Press Release
November 18, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' interview with PIMRO reporters

On the change in the Senate leadership:

MAR: Sa simula pa ay hindi kami sang-ayon sa kanyang liderato. Iyon ang aming pananaw. Ninais namin na si Senador Pimentel ang mamuno sa Senado. Sa revamp na ito, nagkataon na yung pananaw ng majority ng mga senador na kailangan ng panibagong liderato ang Senado, lalung-lalo na nagsimula itong kontrobersiya sa C5 at sa ganoong mga bagay.

Q: This is seen as a move by 'presidentiables.'

MAR: I think it's just a question of leadership. Tingnan niyo naman kung sino ang mapipilian niyong 'presidentiables.' There were 14 votes to change the leadership. Kayo na magbilang kung sino ang 'presidentiables' doon. Ano ang dahilan kung bakit yung mga hindi 'presidentiable' ay sumama dito? So talagang malinaw na malinaw dito na the change of leadership is timely, na sa ganoon, ang integridad ng Senado ay hindi malalagay sa alanganin.

Q: May kinalaman daw ang Malacañang dito?

MAR: Hindi naman simple ito na parang Batman and Robin, Malacañang ally o hindi. Kung titingnan ninyo ulit ang posisyon ng bagong mayorya, makikita na yung mga oposisyon o yung mga hindi sang-ayon sa lahat ng ginagawa ng Malacañang ay mas nakakahigit kaysa doon sa mga sumasang-ayon. Una iyon. Saan ngayon malalagay ang liderato ng bagong leadership kung itutulak lamang nila ang gusto ng Malacañang? Hindi naman ganoong ka-simplistic ito.

Pangalawa, kung titingnan natin ang record ng Senado nagpasa ng isang resolusyon ang Senado ilang buwan na ang nakalipas na kung saan sinabi namin doon na pagdating sa Cha-Cha, pagdating sa con-ass, kailangan kasama ang Senado voting separately. Isa sa mga author ng resolusyon na iyon ay si Senador Juan Ponce Enrile. Kaya itong mga haka-haka na ito ay precursor para sa Cha-Cha, hindi ho basehan ito. Let us not jump to conclusions. It really is just an issue of leadership change. There were 13 senators na nagtugma sa aming palagay na mas mabuting magkaroon na ng pagbabago sa liderato. Kanya-kanyang dahilan. There may be some confluence among different segments but in short, kanya-kanyang dahilan at nagkaroon nga ng pagtutugma na kailangan na ng leadership change.

Q: May mastermind ba dito?

MAR: Hindi ko masasabi na may nag-mastermind kasi mahirap naman i-deliver ang mga senador na ito. Ang lahat ng senador na iyan ay may sariling kaisipan, sariling tayo at sariling personalidad. Kaya isa pa itong pagpapakita na hindi ito pinagplanuhan ng matagal ay dahil sa hanggang sa ngayon yung mga committee chairmanships, committee allocations, yung work allocations ay fluid na fluid. Dahilan nga noong sa pag-uusap ay hindi naman 'sasama ako diyan dahilan sa ito ang mapupunta sa akin na komite' o anuman. Hanggang pag-uusapan kung sino ang pinakamahusay na maghe-head ng komite na ito, kung sino ang tugma ang adbokasiya niya sa trabaho ng komite at iyon ang mga konsiderasyon sa pag-assign ng komite.

Q: Will there be a committee chairmanship status quo?

MAR: I think for those who supported the leadership change, kung gusto nila ang kanilang kasalukuyang komite ay maiiwan sa kanila.

Q: May preferred committees ka? Did you ask for finance?

MAR: Those are some of my preferences, finance, education... But these are just preferences. Lahat naman ito ay preferences. Iba iyong quid pro quo, iba yung preferences. Ano ba kung ikaw ang mabigbigyan ng pagkakataon, saan mo ba gustong magtrabaho? Sinabi namin kung saan. Pero hindi ibig sabihin kondisyon iyan o quid pro quo iyan. Sinabi lang nang sa ganoon makikita ng bagong pamunuan kung ano ang pinakamagandang kombinasyon na tumutugma doon sa kagustuhan ng mga senador.

Q: Okay lang yung lumang komite mo?

MAR: Wala akong problema kung maiwan ako doon sa kasalukuyan kong komite, okey lang. Walang quid pro quo dito. Iyon ang kagandahan dito dahilan sa ang nangibabaw na interes dito ay yung pagbabago sa liderato ng Senado para ma-proteksuyan ang institusyon.

Q: Payag daw si Enrile sa Cha-Cha?

MAR: E di pag-debatehan. Ang isyu naman dito ay Cha-Cha. At yung pamamaraan. Marami sa atin na pabor naman, katulad ko. Ako mismo ay pabor na repasuhin ang ating Saligang Batas matapos ang 2010 at sa pamamagitan ng constitutional convention. I think marami sa mga senador na repasuhin o tingnan o bigyan ng panibagong eksaminasyon itong ating Saligang Batas. Pero nagkakaisa kami na kung halimbawa, con-ass ito, kasama ang Senado sa botohan. Hindi pwedeng maiwan ang Senado dito at voting separately. Iyan ang pinasa ng dating Kongreso ng Senado. Kasama diyan si Senador Enrile, ako mismo at napakarami pang mga kasalukuyang senador ay kasama diyan, ang majority.

Q: Tuloy ba ang Cha-Cha after 2010?

MAR: Dapat naman. After 2010 sa pamamagitan ng constitutional convention ay maari na nating repasuhin ang ating Saligang Batas.

News Latest News Feed