Press Release
October 7, 2008

DZMM's Dos por dos interview with Sen. Chiz Escudero

Dos por dos: Ok, deretsuhin na po natin.. Sa inyo pong palagay nararapat na magdagdag nang buwis dito po sa mga sin products na tinatawag.

Chiz: Kung yan ang depenisyon nang gobyerno nang bail out, again, bahala sila dahil ang mga ibang bansa, ang mayamang bansa, America nagbigay bail out$700-B, ang Europa nag-set aside maliban dun sa 450 na nasa dyaryo ngayon ng @B din para tulong sa tao dahil sa hirap ng ekonomiya. Ang mga Pilipino kakaiba talaga. Imbis na magbigay ng pera ang gobyerno, kukunan pa ng pera ang tao sa mahirap na panahong ito sa pamamagitan ng buwis. Narinig natin yung buwis sa text, buwis sa sin products at iba't-ibang klaseng buwis pa. Hindi ito ang panahon na kunan mo ng ng pera ang mga tao mula sa bulsa nila.

Dos por dos: Narinig nyo naman po yung dalawa at ang katwiran po nung mga proponents ng panukalang ito, sa totoo lang naman daw po ay dapat ma-discourage ang mga tao sa bisyo na yan kaya ang solusyon para mailigtas sa mga karamdaman, para huwag na kayong magkasakit sa baga, magkasakit sa puso.

Chiz: Matagal na argumento na yan. Pero kung "health", kalusugan ang kanilang pakay, e sabihin nila dahil iba a ng teknik para mabawasan yan. Halimbawa, yung bill na pinag-uusapan ngayon, na lalagyan mo ng ngala-ngala o lamang loob ng taong may kaser yung pakete ng sigarilyo at pag nakita nila o, "isa na lang imbes na dalawa," Dahil ayon sa mga pagsusuri't pag-aaral, kapagka tinaasan mo ang presyo ng buwis o sigarilyo, lilipat yan sa masmurang sigarilyo. Kapagka tinaasan mo ang presyo o buwis ng inumin, lilipat yan sa masmurang inumin. Halimbawa, yung beer, kapagka maganda ang ekonomiya, tumataas ang bentahan ng beer. Kapagka masama ang ekonomiya, tumataas ang bentahan ng gin. Dahiol sa beer aabutin ka ng lima, anim bago ka ma-solved. Yung isa lang, kalhati pa nga lang siguro, boundary ka na e. May mga pag-aaral at pagsusuri sinasabi, na pag mahirap ang panahon, binibili yung masmurang produkto, hindi tumitigil.

Dos por dos: Kahit ho mataas na mataas ho ang presyo ho?

Chiz: E kung talagang kalusugan ang habol ng ating pamahalaan, pagbawal na lang ho kaya natin yan at nang wala nang magkasakit sa bag, wala nang magkasakit sa lalamunan kung kalusugan talaga ang pakay. Pero madalas sinasabing rason, buwis ito, para sa kalusugan ng tao na hindi naman totoo dahil madalas na madalas, ang umiinom na lang, Jerry Tonying, ang naninigarilyo na lang, yung mga mahihirap nating kababayan. Pero syempre yung mga mayayaman nating kilala diba, health ______ yang mga yan e. Kayang bumili ng biskeleta, kayang magbayad sa gym, kayang magmarathon sa iba't-ibang parte ng mundo, kayang magswimming. Madalas na madalas, yung mga walang panahong gawin yan ay yung mga mahihirap nating kababayan na yun na lang ang minsang pinupuntahan. Hindi ko sinasabing tama yon pero pag binuwisan mo yan, ang tatamaan nyan, yung mahirap na naman.

Dos por dos: Pero senator, kailangan daw ng ating gobyerno ng pera para pagdating, pagtama na sa atin ng sakit ng America, yung kanilang crisis, pag umabot na dito sa atin ay meroon na tayong magagamit.

Chiz: Ang rason ng pagtama sa Amerika ng problemang ito, yung credit crunch. Ayaw nang umutang, wala nang ipapautang at ayaw nang gumastos ng mga tao. Kung tayo'y magpapataw na naman ng panibagong buwis edi masmababawasan na naman ang panggastos ng mga tao. At parang sasabihin ng gobyerno, amin na yung pera nyo para gastusin namin sa inyo pagdating ng panahon. Hindi naman yata tama yon. Kung seryoso ang gobyerno, pwes, habulin nila yung nawawala sa smuggling na P142-B kada taon, kung seryoso sila, habulin nila yung nawawala sa BIR na humigit kumulang isandaang bilyon kada taon.

Dos por dos: E ito ho'y nagsisimula sa kongreso, at ang NA tax na ito naman ho talaga ay sa lkower house nagpupunta, ibig ho bang sabihin, pagdating ho sa inyo dito ho sa Senado e papatayin nyo ho agad itong proposal na ito?

Chiz: Hindi ko kayang magsalita para sa kabuuan ng Senado. Hindi ako sang-ayon diyan. Tututulan ko yan at hindi ko papalampasin sa abot ng aking kakayahan.

Dos por dos: Hangga't kayo ang chairman ng committee on ways and means?

Chiz: Kase pwede nila kong tanggalin.

Dos por dos: Kaya ko ho sinabing ito naman, ang sitwasyon hong ito ay hindi ho stable. Maaring kayo ngayon, bukas, hindi na.

Chiz: Ok lang naman yon basta't habang ako nga ang chairman ng committee on ways and means, hindi ko papayagan o mapapayagan yan.

Dos por dos: Sige, punta na tayo sa isa pang topic bago namin kayo paalisin. Kanina pa kayo, umagang-umaga dito, Si GM Winston Garcia ho e nagsabi na umiinit na nga itong global investment program natin e.. Kumita ng P1.2-B ang GSIS, masmataas ng 5% ngayon ang pero ng GSIS sa GIP kung tawagin. Nung tinatanong, saan nyo ba pinaglalagay yan? "Ah basta, the proof of the pudding is in the eating."

Chiz: Alam nyo, yung president eng Lehman Brothers, nung February last year, binayaran pa yung sarili nya ng $20M para sa isang taong trabaho. Yung kumpanya nya kumita pa ng anim hanggang pitong bilyong dolyar noong isang taon. Tapos makalipas ang isang taon, ayon, dapa na at bumagsak. Hindi si G. Garcia ang may-ari ng GSIS. Ang mga miyembro, kabilang na ako na empleyado ng gobyerno, ang may-ari ng GSIS. Obligasyon nyang sabihin at ipaliwanag sa bawat miyembro, tulad sa Amerika, nakapost yan sa website e, kung saan nga ba dinadala yung pera. Pero nakakapagtaka. Kung kumita talaga ng P1.2-B, kung may $1-B na global fund, kung may $4-B sila na investible funds, e bakit yung ilang libo lang na retirement ng teacher e hindi nila mabigay? Bakit yung inuutang ng teacher o nilo-loan ng teacher e hindi nila mabigay ng nasa tamang oras? At ang rason na binibigay palaging computerization. Gaano katagal ba yang computerization na yan? Tatlong taon ko nang naririnig yang computerization e. So kung "proof of the pudding is in the eating," yun na nga ho ang punto G. Garica, wala na nga hong makain yung mga teacher natin, patikimin nyo naman din ho sila ng pudding.

Ano ba yung puddiong sa tagalog?

Dos por dos: Ah.. pinag-usapan ho namin ni kumbatsero kanina, ito ho yung mga malapi nang masirang mga tinapay na inipon at pinagsama-sama, at minasa uli at saka ibinalik sa oven at yun po ay kinakain. Pero safe yan. Walang melamine yan. Cake yon. Wala ho bang paraan para puwersahin ang GSIS na maging transparent, ilabas kung saan nila iniinvest yan.

Chiz: Ang problema sa GSIS, walang hinihinging pera sa gobyerno, sa Kongreso partikular, dahil yung pera nga nila galling sa mga miyembro. So hindi yan tulad ng budget hearing na pwede mong ipatawag yung ahensya dahil kung hindi, hindi ka namin bibigyan ng pera, o babawasan namin yung budgte mo. Ito wala, lahat ng pondo nila galling sa miyembro so ang pwedeng manghingi nyan, miyembro rin. So sa pamamagitan ng kaso sa korte, particular mandamus, pwedeng mahingi yan mula sa GSIS, hindi maisapubliko na ibigay sa mga miyembro.

Dos por dos: So kailangang mag-file ang isang miyembro ng GSIS sa korte ng reklamo?

Chiz: Yun ang isang pinag-aaralan, nirereview din namin, gaya nga ng sabi ko kanina, ako'y isang miyembro din ng GSIS dahil empleyado ako ng gobyerno.

Dos por dos: Nakakapag-loan ho ba kayo sa GSIS?

Chiz: Hindi.

Dos por dos: Si Atty. Tan ho?

Chiz: Yun ang hindi ko alam.

Dos por dos: Kapag coterminous ata hindi e.. Teka nga total, nandun na tayo sa pera, pera, malapit na ang wlwksyon Sen. Chiz. Maraming mga pangalan ang lumilitaw at isa ang pangalang Chiz Escudero sa nababanggit.

Recorded: Tama! (voice of Vice President Noli de Castro)

Dos por dos: Tama daw.

Chiz: Kilala ko ata yang boses na yan a..

Dos por dos: Kilalanga-kilala nyo yan.

Chiz: Hindi ba kayo nagbibgay ng discount? Yung ____ sa ____, yung naghuhulog?

Dos por dos: Eto ho. Malapit na eleksyon. Puro tayo nakatingin sa 2010 presidential elections, yun pa lang computerization ng COMELEC, ng eleksyon e walang pera? Hindi kasam dun sa 2009 proposed budget.

Chiz: Ang gusto ng COMELEC, ang hinihingi ng COMELEC ay P21-B para sa computerization ng election sa buong bansa. Hindi ako sang-ayon na sabay-sabay mong i-comuputerize yan. Dapat mag-pilot areas muna tayo para masanay ang mga Pilipino sa paggamit ng ganyang uri ng sistema ng pagboto.

Dos por dos: Diba ho meron nang mga testing nitong mga nakaraan?

Chiz: Sa ARMM ginawa nila yan, anim o limang iba't-ibang paraan ang tinesting nila dun. Ni hindi isang uri ng computerized voting para sa buong ARMM elections. At ang nakakatakot dyan Gerry, kung noon kailangan mong isulat, isang may magic hand ka, pupunuin mo yung buong balota, pupunuin mo ng mga pangalan at mangangawit yung kamay mo kakasulat, kung gusto mong mandaya ng eleksyon, ngayon baka isang daliri na lang ang kailangan mo. Pindot ka lang ng pindot kung ilang boto ang gusto mo. So nais nating tiyakin ay magdudulot talaga ng masmalinis at hindi masmaduming halalan.

Dos por dos: So pano? Anu-ano ang ideya nyo? Mga ilang porsiyento ang dapat na i-computerize?

Chiz: Para saken, pilot areas muna tayo, hindi lamang sa Mindanao, hindi pa yan nakikitang sistemang yan sa Luzon, hindi pa yan nakikita sa Kabisayaan, hindi pa yan nakikita sa Metro Manila. I-pilot area rin marahil buong Metro Manila para nababantayan natin. I-pilot area natin yung ilang mga siyudad sa Visayas at sa Luzon, halimbawa, sa Baguio, sa Dagupan, Cebu, Bacolod, Iloilo, Davao, Gen. San., at ilan sa mga urbanized cites na kaya pang bantayan hindi lamang ng kandidato kundi pati na rin ng media.

Dos por dos: Sir, salamat po sa inyo.

Chiz: Salamat din at magandang umaga sa inyo at sa ating mga listeners.

News Latest News Feed