Press Release
October 7, 2008

Transcript of ambush interview with Senator Mar Roxas after Senate hearing

On oil prices:

MAR: Kaya natin nirereklamo itong pagtaas ng taripa mula sa gobyerno. Imbes na makaranas tayo na bumaba ang presyo ng langis, ang gobyerno pa ang nagpabigat sa pamamagitan ng pagtaas ng taripa. Bagamat bumaba ang presyo ng langis sa international na pamilihan, minarapat ng gobyerno na pabigatin muli o pataasin muli ang binabayad natin sa pamamagitan ng pagtaas ng taripa. Talagang manhid at hindi alam ng gobyerno kung gaano kabigat ito at kung gaanong kaginhawaan ang mabibigay kung bumaba ang presyo. Pangalawa, dito sa petrolyo, mahalaga na buklatin ng gobyerno ang libro ng mga kumpanya ng langis na ito. Hanggang ngayon hindi pa nila sinasabi kung pinagsamantalahan tayo,

On Claudio Teehankee, Jr.'s release:

MAR: Mali itong executive clemency na ibinigay kay Teehankee. 14 years pa lamang ay minarapat nang pakawalan ng gobyerno. Kaya nawawala ang tiwala ng taong bayan sa sistema ng hustisya dito sa atin, kung saan iba ang patakaran para sa mayayaman, iba rin ang patakaran para sa mahihirap. Ilan ba ang nasa preso ngayon ang higit na 14 years na mahihirap? Pero itong isa ay binigyan ng palugit sa kanyang term.

Q: Inamin ni Sec. Raul Gonzalez na pinakiusap ng brother ni Teehankee?

MAR: Ang pinakamahalaga dito ay hindi patsi-patsi o basta-basta ang palugit na binibigay ng gobyerno. Kung mayroon man tayong policy, dapat applicable ito sa lahat, dapat pantay-pantay ang laban. Hindi yung isang sistema ng hustisya, ibang parusa para sa mayayaman at ibang parusa, mas mabigat na parusa, para sa mahihirap.

Iyan ang dahilan kung bakit nawawalan ng tiwala ang taong bayan, sa sistema ng hustisya. iba ang patakaran para sa mahihirap, iba ang patakaran para sa mayayaman. iyan ang dahilan kung bakit dapat mayroon tayong objective policy, hindi yung discretionary, hindi yung palakasan, pero dapat kung ang parusa ay para sa isa sa isang krimen, ganoon din dapat ang parusa para sa lahat, mayaman man o mahirap.

Ang parusa kasi ay life imprisonment. Paano natin matitimbang ang 14 anyos dun naman sa ilang taon na nawala kay Hultman, sa pamilya niya at sa lahat? At ito ay hindi lang sa kasong ito pero sa ibang kaso. Dapat may policy ang gobyerno, objective parameters, hindi yung subjective, palakasan, kung sino lang ang nakakulong o kung sinuman ang pagbibigyan. Dapat parehas lang ang hustisya sa mahirap man o sa mayaman.

Q: Isn't executive clemency the prerogative of the President?

MAR: Prerogative naman talaga ng Pangulo ito. Pero dapat din na sabihin ng Pangulo ang patakaran na ginamit niya. Palakasan ba ito? Ano ba ang dahilan kung bakit dito sa taong ito, life imprisonment pero ang katumbas nito ay 14 years pero sa mahihirap life imprisonment buong buhay sila sa loob ng kulungan. Dapat pantay-pantay ang parusa mayaman man o mahirap. Mukhang palakasan lang ito.

News Latest News Feed