Press Release
September 23, 2008

Transcript of ambush interview with Senator Mar Roxas at Dusit Thani, Makati

On tainted milk imported from China:

MAR: Dapat talaga ay regular ang pag-inspect nito. Siguro nadagdagan lang ang kanilang atensyon, nadagdagan ang intensity sa ngayon. Dapat, lahat itong mga foodstuffs, gamot at cosmetics ay dumadaan at tsine-check ng Bureau of Food and Drugs. Ngayon na may balita na may tainted milk na nanggagaling sa China, dapat huwag payagan na pumasok muna ito rito. Kung magkamali man tayo, ay magkamali tayo sa conservative, sa kaligtasan ng ating mga iniinom at kinakain. It's better to err on the side of safety.

On the issuance of EO 739, reorganizing the National Peace and Order Council:

MAR: Kamakailan lang natin ipinagdiwang yung anibersaryo ng pagdeklara ng Martial Law, at sa panahong ito, may nakikita tayong senyales na nakakabahala. Halimbawa, itong EO 739, na bumubuo ng National Peace and Order Council. Pinapasailalim ito sa Secretary of Interior and Local Government, at nakapaloob diyan ang Executive Secretary, and Secretary of National Defense, ang Chief of Staff of the Armed Forces, ang Chief ng PNP, ang Director ng NBI - lahat ng bumubuo sa security section ay nandiyan sa council na iyan, at DILG Secretary ang mamumuno rito.

Ito ay isang pamamaraan kung papaano i-extend ng National Government ang kanilang reach all throughout the country, sapagkat mayroon silang regional, provincial, city and municipal counterparts. Ang mamumuno rito ay yung mga batallion commander, brigade commander at iba pa. Sila ang magiging operational arms sa council na ito. So nakakabahala ito, dahilan sa sa napakaraming spekulasyon na magkakaroon muli ng Martial Law, o 'di kaya yung authoritarian regime dito sa ating bansa. Ito ay isang pamamaraan na ma-operationalize ito. Dapat bantayan natin ito, at huwag nating payagan na maisakatuparan na bumalik muli dito sa atin yung authoritarian o rehimeng militar..

Q: Do you see any signs of this coming to pass?

MAR: Nakikita natin na unti-unti, ang mga senyales na ito ay nakakabahala. Una yung militarization ng mga ahensya sa gobyerno. Halimbawa, yung bagong inilagay sa PNOC ay isang dating heneral. Napakarami na ang mga datihang heneral na nasa gobyerno ngayon. Itong magre-retire na si PNP Chief Razon ay ngayon nagpapaabot na handa siyang manungkulan sa iba pang mga ahensya ng gobyerno. Lahat ng mga datihang mga Chief of Staff o Chief ng PNP ay nanunungkulan ngayon sa gobyerno.

Kasama pati ang mga ibang ahensya na nangangailangan ng expertise ng mga nasa pribadong sektor, ngayon nilalagyan na ng mga former military personnel. Kaya mahalagang-mahalaga na bantayan natin ang mga developments na ito, lalong-lalo na ang Korte Suprema ay humuhusga rin na sa pamamagitan ng executive privilege, yung mga pag-uusap nang sikreto o tago ay mananatiling patago mula sa ating mga kababayan. Let us be aware, let us be vigilant, nang sa ganoon ang ating kalayaan ay hindi muli mawala.

Q: What do we know of the role of this council?

MAR: The council has just been formed. It was signed about a month ago. Babantayan natin ito, because this operationalizes the national reach of the peace and order units and security units away from civilian authority and more directly towards the military or police personnel that are stationed all over the country.

Bakit ni-reorganize ito? Bakit ang Chief ng DILG ang itinalagang head nito? Doon sa EO mismo, nakasabi na tutulad ito doon sa National Security Council, bagamat sa National Security Council ang Pangulo ang Chairman, dito sa National Peace and Order Council, ang Chief ng DILG ang mamumuno rito. Hindi halal ang mamumuno rito.

Based on the EO, it is supposed to look at the communist threat. Sa pamamagitan nitong National Peace and Order Council, susugpuin na, tatapusin na yung banta ng mga komunista laban sa ating pamahalaan. Sa kabila ng mga pronouncements ng gobyerno na uusad na ang laban nila sa komunista at secessionist, bakit nagkakaroon pa ng pangangailangan ng National Peace and Order Council tulad nito? Sinasabi nila that ang communist threat ay nagiging banditry na lang, patapos na ito, at wala nang ideological o moral basis at physical resources na pagkukunan nitong communist threat na ito. So bakit ngayon, kailangan ng isang malawak at makapangyarihang National Peace and Order Council?

Q: How will this NPOC affect the insurgencies in the South?

MAR: Hindi natin alam, kaya babantayan natin ito. Mayroon na talaga kasing chain of command at sistema ng orders para sa mga pulis. You will notice na itong mga orders ay dumadaan sa civilian hierarchy, through the elected officials. Governors, Mayors at iba pa. Dito sa National Peace and Order Council, rekta na ito e. Mula sa national government, rekta na sa mga military at police commanders. Maaalala natin na sa rehimeng Marcos, nagkaroon din ng Peace and Order Council, at ito rin ay isang pamamaraan na ginamit para sugpuin ang ating kalayaan.

News Latest News Feed