Press Release
November 27, 2008

TRANSCRIPT OF SEN. GORDON'S INTERVIEW OVER DZMM

Ted Failon: pending resolutions in the Senate on Charter Change

Gordon: hindi sila pwedeng mag-form ng constituent assembly ng hindi kasam ang Senado because malinaw na malinaw ang Constitution na sinasasabi to amend the Constitution by a vote of Congress. Ang Congress is defined, ung legislative power ay vested sa dalawang Kamara - the Senate and the House of Representatives. At sinasabi din ng Constitution ang mga instances kung kelan sila magvo-vote jointly, and the only one is the one on martial law and habeas corpus. Yun joint ang meeting, ang voting jointly at the same time. Yun lang. The rest, halimbawa yung declaration of war, they meet jointly but they vote separately. Yung mga treaties, ang Senado lang ang boboto, 1/3.

Failon: opo, opo. Kung dalawang Kapulungan po voting separately, kumusta naman ang boto ng pro-Cha-Cha in your House?

Gordon: Sa Senado? Hindi mananalo yang pro-Cha-cha na yan.

Failon: hmmm

Gordon: walang kapana-panalo yan.

(Joking between the three about Korina winning a bet)

Gordon: Hindi mananalo yan. Ang karamihan sa amin gusto namin yung election matuloy. Ako sa akin ha, ako lang, hindi ko alam sa iba, the constitutional issues should be discussed, i-discuss natin sa labanan sa election para malaman kung ano ang posisyon ng mga kandidato at para maliwanagan ang mga tao at para yung mga issues maintindihan nila para pagdating ng Cha-cha sa 2010, Con-Ass, alam na talaga na magkakaroon ng Cha-cha at hindi pa natin alam kung sino ang presidente pero alam na natin ang posisyon nila.

Failon: Dun po sa punto na ang lahat ng ito ay eventually hahantong sa Supreme Court for deposition, tingin nyo po ba kayo ba'y makakasama sa naghihinala sa magiging bagong komposisyon ng Supreme Court?

Gordon: ay naku abogado ako and I have to rely on the Supreme Court because that's our Constitution. Pagdating sa Korte Suprema, the day na ang Korte Suprema ay mabihag dahil inappoint sila ng isang presidente, yan ang talagang tapos na ang demokrasya. Hindi pwedeng mabihag. Dapat ang kailangan ng isang mahistrado ay independence of mind. Hindi matalino, hindi lang magaling sa batas, kailangan may independence of mind yan because that is the court of last resort. Hindi pwedeng utang na loob ko itong appointment ko. Nangyari na yan minsan noong martial law, madali kasing lumusot and this is a country na panay palusot tayo, yun bang pwede lahat. And I hope that it would not happen with this Supreme Court..

Failon: You hope, sir?

Gordon: I'm confident. Siguro, hindi naman mangyayari sa Korte Suprema natin yan

Failon: hindi sila papayag na sila'y masama sa pambababoy, ano ho? Parang ganon. Ok. Senador, sa isa pa hong issue, bilang chairman ng blue ribbon committee, kelan po ang inyong next investigation sa "euro scandal," "euro-generals?"

Gordon: Well, ii-schedule pa namin yan. Tinatapos ko muna itong kay Bolante at pinagsunod ko na, dalawang sunod para bukas magkakaroon kami ng hearing. At sa hearing na yan, kaya mag-ingat dapat si Bolante jan pag-uusapan namin ang rason kung bakit siya dapat arestuhin. Right now we already have 10 votes at magiging 11 yan. Hindi ko pa kinakalat ng husto yan. Kailangan kasi pag-usapan namin ng husto ang mga detalyadong bagay kung bakit namin siya pa-aaresto.

Failon: noon pong naghi-hearing ako po ay nanonood ako sa inyo parang hindi ho gaya ni Jinggoy Estrada, mukhang naghanda yung mama. Maganda yung mga punto nya. Yung batas ng GSIS nandoon, tungkol doon sa sino ba nag-appoint sa iyo sa GSIS, parang yung iba ho sa inyo, helpless lang na ang sagot ni Bolante, "Mr. Chairman, sorry but I don't remember."

Gordon: hindi kami pumayag doon. In fact, malinaw noong sinabi niya na hindi niya matandaan ang sweldo nya, pinatakbo ko agad yung tao sa GSIS at pinakuha yung sweldo nya at sinabayan ko pa ng sulat. At lumabas na hindi niya maalala, P200T a month. Siguro Ted, pag sinwelduhan ka ng P100T maaalala mo. E pag sinwelduhan ka pa kaya ng P200T

Failon: yung sweldo ko nga sa unang trabaho ko naaalala ko pa

Gordon: Korek, yun nga ang sinasabi ko.. Ako naaalala ko pa ang sweldo ko noong nasa Proctor & Gamble ako pero siya hindi nya mataandaan ang sweldo nya

Korina: Paano yung mga travels nya? Nawawala daw po passport niya

Gordon: sinulatan ko nga si Sec. Romulo at actually tumawag na ako nung same moment na yun, tumawag na ako. Hinahanap ko yung sulat na sinasabi nyang pinadala ng abogado niya para malaman ko ang sinabi niyang nawawala yung passport niya kaya pinapahanap ko yun hanggang ngayon. Kagabi, finormalize ko yun, pinirmahan ko yung sulat kay Sec.. Romulo dahil baka natatakot silang magbigay ng dokumento

Korina: the DFA, pwede nilang isiwalat? Meron silang paraan para malaman kung talagang bumiyahe itong si Joc-joc?

Gordon: (inaudible) lahat ng papel na bumabagsak sa kanila, nakukuha nila yan. So malalaman natin kung may nag-report. Kasi as a citizen we to report the loss of your passport. Pag nawala ang pasaporte mo, dapat i-report mo sa DFA kaagad yan baka kasi pwedeng gamitin ng sinuman, magkaroon pa tayo ng mga terrorist attack. Sabi niya pina-report niya, inutusan niya daw ang abogado niya kaya at that same moment na sinabi niya, sinabi ko sa staff, tingnan nyo sa DFA, tinawagan ko pa ang DFA at sumulat na ako kagabi formally and I suppose by tomorrow, we'll have something there.

Korina: ano ang gustong patunayan ng pagsiwalat nitong kanyang mga byahe?

Gordon: ang punto ni Sen. Estrada, e nagbyahe siya ng nagyahe, gusto niyang Makita kung saan siya nagpunta? Kung nagpunta siya sa Switzerland, kung may rotary function doon o may business function doon o nagdeposito ng pera si Bolante doon. Ganoon siguro ang puntong palalabasin. Ang excuse naman ni Bolante ay ito ay alinsunod sa pagiging board member niya ng Rotary International. Tingnan natin. If you notice in the last hearing, I gave wide latitude, talagang libre ang mga senador na magtanong sila hanggang gusto nila at dahil, una, lima lang kami halos, kaya sige hanggang gusto nila, hindi ko din nililimit. Kaya lumabas ang totoo dahil nagkakaroon ng oras ang mga senador na i-develop ang kanilang issues.. Hindi pwedeng 3 minutes lang, kinakapos talaga yan.

Failon: huling punto, may malaking proyekto sa SBMA, maganda pero nagback-out ang malaking company dahil mapuputol ang mga centuries old na puno...

Gordon: Narinig ko na magkakaroon ng hotel jan na six-car at may casino pa ata. Pero I would want to find out kung ano talaga ang facts and figures para malaman natin kung ano ang dapat na diskarte jan. Obviously, kung tinitingnan mo ang SBMA, dapat magtanim na tayo ng puno doon sa boundary ng SBMA sapagkat nakita ko pati yung Sta Ritas, nauubusan ng kahoy so dapat talaga magtanim ng magtanim. Pero hindi naman dapat magputol naman dito sa loob, yung ang kailangan nating malaman. Kaya nga ang sinasabi ko palagi ang Subic, ang Clark, ang Manila, tatlong airport yan, dalawang seaport. Gumawa tayo ng napakagandang highway ngayon. Ang panahon ngayon maglagay na tayo ng mga hotels at industrial parks dito sa tabi ng highway

Failon: ...wag magaya sa Hanjin na nagtayo ng condominium nila sa forest

Gordon: ang totoo niya yung sa Hanjin, dati ng open space yan, dati ng may storage sa lugar nay un. Ang ayoko dun sa Hanjin, lumagpas sa mga puno yung building. Kung puputol na naman sila ng mga kahoy, hindi na tama yun. Although pwede ka doon, yung (inaudible) area pwedeng magsagawa ng soft development na hindi masyadong obtrusive sa forest. Ang primary consideration jan ay yung mga puno hindi dapat putulin

Gordon: just one point, I heard that you were talking about the impeachment of the Ombudsman

Failon: uhum, uhum

Gordon: alam natin ang nangyari sa Ombudsman kahit ano ang gawin mo kung ang numbers sa Kongreso ay hindi sapat e magkakaroon lang tayo ng big disappointment. Pabor ako, pag magkaroon tayo ng pagkakataon na baguhin ang Constitution AFTER the elections in 2010, dapat ang Ombudsman siguro elective position. Kung elective yan, wala siyang susunding amo at ang mangyayari niyan pag hindi siya magpoprosecute at talagang may kalokohan, then he would not be elected and he will have a (inaudible). Mas effective yung elective posittion kesa sa taong may term

Failon: isama nyo na ho yung batas na ang Kongreso hindi dependent sa release ng pondo ng Malacanang...

Gordon: tama yan. Kailangan talaga ang independence hindi yung salita lang. Tayo nagagalit tayo pag ini-impeach pero pag dumating, magpapalitrato pa tayo, yun ang problema natin� walang same element

Failon: thank you sir

Gordon: thank you din

News Latest News Feed