Press Release
November 11, 2008

Transcript of press con with Senate President Manny Villar

Villar : Pinirmahan ko na ngayon itong arrest order against Retired PNP Police Dir. Eliseo Dela Paz. He was cited in contempt of the Senate for failure to appear in the October 23rd hearing of the Committee on Foreign Relations on the so-called Euro generals controversy. The order was signed by 13 senators and this is more than the required number of signatures under our rules. Ang labing tatlo ay majority na ng mga senador kaya kumpleto na ang pirma, sobra-sobra na nga. So i'm directing the sergeant-at-arms to implement this order immediately.

Ang mga pumirma ay ang chair person Sen. Miriam Santiago, Senators Roxas, Angara, Gordon, Honasan, Revilla, Biazon, Madrigal, Legarda, Pangilinan, Zubiri, Pimentel at tsaka ako.

Q : So anytime sir ipapatupad na ang arrest warrant?

Villar: Ibibigay ko na ito ngayon kay Sergeant-At-Arms for immediate implementation.

Q : Sir ilang araw ibibigay sa OSAA para maimplement?

Villar: Wala naman... Ako normally ay hindi nakikialam sa OSAA, alam na naman nila ang kanilang tungkulin. At basta ito ay ibibigay ko na sa ating Sergeant-At-Arms at alam naman nya ang kanyang gagawin na sa mga bagay na ganito. Hinintay ko lang muna, kung natatandaan nyo nung araw ay meron nang issue sa bagay na ito, pero hinintay ko muna makumpleto ang mga pirma para maging mas maayos ang ating arrest order.

Q : So sir next week may hearing yung foreign relations?

Villar: Yan ay isang bagay na dapat ay itanong natin sa chair person of foreign relations kung kelan nya gustong maghearing.

Q : Sir, hindi po kaya mabalewala lang yan since kinukwestyon po yung hurisdiksyon ng Senate committee on foreign relations na magsagawa ng hearing?

Villar: Sa ngayon basta ito ay pinirmahan ng 13 senators , sa akin ay sapat na yan para pirmahan ko. Iyan ay sang-ayon na sa rules ng Senado kaya wala akong nakikitang problema dito.

Q : So ngayon din po ipapatupad ang arrest order sir and dadalhin dito?

Villar: Ngayon, pagka-alis na pagka-alis nyo papadala ko na ito kay Sergeant-At-arms...Para ma-implement na nya. Marunong naman sila at alam na nila ang gagawin nila sa bagay na ito at hindi ko na sila dapat turuan pa kung papano ang gagawin.

Q : Sir ang makakapigil lang po yung TRO ng Supreme Court?

Villar: Unless na kami ang pipigilan ng Supreme Court sa bagay na ito. Pero sa ngayon ito ay ibibigay ko sa ating Sergeant-At-Arms, wala akong nakikitang balakid dito at hopefully ay maimplement natin. Pero maski naman hindi maimplement ito, may order naman e.

Q : Sir, on Bolante issue naman. Maghi-hearing po tomorrow yung House. Ibibigay nyo po ba or ipapahiram si Bolante?

Villar: Sa akin, itong sa issue ni Joc-Joc Bolante, wala akong request na natatanggap mula sa ano mang office tungkol sa kanya. So since wala naman akong natatanggap na paki-usap o ano man, wala akong aaksyunan.

Q : Sir, inimbitahan po sya sa House...

Villar: Basta ako wala naman akong natatanggap na request so wala akong aaksyunan.

Q : Kung sakaling makatanggap kayo, pagbibigyan nyo ba? Kasi parang inuunahan kayo ng House?

Villar: Pag-uusapan namin ng committee chairman yan. Ayoko kasi pangunahan ang mga committee chairmen natin kung ano gagawin. Pero ang sa akin ay bukas na ang hearing nila, wala pa rin akong natatanggap na request. So palagay ko wala na iyon.

Q : Hindi pa kayo nagkakausap ni Speaker Nograles?

Villar: Hindi.

Q : Pero sir nasa custody pa ng Senate si Bolante?

Villar: Nasa custody ng Senate. As far as I'm concerned he is under the custody of the Senate and wala akong nakikitang dahilan para alisin sya dun.

Q : ...If he acted on his own?

Villar: Nasa custody natin siya. So hindi namin siya hahayaan na umalis ng kanya lang kagustuhan.

Q : Kailangan may clearance from you? Kailangan may order kayo sa OSAA na payagan sya. Ganun po ba?

Villar: Ganun nga. At syempre kukunsultahin natin ang mga chair person dyan....

Q : Hindi enough yung letter o petition na binigay ni Cong. Mitra?

Villar: Eh sila ang nag-uusap. Pero ako naman ang magbibigay ng order eh.

Q : Sir wala pong dahilan para arestuhin ng House si Bolante in case hindi sya dumalo?

Villar: Sa palagay ko hindi naman gagawin ng House yun. Ang maliwanag, wala namang pinapakiusap ang House sa akin. Wala naman akong natatanggap na paki-usap at nababali-balitaan ko lang yan. Hindi naman ako pwedeng umaksyon ng nababali-balitaan lamang natin. So, wala kaming pag uusapan. I'm not even consulting my committee chairman on this, because there is nothing to discuss.

Q : But if ever may makarating sir?

Villar: I don't want to speculate on that kasi wala pa naman akong natatanggap na request. Mahirap namang i-spekula ko agad na if I will get a letter I will do this.

Q : Sir hindi ba kayo nagtataka kung bakit hindi kayo...

Villar: Hindi naman. Hindi naman ako nagtataka.. Basta ako kasi kung ano lang nasa table ko, iyon lang aaksyunan ko.

Q : Pero anung procedure?

Villar: Let's face it. If there is a request, I will have to consult with the chairmen. Yung mga magha-handle nito. Mahirap naman magsalita ako ng hindi ko man lang sila nakonsulta.

Q : Eh sir kung may invitation si Bolante, tapos naisip lang nya na mag-punta?

Villar: hindi, nasa custody sya ng Senate. Hindi sya pwedeng voluntarily na pumunta.

Q : Sir, so considering na wala kayong natanggap na request, imposible na syang humarap sa House?

Villar: Wala akong aaksyunan. So wala.

Q : Sir hindi ba ibig sabihin nun hindi nila kikilalanin yung...

Villar: Kung hindi naman nila ko kikilalanin, hindi ko rin naman sila kikilalanin. Nasa amin ang kostodiya.

Q : Sir Binay naman...?

Villar: Si Jojo ay isang magaling na mayor at talaga namang iginagalang ko yang si Jojo. Magaling sya at qualified naman sya na maging presidente ng Pilipinas. Syempre nasa bayan na yan kung sino ang gugustuhin nilang maging presidente. Pero si Jojo, Mayor Binay is a very qualified person.

Q : So handa kayong kalabanin sya, head-on?

Villar: Basta sya ay qualified. Ang sa akin naman eh kung sino dyan ang pipiliin ng tao ay wala naman tayong magagawa dyan.

Q : Hindi ba sya threat sa inyo sa 2010?

Villar: Alam mo, dun naman sa 2010, hindi natin alam kung sino ang talagang tatakbo. Hindi natin alam ano magiging porma dyan. So bahala na lang. Lahat naman pwede talagang tumakbo.

Q : Ibig sabihin ay wala nang unity ang oposisyon?

Villar: Ay hindi pa naman. Syempre hindi natin masasabing walang unity. Syempre walang unity "sa ngayon."

Q : Sir, mas alin ang mas feasible: Binay-Villar or Villar-Binay?

Villar: Hindi ko muna iniisip yang mga team-up team-up kasi matagal pa naman ang mga pelikula.

News Latest News Feed