Press Release
November 18, 2008

Transcript of interview with Sen. Alan Peter " Companero" Cayetano

Sen. Alan :

Kaninang umaga meron nang interview si Senate President Juan Ponce Enrile at sinabi niya na open siya sa chacha at mismongSpeaker of the House ang nagsabi na ngayong both houses ay administration, controlled or led, ay mapapadali ang chacha. So ang isda ay sa bibig nahuhuli. So alam naman natin na nung 2006 ay niyaya si Senator Villar, na kahit walang mayorya ay pumunta lang sa House, at isama ang ilang senador lang at pagkatapos ay ibabato na sa Supreme Court at itutuloy na daw ang Con-Ass. So makikita natin na ang issue dito ay hindi C5 kundi P5, yung limang presidentiables na gusto naman ang policy ni Sen Villar na very independent, na nag-aaresto ng dapat arestohin at iniimbistigahan ang dapat imbestigahan, pero pinalitan, dahil sa 2010 election. Pero ang dapat nilang tutukan at tingnan ngayon, aanhin ninyo ang pagiging presidentiables kung wala namang eleksyon sa 2010 so hindi pwedeng maghugas kamay ang P5 o ang limang presidentiables kung sasabihin nilang sila naman ay anti-ChaCha at nagbibigay sila ng assurances na hindi naman tutuloy ang ChaCha. Kung ang Senate President mismo at ang speaker ay nagsasabing pwedeng mag-ChaCha at itutuloy ang ChaCha. Dapat bago nila pinalitan sis Sen Villar ay naging klaro sa usapan nila na yon, na no ChaCha at all pero ang pahayag this morning ay magdedebate at titingan kung saan pupunta sa ChaCha. And a journey of a thousand steps always starts with the first step eh. So kung ayaw natin ng chacha, dapat yung mismong first step, wala na. so dapat maging vigilant ang mga civil society, ang mga taga-oposisyon at mga kababayan natin na hindi nga ito ang first step papunta sa chacha�

Ang sinabi ko nga kahapon dapat may good faith at dapat may honeymoon period. Pero this morning nga, mismong ang Senate President at mismong ang Speaker of the House ang nagsabing this step is closer to chacha. Now lets what what the majority na nasa ilalim ng under the administration will say. Remember under the Villar majority all the key committees were with the opposition, except finance. But the way that the organization is going, lamang na lamang ang Admin dito at kasama naman talaga sa plano ng administration ang chacha, so hugas kamay ba ang limang presidentiables? Or anong magagawa nila ng magkaroon ng assurance. Ibig sabihin, kung talagang nasa usapan nila ay no chacha sana very strong ang statement na assuring us that during the time of Gloria Macapagal Arroyo ay walang chacha. Pero baliktad ang sinasabi ngayon eh, let us debate and start talking about chacha. so straight from the horses mouth yun. So ano pa ba ang pag-iisipan natin diyan so ang babantayan na lang natin ang proseso. But if you listen to the speaker, sabi niya ang pinaguusapan na lang daw eh Con-Ass o ConCon

Well makikita natin yan, pero alam naman natin yan dito sa Senate, ang mga chairman ang nagdedecide at nagrerespeto tayo ng committee chairman at saka yung committee system, at so far, sa administrasyon napupunta ang mga mahahalagang committee so lets judge based on number one, kanino mapupunta ang mga committee then of course to be fair naman sa kukuha, kahit naman administrasyon. Kahit naman administrasyon, pwede namang maging independent. But then, hindi naman dapat sabihin na lamang ang administrasyon sa set-up na ito. Dahil nga sa kapangyarihan ng chairman.whether mag imbistiga or hindi, whether itutuloy o hindi o whether,nakabinbin na mga committee reports, whether or not ilalabas ito.

Choice naman talaga ng senate president kung kanino mapupunta. Ang alam ko lang, nung crini-criticize kami ng mga presidentiables, ang sinasabi, eh bakit daw si Villar nakipag deal sa mga taga administrasyon at kami naman ini-insist namin na sa kamay ng oposisyonista, na sa oposisyon dapat ang chairman ng blue ribbon. So kung ibibigay nila sa kamay ng taga administrayson, rerespituhin naming yun, pero yung nagki-criticise dati na bakit nakipag-deal sa administrasyon, Ito hindi lang deal sa administrasyon, nagpapasailalim na sa mga taga administrasyon. So choice nila yan pero makikita mo kay Senator Villar, siya ang Senate President, Finance lang ang nasa administrasyon. Pero ngayon, hindi lang ang presidente ang nasa administrasyon pati yung mga committees na makapangyarihan ay ibinibigay na rin sa kanila

Well, implication nito, kaya tayo nasa politika, may paniniwala tayo, may advocacy tayo, yan ang susundin. So alangan naman na ang naging chairman ay mga administrasyon ang susundin ay ang advocacy ng oposisyon. So hihigpitan natin ang pagbabantay diyan. Pero ang tanong natin sa mga kasama natin sa oposisyon�bakit ganyan ang nangyari. Akala ko ba parati niyong sinasabi wag tayo kumampi at huwag tayo pasasailalim sa administrasyon, eh bakit ngayon lahat binibigay natin sa kanila...

Hindi ko alam eh, but naglabas na tayo ng invitations next week at matitindi ang ebidensiya na ihaharap kay Usec Bolante at may advance information na tayo ng ibang regional directors na ituturo kung sino nag-utos sa kanila at paano ginawa yung scam. So ako ay umaasa na hindi ito masisira at matutuloy. So sa lahat ng nagsasabi na dead end na o nag sasabing tapos na ang Bolante, o nanalo si Bolante sa round 1, eh nagkakamali sila. dahil yung round one na yun ay plinano naming ganun. Para maiharap na sa kanila ang mga dokumento at magkasagutan sila ng mga witnesses. So nakahanda lahat para sa hearing next week..at tutulungan naming ang susunod na chairman para maituloy ito...

News Latest News Feed