Press Release
November 26, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' ambush interview at Manila Hotel

On Cha-Cha:

MAR: Sira, wasak yung sistema dito sa ating bansa. Sa kabila ng napakaraming hamon, sa gutom, sa kahirapan, sa kawalan ng pagkakataon, ang inaatupag ay yung Cha-Cha at saka yung term extension. Out of touch talaga ang pamunuan sa bansa natin, at iyan yung dahilan kung bakit napakababa ng tiwala ng aming kababayan sa gobyerno.

On the House resolution to extend officials' terms by one year:

MAR: Ano ito, tawaran? Dapat sundin natin ang ating Saligang Batas. Nakatakda ang halalan sa 2010. Pagkakataon ito para sa pagbabago. Pagkakataon ito para sa bagong pamunuan sa ating bansa.

Ang term extension, ang ibig sabihin, yung mga nakaupo sa kasalukuyan, ay magpapatuloy sa kanilang posisyon. Iyan naman ay wala sa Saligang Batas. At walang dahilan para ikonsidera ito. Ang hirap-hirap na ng sitwasyon ng bansa natin ngayon. Tayo ay sadsad na, lublob na sa kahirapan. Gutom ang ating kababayan, walang pagkakataon, at hahanap lang ng kagandahang buhay sa ibang bansa. Itong sitwasyon ay mababago natin sa 2010. Magkakaroon ng halalan para sa bagong pamunuan para sa pagbabago ng ating bansa. Kaya walang dahilan kung bakit i-extend pa yung term ng kasalukuyang nakaupo.

On the fertilizer fund scam:

Q: Ano ang inyong assessment sa hearing kahapon?

MAR: Malinaw na malinaw na yung assessment ko noong unang hearing pa lang, na hindi katanggap-tanggap, na unbelievable itong sinasabi ni Joc-Joc, ay muling napatunayan kahapon. Lahat ng sinasabi ni Joc-Joc, ngayon yung kawani ng DA nagsabi ng ng katotohanan. Hindi totoo na walang kinalaman si Joc-Joc dito, na hindi siya namili o hindi siya nag-uutos dito sa pondong ito. Ang mga kawani ng DA ang mas pinapaniwalaan ko.

Q: Have you signed the resolution to cite Bolante for contempt?

MAR: Hindi pa, but I'm inclined to. Kung kasinungalingan, kung hindi naman magsasabi ng katotohanan, kino-contempt niya yung institusyon ng Senado.

On oil price rollbacks:

MAR: Matagal na dapat nag-rollback ang mga prices na ito. Bumagsak na, halos one-third na lang ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Pero dito sa amin, hindi pa bumabalik sa tamang presyo.. Dapat bilisan nila, lakihan nila ang pagbaba ng kanilang presyo.

News Latest News Feed