Press Release
November 27, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' interview on DZRH

On impeaching the Ombudsman:

MAR: Inupuan yung kaso ni Nani Perez nang ilang taon, tapos mali-mali yung kanilang finile, kaya naman dinismiss ng Sandiganbayan. Talagang kasama ito sa coverup, sa whitewash ng kasong ito.

Q: So impeaching the Ombudsman will also pass the House?

MAR: Sa butas ng karayom dadaan ito, at nakita naman natin ang ginawa ng mga kaalyado ng Pangulo, pero kahit pang mahirap, ay dapat gawin natin kung ano ang tama. Kung mali ang ginagawa, panindigan natin at ituwid natin.

Q: Ano pang kaso ang pwedeng gamitin bilang batayan para ma-impeach si Gutierrez?

MAR: Itong pag-upo niya, walang aksyon sa kay Joc-Joc. Malinaw na malinaw, pati yung mga taga-Department of Agriculture, sinasabi nila na si Joc-Joc, nasa gitna nitong fertilizer scam. Siya mismo ang nagtatatawag sa mga kawani ng DA, siya mismo ang nagsasabi kung anong fertilizer ang bibilhin, siya mismo nagsasabi kung anong NGO o sinong pulitiko ang papadalhang pera o kaya fertilizer.

Magtatatlong taon na mula noong inirekomenda ng Senado ang pag-file ng kaso, hindi pa kumilos ang Ombudsman. Nandiyan na lahat ng record, hanggang sa ngayon ay parang preliminary investigation pa rin. Lahat ito nagpapakita na ayaw nilang gumawa ng tama. Dahil wala namang nakikita ang publiko na napaparusahan o nakakasuhan man lang itong gumagawa ng katiwalian, bakit sila maniniwala na titino o tutuwid itong gobyerno?

On the impeachment case versus GMA thrown out yesterday:

MAR: Lumabas na talaga ang katotohanan. Yung pikit-mata, takip-tenga, takip-bibig, hindi na nila pinakinggan yung mga ebidensiya. Sarado talaga ang isip nila na papawalang-sala nila ang Pangulo. Hindi na nga tiningnan ang merits at demerits e. Minadali nila, kasi male-late sila sa flight nila patungo sa kay Pacquiao. Makikita iyan sa TV, hindi nila made-deny kung sino ang nagpunta roon, at sa ganoong paraan, matatanong natin: sa kabila ng kahirapan sa bansa, papaano na yung ating mga kinatawan, mga representante natin, na gumagastos ng ganitong kahalaga?

Ang importante dito ay nakita ng ating mga kababayan yung ginawa ng kanilang mga kinatawan, at sila na ang humusga tungo rito sa kanilang pagpili muli ng bagong kinatawan sa darating na halalan. Dapat sila yung tagapaghatid ng tinig, ng pananaw ng kanilang mga constituents, mukhang hindi ito ang nangyayari. E kabaligtaran ang nangyari, at nakita natin ito sa impeachment.

On the resolution to extend officials' terms beyond 2010:

Q: Naniniwala ba kayo na magkakahalalan sa 2010?

MAR: Naniniwala akong itong Cha-Cha, sa pamamagitan ng con-ass at nitong resolution, dead on arrival ito sa Senado. Walang Senador na sumusuporta rito, at kami lahat, paninindigan namin yung tama at wastong pamamaraan sa pagpalit ng ating Saligang Batas.

News Latest News Feed