanang?

Villar: Hindi naman. Hindi totoo yan. Ako ay nasa labas ng garden at inanyayahan ako ni Joe sa loob at wala namang masama. Bilang Senate President, hindi masama na ikaw ay makipag-dinner naman sa mga bisita sa loob. wala naman ang pinag-usapan namin ay mga bagay-bagay, infact ang pinag-usapan naming ay si Joe, si JT.

Q: Nag beso-beso ba kayo, nagkamayan?

Villar: Hindi naman kami nag-aaway ng presidente , di lang kami nagkakasundo sa mga prinsipyo at pamamalakad, subali't kami naman ay hindi nag-aaway. Hindi lang ako nag-aagree sa kanya dahil ako ay nasa oposisyon.

Q: Wala ho bang nagbo-broker na magkasundo na kayo at kayo ang dalhin sa 2010?

Villar: Hindi naman, hindi namin pinag-uusapan ang mga bagay na yan. Right now ako ay tatakbo sa bandila ng Nacionalista Party.

News Latest News Feed