Press Release
September 24, 2008

Transcript of ambush interview with Senator Mar Roxas

On implementation of the Minimum Wage Tax Exemption Law:

MAR: Niloloko tayo ng BIR, na itong pagkawalang-kaltas sa mga minimum wage earners sa pamamagitan ng income tax ay magsisimula sa buwan ng Hulyo. Nang tapos mapasa natin itong nagbibigay ng income tax exemption para sa ating mga minimum wage earners, aba'y maglalabas sila ng IRR na kalahating taong benepisyo lamang ang ibibigay nila. Kaya magfa-file ako ng petition sa Court of Tax Appeals upang ayusin itong IRR ng BIR, nang sa ganoon maging whole-year benefit itong benepisyong ito. Sobrang switik itong BIR na ito, talagang kapit-tuko sa pera natin. Hindi nila pera ito. Pera natin ito, at dapat mangibabaw ang interes natin dito.

Kasama na rin ng pag-petition ang mga dokumento, mga transcript at mga debate na nagpapakita na ang intensyon ng ating lehislatura ay ibigay itong benepisyo para sa buong taong 2008. Hindi lamang for the half-year magsisimula, ng July 2008. Malinaw yung layunin ng ating mga mambabatas na ito'y isang relief measure bilang pagtulong ito sa mga minimum wage earners. Kaya nga sila tatanggalan sila ng buwis. Magiging buo na yung kanilang take-home.

Dapat nilang sundin ng BIR ang hatol ng korte. Iyan ang aking pananaw, magfa-file ako ng petition sa Court of Tax Appeals, nang sa ganoon, mapaayos itong maling desisyon ng BIR. Kung magwagi tayo sa ating interpretasyon, ay dapat mag-refund itong BIR.

News Latest News Feed