Press Release
November 26, 2008

Transcript of Senator Manny Villar's press conference

Q: On House junking the impeachment complaint

Villar: Bagaman hindi naman tayo nagulat sa resulta ng impeachment dahil sa talagang walang numero ang nag-file ng impeachment at talagang napakalaki ng mayorya na kaalyado ng pangulo doon sa Mababang Kapulungan. Pero ako ay nagulat pa rin sa bilis ng mga pangyayari. Ako ay nababahala na baka itong bilis na ito ay maituloy dire-diretso sa kung ano pa mang bagay na kamukha ng cha-cha. Napakabilis ng pangyayari. Sabi ko, mga dalawang linggo pa ito subalit tapos na agad. Kaya iyon lamang siguro ang kailangang tingnan-tingnan natin, meron pa kasing nalalabi na tatlong linggo pa. hindi natin alam kung ano ang pag-uusapan sa Mababang Kapulungan sa darating na tatlong linggo bago mag-adjourn para sa kapaskuhan.

Q: Kayo ang nagpasa ng impeachment dati, ano po ang naging sikreto ninyo?

Villar: Hindi naman. Iba naman ang circumstances noong panahong iyon, iba ngayon. Noon marami naman talagang pinag-usapang issues at talagang matagal. Pero noong panahong iyon, meron talagang sapat na boto at talagang naipasa. Noon ay may sapat na boto, ngayon ay kulang na kulang ang oposisyon sa Mababang Kapulungan.

Q: Ano ang paghahandang dapat gawin ng anti-cha cha senators pagdating ng cha cha sa Senado?

Villar: May kanya-kanya kaming ginagawa sa bagay na iyan. Sa ngayon kasi hindi naman kasama ang Senado sa eksena. Sa ngayon ang eksena ay nasa Mababang Kapulungan lamang at kami ay nanonood lamang diyan sapagkat maaaring ang susunod na pupuntahan nito ay ang Supreme Court. Maraming legal questions na darating sa mga darating na panahon. Alam naman natin na ang balak ng Mababang Kapulungan ay sila na lang at kung sasama ang ibang senador ay swerte na lang.

Q: Tingin ninyo interconnected lahat ang nangyayari from the Senate change of leadership?

Villar: Iiwanan ko sa ating mga kababayan iyan, baka masabing self-serving iyan. Noon ko pa sinasabi na maraming nangyayari na mga bagay-bagay sa kapaligiran natin na dapat tingnan natin ang chronology of events. Dapat tingnan natin ang pagkakasunod-sunod ng mga bagay na nangyari para makita natin kung ano ang direksyon nitong mga nangyayari sa ngayon.

Q: Iyong resolusyon sa Congress na extension ng term of office?

Villar: Ngayon lamang nakikita natin ang mga bagay na noong panahon ay haka-haka lamang natin at mga pinag-uusapan natin na mga posibilidad lamang. Subalit ngayon hindi na posibilidad iyan. Talagang may mga resolution pala na naka-file na ganyan na napakadaling ipasa. Bagaman bilang isang mambabatas ay iginagalang ko talaga ang pananaw ng bawat isang mambabatas, ako ay nababahala pa rin. Nakikita ko na hindi ito biglaang nangyari. Ito ay matagal nang nakaplano.

Q: Paano mapipigilan?

Villar: Hindi natin pwedeng sabihin na ang Senado lamang ang makakapigil dito. Dapat ngayon ang mga tao ay magsabi ng kanilang nasa sa loob. Ang mga institusyon ay magsabi ng kanilang posisyon sa bagay na ito kung sila ay sang-ayon o hindi. Syempre kapag tahimik lahat at wala namang oposisyon, walang magkokomenta ay tuloy-tuloy lamang ito. Kung meron mang mago-object dito, mahirap namang asahan natin ang Senado sa ngayon sapagkat sa proseso mukhang hindi kami kasali muna. Subalit mahalaga na iyong mga ayaw ay magsabi na ayaw nila.

Q: Nakikita nyo ito as moves to extend the term of the president?

Villar: Walang aamin niyan pero makikita mo naman sa mga takbo, sa mga galaw na parang iyan ang lumalabas. Hindi naman nakakagulat iyan. Nakikita naman natin na ito ay isang bagay na iisipin ng mga nakapaligid sa pangulo na gawin. Kung hindi man ang pangulo diretso, I'm sure iyong mga nasa kapaligiran ng pangulo na nangangarap na mag-extend pa ng term ang pangulo.

Q: Ang pagpapatalsik sa inyo ay bahagi ng plano?

Villar: Sabi ko nga kanina, iiwan ko na lamang iyan sa mga mamamayan. Nakikita naman natin ang sequence of events. Iiwan ko sa ating mga mamamayan iyan dahil sa gusto ko ring maging fair sa bagong liderato ng Senado. Siguro tingnan din natin ang magiging resulta ng mga nangyayari ngayon.

Q: On senators' position re Cha Cha

Villar: I cannot speak for the other senators sa ngayon na kapapalit lamang ng liderato. Kanya-kanyang pananaw ang mga senador sa ngayon. Ito ay pag-uusapan ng grupo-grupo. Hindi ko nalalaman kung ano ang iniisip ng mayorya ngayon sa Senado. Naniniwala ako na mag-uusap-usap sila. Kami sa minorya ay kayang gumawa ng posisyon kahit kami ay konti lamang. Sa ngayon meron tayong kanya-kanyang opinion.

Q: Iyong kay JDV, pinlano ba iyon?

Villar: Ang Senado na lang kasi ang kahulihulihang institusyon na nakatayo pa. Maaring may mga grupo na nagpaplano na ang Senado as the last remaining institution na nakikipaglaban ay mawala din. To be fair with our Senate president, hindi ko naman sinasabi na hindi magiging malaya ang Senado. Palagay ko naman ay masasabi natin na dapat bigyan ng benefit of the doubt ang ating pangulo sa kanyang liderato.

Q: Sa composition ng new majority, possible ba na lumusot ang Cha Cha?

Villar: Hindi ko masabi pero kung ako ang Senate president, malabo iyon.

News Latest News Feed