Press Release
October 14, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' press conference-SC junks GRP-MILF MoA

MAR: Nagagalak tayo sa desisyon ng Korte Suprema. Nagpapasalamat tayo na kinampi ng Korte Suprema ang taong bayan, higit pa lalo ang ating kababayan sa Mindanao. Hindi niya pinayagan na ma-chop-chop ang ating bansa, at itinaguyod niya ang integridad ng ating Saligang Batas. Itong desisyon ay malinaw na senyales na yung attitude ng gobyerno na gagawin nila kung ano ang gusto nila at bahala na tayo mag-file ng kaso laban dito, ay hindi na iiral. Hindi na maaari sa ating bansa.

Itong iresponsableng MoA na ay nagdulot ng karahasan, halos isandaan ang namatay, nagkaroon ng putukan, terorismo at pananalakay sa mga inosenteng komunidad sa Mindanao. Halos kalahating milyon ang evacuues hanggang sa ngayon. Natatakot silang bumalik sa kanilang tahanan. Lahat na ito ay dulot nitong MoA. Kung dinahan-dahan, kung pinag-aralan lamang ng gobyerno, kung nagpakumbaba ang gobyerno sa ating Saligang Batas at ginawa niya ang tama magmula noong simula, hindi tayo dumating sa hantungang ito.

Q: What is the executive's culpability here?

MAR: Dapat i-fire out ng Pangulo lahat ng may kinalaman dito sa MoA na ito - lahat ng abugado, lahat-lahat na nasa gobyerno na kasama sa MoA na ito ay dapat na ma-fire out. May command responsibility ang Pangulo rito.

Q: Can cases be filed?

MAR: Para sa mga abugado, maaaring maging case for disbarment ito, dahilan sa nagsulong sila ng isang bagay na ang Korte Suprema mismo ang nagsabing unconstitutional. Anong klaseng abugado sila, kung dinepansahan nila ito, kung ginawa nila ito na unconstitutional pala. Inilagay nila sa alanganin, dinamay nila ang ating bansa, ang buong sambayanan, lahat ng mga inosenteng biktima, yung mga evacuees, pati rin ang mga namatay. At ang peace process ay nalagay din sa alanganin bunga nitong maanomalyang MoA. Salamat sa Korte Suprema, nangibabaw muli ang katinuan dito sa ating bansa. Ang MoA-AD na ito ay nagsilbi bilang hadlang imbes na tulong para sa katahimikan.

Q: Does the MoA constitute an impeachable offense?

MAR: Hindi itinuloy e. Kung itinuloy ito, at naging unconstitutional, then masasabi natin na na-violate ng Pangulo ang kanyang oath to uphold the Constitution. At makikita din natin sa argumentation ni Sol-Gen Devanadera, na nasilip na ito ng mga analyst at adviser sa Palasyo, kaya sa Korte Suprema pa lang ay inilayo na nila yung Pangulo. Sabi nila hindi authorized ang mga nag-negotiate nito. Sabi ng Sol-Gen na hindi man lang nabasa ang MoA-AD ng Pangulo. Sa kabila, sabi naman ni Esperon na patuloy at regular ang kanyang briefing sa Pangulo, at ang Pangulo mismo ang nakakaalam sa mga probisyon nito. Tayo naman ay hindi ipinanganak kahapon lang. Mahirap paniwalaan na hindi alam ng Pangulo ang nilalaman nitong MoA.

Q: Ibig sabihin ba may liability si GMA?

MAR: Hindi natuloy e. Kumbaga sa paggagahasa, attempted rape ito. Wala naman kasing 'attempted dismemberment of the country.' But this MoA-AD was a rape of our nation. Itsa-chop-chop, partitioning of our country ang magiging resulta nitong MoA-AD.

News Latest News Feed