Press Release
October 29, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: On the visit of Miss Earth candidates

Villar: Marami tayong project dito ukol sa environment, merong Sagip Ilog, meron sa pagtatayo ng mga puno. Dito kinilala ang LasPiñas bilang isa sa mga pangunahing syudad na nagmamahal sa kapaligiran. Itong Miss Earth ay tamang-tama at lahat ng mga taga-Las Piñas ay masayang-masaya sa pagdalaw nila.

Q: Ano po ang masasabi ninyo sa pagdating ni Jocjoc Bolante?

Villar: Ako ay natutuwa at magkakaroon siya ng pagkakataon na makapagsalita at masabi ang kanyang nalalaman. Ang Senado naman ay magbibigay sa kanya ng maximum na kortesiya. Lahat ng kailangan niya at pang-iingat ay ibibigay namin sa kanya. Mukha namang makikipag-cooperate si Mr. Bolante at walang kadahilanan para magkaroon ng problema. Kami ay nakahanda namang magbigay ng ganyang treatment sa lahat ng witnesses ng Senado. Sa lalong madaling panahon, ako ay magko-confer sa mga chairman ng Committee on Agriculture at sa Blue Ribbon at mga kasamahan para sa gagawing programa tungkol kay Mr. Bolante.

Q: Bago po mag-resume ang session pwede kayong magpatawag ng caucus?

Villar: Maaari, pero depende pa sa mangyayari. Sa ngayon kasi hindi ko pa alam ang resulta ng medical examination kay Mr. Bolante. Syempre hihintayin natin ang resulta ng medical examination, kung ano ang kanyang kalagayan. Base diyan sa resulta na iyan at sa suggestion ng ating mga kasamahan, doon tayo gagawa ng desisyon kung kailangang magkaroon ng ano man bago mag-resume ang session. Maghihintay muna tayo.

Q: Irerespeto n'yo muna ang pagkaka-confine niya?

Villar: Oo naman, sa tingin ko naman dapat bigyan natin ng pahinga iyong tao. Siya naman ay nagsabi na siya ay nahahandang mag-cooperate at binabati ko siya diyan. Ang Senado naman ay nakahandang magbigay sa kanya ng maximum na kortesiya.

Q: Ipag-uutos n'yo ba sa Senate doctor na puntahan din si Bolante?

Villar: Oo, pinapuntahan ko rin sa duktor ng Senado iyan para at least ay mabantayan din namin in addition to the doctors of St. Luke's Hospital.

Q: May panawagan ang mga obispo na palitan ang gobyerno?

Villar: Lahat ng tao ay may kanya-kanyang opinion, maski obispo ka o pangkaraniwang pari lamang o karaniwang tao. Lahat tayo ay may kanya-kanyang palagay sa ating kapaligiran o sa ating bansa at ang kanilang opinion ay iginagalang ko.

Q: Naghain ng petition for TRO ang kampo ni Bolante...

Villar: Inaasahan naman natin iyan. Si Mr. Bolante ay gagawin ang kanyang mga pamamaraan sa legal. Basta naman legal iyan, wala kaming problema diyan. Ako naman bilang pangulo ng Senado ay ginagawa ko lamang ang aking tungkulin. Inaasahan ko na ang mga abogado ni Mr. Bolante ay gagawin rin ang kanilang mga tungkulin.

Q: Pero pabor kayo sa pagbubukas muli ng imbestigasyon?

Villar: Alam n'yo ako bilang pangulo ng Senado, mahalaga sa akin ang opinion ng lahat ng aking mga kasamahan. Dito ay gusto kong magkaroon ng official position ang Senado at sa lalong madaling panahon ay magkakaroon kami ng caucus para madesisyunan namin kung ano ang aming gagawin.

Q: Arrest warrant vs dela Paz

Villar: Okay naman sa akin iyon. Ako ay sumusuporta kay Sen. Miriam Santiago sa issue na ito. Palagay ko naman ay walang problema iyon dahil naniniwala ako na iyong issue na majority ng miyembro ng committee o hindi ay magiging academic naman dahil makakakuha naman ng suporta sa mayorya ng Senado ang warrant na iyon.

Q: Napirmahan n'yo na po?

Villar: Ang sistema ay pipirmahan muna nila at pagkatapos ay pipirmahan natin. Pero wala akong nakikitang problema diyan.

Q: Ang gusto kasi ni Senator Santiago kahit wala pa ang pirma ng majority?

Villar: Puwede rin. Iyon ang posisyon ni Senator Santiago pero merong mga nagdi-disagree na iba. Pero para wala na lang problema kunin na lang. Pero palagay ko makukuha naman.

Q: Ano na po ang balita kay Bolante?

Villar: Wala pang bago. Inaayos muna namin ang mga prosesong legal dahil sa naniniwala kami na ito ay magiging legal issue sa mga darating na panahon. Gusto lang naming maging tama ang Senado.

News Latest News Feed