Press Release
November 19, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' ambush interview

On the Senate revamp:

Q: Do you maintain that the Senate is an independent institution?

MAR: Absolutely. Lahat ng mga senador, ipaglalaban yung independence ng Senado, at makikita iyan sa darating na panahon.

I think that any close scrutiny of the composition of the new majority, makikita na galing sa iba't ibang ideolohiya at pananaw. Nagkakaisa kami sa pananaw na nangangailangan ng pagbabago ang Senado. Dapat bantayan at itaguyod ang independence ng Senado. Iyan ang dahilan kung bakit nagsama-sama ang bagong mayorya, at itutulak namin ang bawat naming advocacy.

Q: What do you think of Sen. Enrile's leadership style?

MAR: Ngayon, kitang-kita na decisive, at nasa oras, nasa takdang panahon ang pagsisimula ng session, at ito ang isa sa mga nagugustuhan ko sa panibagong pamamalakad dito. Napakahalaga na hindi natin pinag-aaksayahan yung panahon at pera na ginagamit dito sa Senado. Kung alas tres, alas tres talaga yung nakatakdang oras dito. Kung maalala, noong nakaraang buwan, isa ako sa tumayo, na humingi ng definite time na magsimula, pero hindi ito nasundan noong nakaraang liderato.

On Charter change:

Q: What can you say of Press Sec. Jesus Dureza's prayer on GMA leading after 2010?

MAR: Talaga namang nadulas at nakita ang tunay na hangarin o yung tunay na pagnanais ng presidential spokesman. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit wala nang tiwala sa administrasyon, dahilan sa nakikita nila itong mga pagbabago kuno sa Saligang Batas ay para sa kabutihan ng bansa, sa totoo lang, para sa pagpahaba ng termino ng Pangulo.

Q: How would Cha-Cha be done?

MAR: Alam ko na mayroong umiikot na resolution sa House of Representatives, humigit-kumulang mga 150 signatures na. Itutulak nila ito as a constituent assembly. Malaki ang aking tiwala na kaming mga Senador ay hindi papayag sa pagraratsada o sa pag-railroad nitong panukala. In fact, maaalala natin na nagpasa ang Senado ng isang resolution, and of those signatories, there are 16 of those na umuupo pa bilang Senador, sina Senator Juan Ponce Enrile, Senator Miriam Santiago, Senator Ed Angara at napakarami pang iba, na nagsasabi na, kung con-ass nga, kailangang kasama ang Senado, voting separately. Hindi kami papayag na bale-wala ang Senado.

On appointing a new Supreme Court associate justice:

MAR: Napakahalaga na kung sinuman ang maa-appoint sa Korte Suprema, ay may reputasyon ito for independence and clear thinking. Iyan ang dahilan kung bakit mayroon tayong Judicial and Bar Council, at iyan din ang dahilan kung bakit ko sinusuportahan ang panukala ng Bantay Korte Suprema, na magkaroon ng open voting, para malaman natin kung sino ang nagtutulak sa bawat kandidatura nitong naga-aspire sa Korte Suprema.

On politicians' banners during the holidays:

MAR: Napakahalaga na mapakita na hindi pera ng taong bayan ang ginagamit dito sa mga greetings na ito. Kung taong bayan ang tatanungin, mas mabuti na ang pera na nilaan sa mga greeting na ito ay mapunta sa serbisyo na mapapakinabangan nila. Mahalaga dito sa mga nagpapalabas ng mga banners na ito, whether galing sa IRA, sa PDAF o kung saan man, mapatunayan na hindi galing sa pondo o kaban ng bayan.

On the latest Pulse Asia presidential survey:

MAR: Ang mahalaga rito ay ginagawa natin ang ating trabaho. Malayo pa naman ang eleksyon. Ang ating mga kababayan, sa ngayon, ang nasa isip nila ang mga serbisyo na kinakailangan nila mula sa gobyerno. Napakahirap ng buhay ngayon, napakalaki ng buwis na binabayad nila, at dapat mapakita ng gobyerno na tama ang paggastos sa kanilang pera. Ako naman, magbabantay na ang pera ng bayan ay hindi mapunta dito sa mga pagbibiyahe ng mga euro general at iba pang mga katiwalian katulad ng fertilizer scam.

News Latest News Feed