Press Release
November 19, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero after the CCCTRP hearing

On the CCCTRP (Congressional Oversight Committee on Comprehensive tax reform program) hearing...

Tatlong bagay ang hiningan namin ng paglilinaw, una, yung share ng local government unit sda pamamagitan ng IRA kaugnay ng internal revenue dahil sa aking pagkakaalam hindi kasama yung Vat collections ng BoC sa pagcompute ng IRA ng local gov't. units. Himigit kumulang P22 billion ang pinag-uusapang pondo na dapat mapupunta sa mga LGU na hindi nireremit ng national gov't. panagalawa yung TVAt law may parte din don ang mga LGU na papasok sa 2009, nililiwanag namin yung computation para hindi na naman malugi at ma shotchanged ang LGU, at yung pangatlo yung specific allocations kung paano ito iimplement at gagastusin sa pamamagitan ba ng LGU o ng national gov't. tatlong bagay na dapat bigyang linaw bago magbudget deliberation sa plenaryo para maliwanag at walang awaypagdating ng sharing ng pondo ng national at local government.

Pero hindi ito yung shortfall ng revenue collections...

Yung briefing ng BIR at DOF submissions na lang ang aming pinabigay dahil pinapa taken into account namin yung global meltdown dahil yung mga assumptions sa budget at assumptions nila ginawa lahat yon bago mag global meltdown na tiyak ko mali at hindi na aplikbale ngayon.

Bakit hindi kasama yung collection ng BoC?

Nagreremit ang BoC kaya lang yung Vat na kinokolekta ng BoC hindi nila sinasama sa internal revenue pagdating sa pagcompute ng IRA dahil ayon sa DBM, BIR lang ang nagsasubmit sa kanila, hindi ang BoC, yung BoC nagsasubmit sa DOF na hindi naman binibigay sa DBM. So klarong may intensyon marahil at huwag ibigay sa LGU yung IRA pero sa paniniwala ko sa ilalim ng Local Government Code karapatan ng mga LGU na matanggap yan dahil collection agent lamang ang BoC hindi nababago ang karakter ng kinokolekta nila na internal revenue pa rin.

Si Erap daw ang nasa likod ng pagbabago ng senate leadership...

Hindi ako tagapagsalita ng dating Pangulong Estrada pero unfair naman sigurong sabihin yon dahil nananahimik na nga yung tao idadamay pa siya sa ganitong uri ng isyu. Mas maganda siguro siya mismo ang magsalita at magsabi ng nyan pero sa aking pananaw at pagkakaalam ko, hindi.

Sino yung nag-impluwensiya sa yo?

Walang kailangan mag-implwensiya sa akin kundi ang sarili kong pasya at desisyon.

Anong reason?

Ginamit mismong salita ni senate president Villar loss of confidence ang rason para magresign o maalis ang sinomang senate president. Loss of confidence din ang rason kung bakit nagkakaroon ng pagbabago. Hiling ko lang wag nyo ng hilingin sa akin na sabihin yung nasa likod ng loss of confidence dahil nabanggit na rin naman ng iba kong mga kasamahan sa senado at hindi ko lang talaga ugali na sipain pa yung nakadapa at nakahiga na.

Okay lang sa yo na mawala yung ways and means committee?

Mula ng pumasok ako sa Kongreso maski na dito sa senado hindi ako mahilig makipag-unahan, mang-away o makipagdebatehan pagdating sa komite, hindi ako naniniwalang pinaghahatian ang mga komite, siniserbisyuhan ng mga komite ang anuamng ma-assign sa yo. Bilang member ng senado anuamng komite ang hawakan ko, meron man o wala, kaya ko pa ring gawin at gampanan ang tungkulin ko.

Pinapapili ka?

Hindi ako bahagi don sa meeting na ginanap nong Lunes ng gabi, so wala akong sinabmit na preference, bibigyan ko ng free hand si senator enrile namagpasya kaugnay ng bagay na yan.

If they ask you...

Wala akong binabanggit na pereference.

Sa blue ribbon committee...

Ang concern ko sa blue ribbon committee sino mana ng pumalit sana hindi bumaba maski na isang paligo ang trabahong ginagawa ni senator Cayetano bilang chait kaugnay sa imbestigasyon ng mga anomalya, at sa totoo lang kugn ako ang tatanungin nyo, imumungkahi ko sa mayorya na panatilihin si senator cayetano sa blue ribbon at okonsidera ang kanyang pananatili sa blue ribbon para mapagpatuloy ang mga trabaho niyang nasimulan at paipagpatuloy yung pagiging mapagbantay ng senado sa katiwalian.

Do you think papayag yung majority bloc?

Hindi pa namin napag-uusapan ang bagay na yan pero yan yung posisyon ko.

Kung wala na kayong komite it means maluwag na yung schedule nyo...

Si senator villar ang nagsabi nyan hindi ako.

Oposisyon o administartion masyadong maraming banatan at tsismis ang ginagawa o ginagamit para sa akin ang mahalaga ano ba ang mahalaga at sinasabi nya bilang senador, siya mana ay tatakang oposisyon o tatakang administrasyon. Dahil kong kayo ang tatanungin ko sino ba ang oposisyon at sino ba ang administrasyon. Kung bukas ang tinatawag nyong administration senator na biglang bumanat sa administrasyon, sa libro ba ninyo ay oposisyon na siya? Kung bukas may isang dating oposisyon at kumampi at nagtanggol sa administrasyon sa depinisyon ba ninyo ay administrsayon na siya? Gaano ba katagal dapat pinagtatanggol niya ang administrasyon para maging administrsayon, gaano katagal ba dapat niya binabanat yung administrasyon bago nyo sabihing oposisyon. Mahirap timbangin nyon, susukatin na lang at timbangin natin ang pangangatwiran at posisyon nga bataw senador sa kanilang sinasabi at sa kanilang ginagawa.

Tungkol sa prayer ni Dureza nadulas daw siya...

Una libre namang mangarap sa tingin ko lang hindi magkakatotoo yon. Pangalawa Jesus pa naman ang pangalan niya tila hindi niya nabasa yung nakalagaysa Bibliya na kung ikaw ay magdarasal magkulong ka sa kuwarto at siguruhin mong walang makakakita sa yo, dahil kung nagdasal at marami ang nanonood at may kamera at may media pa nakuha mo na ang kapalit ng iyong pagdarasal at hindi yon ibibigay ng Panginoon.

Yon ba talaga ang hidden agenda ng Malacanang to extend the term of the President?

Alalahanin natin si secretary Dureza kung hindi niya alam siya ang tagapagsalita ng Pangulo at maski na sa dasal at talumpati para ng pangulo ang nagsasalita, tingin ko nagtra-trial balloon sila para tingnan kung ano ang magigign reaksyon ng taongbayan sa pamamagita ng isyung ito na pinapadaan muna sa joke bago maging seryoso sa mga darating na linggo.

Sinermunan naman ni GMA...

Baka kasama sa script yon.

Anong assurance ang binigay sa yo ni senator Enrile para hindi matulyo yung charter change.

Meron siyang personal na posisyon at hindi niya hiniling sa akin at hindi nagbabagon ang personal kong posisyon laban sa charter change bago matapos ang termino ni pangulong arroyo.

Sir bakit nagtra-trial balloon?

Para tingnan ang reaksyon ng tao kaya na ba ngayon o hindi pa, kaya na ba ngayon o hindi pa.

Hindi, kayo naman again mahirap bigyan ng kulay yon , senate minority leader si senator Pimentel pabor sa charter change, so hindi nyo pedeng sabihin na porket senate president o senate minority leader pro or anti na dahil individual ang posisyon ng kada senador dito. Si senator Nene siya ang nagfile at nagdraft ng resolusyon kung naaalala nyo federal charter change, pabor siya don personal niyang paninindigan yon, ginagalang ko yon. Yun posisyon ni senador enrile, pabor din siya don. So paano yon, senate president at minority leader parehong pabor, ibig sabihin ba non yung isa pumapabor sa adminsitrasyon, yung isa hindi o pareho sila, hindi naman siguro. Individual lang talaga ang pananaw at prinsipyo ng bawat miyembro yon.

Sir yung kasalukuyang majority bloc malamang hindi magtagal yon dahil halo-halo daw, madaling mapanis.

yan din ang sinabi ng unang nabuo ang mayorya. Uhmm... Sa ilalim ng liderato ni Senator Villar, asahan na natin yon pero gaya nga ng nasabi ko, ang mga kaganapan sa susunod na araw ang magsasabi kung totoo nga yan o hindi.

Sir, totoo ho bang may edge ang isang Senate President compare to others?

Hindi yan ang konsiderasyon ko at kung meron man, hindi ko alam kung ano yun dahil hindi pa ko nagiging Senate President. Hindi ko alam kung anong meron dun at kung anong wala dun.

Hindi ba masama ang loob mo na kailangang tanggalin sayo ang ways and means considering na kasama rin naman kayo dun sa outoust Villar?

Hindi dahil mula't-mula nga hindi naman ako naghangad ng anumang komite kaugnay sa paninilbihan ko dito sa Senado o maski na sa Kamara.

So dapat, tapusin nya muna yung kay Jocjoc? Yung inumpisahan nyang investigation?

Or in the meantime, sya na muna. Kasi nag-resign si Alan diba? Pero sana carry over. Kung ako tatanungin mo, sana carry over.

Sir, ano yung reaction mo dun sa impeachment?

Hindi naman pwede baka maging judge kami e.

News Latest News Feed