Press Release
December 16, 2008

Transcript of Senator Chiz Escudero interview at PIMRO

On 2009 budget ...

Bicam ng budget ngayon ay inaasahan naming na sana matapos yon sa loob ng linggong ito para kung kinakailangang mag-extend hanggang Biyernes bago matapos ang taon, for the first time in four or five years mapasa man lang ng Kongreso ang budget sa loob ng taong nagdaan kaysa sa pinapasa yung budget in the current year of the GAA.

Nangnganib na hindi mapasa yung budget kapagka hindi naidentified yung lump sum ...

Yun ang posisyon ng senado, dapat idetalye ang lump sum, dapat maliwanag ang lump sum at dapat line item ang lump sum, para maiwasan ang mala Joc-Joc na sitwasyon kung saan ginagastos yung pera ng buong buo nang wala man lang programa o plano.

Open dapat ang bicam hearing ..

Dapat open ang bicam dahil wala naming dapat tinatago don, kapagkanaba-bicameral conference kami para sa anumang bill open sa publiko yon, open sa media, walang pinagkaiba dapat ang budget.

On SWS survey mas dumami ang mga Pinoy na hindi nagtitiwala kay GMA ...

Hindi nakakagulat yon, kino-confirm at nirere-affirm lamang ng survey ang nararamdaman ng marami sa ating mga kababayan kung saan hindi sila kuntento sa pamamalakad at pagpapatakbo ng gobyerno ni Pangulong Arroyo.

So hindi malayong matulad si GMA kay Bush ...

Wala tayong kaugaliang ganon, sa Iraq may kaugaliang ganon, na yung yung pinakamalaking insulting pede mong gawin pero pinatunayan ni Bush na magaling siyang umilag.

On amending the law on PDIC ...

Dapat madaliin yung PDIC amendment para sa gayon macover na yung mga bangko na nagdedeklara ng bank holiday para maproteksyunan na natin yung mga depositor kaya lang dapat buong ingat din nating pag-aralan ang mga dagdag na probisyon doon sa panukalang batas dahil baka naman masyado naman matali ang kamay ng mga bangko, magamit pang harassment at maging ugat pa ng korapsyon yung mag dagdag na probisyon maliban sa pag-increase ng coverage ng mual P250,000 paakyat ng P500,000.

Sir sino bainasbasan ni Danding Cojuangco kahapon?

Wala, chairman emeritus siya ng partido at wala ng papel na opisyal na ginagampanan sa pagdedesisyonan ng partido at yung pagtitipon kagabi ay kaugnay ng Pasko kung saan kapartido man o hindi, klaiwa man o kanan, mataas man o mababa, nagkaroon ng pagkakataon na magsalo-salo sa oksayon ng Kapaskuhan. At yung pagtitipon kagabi ay kaugnay ng Pasko kung saan kapartido man o hindi, klaiwa man o kanan, mataas man o mababa, nagkaroon ng pagkakataon na magsalo-salo sa oksayon ng Kapaskuhan.

Yun sinasaabi ni ECJ (Danding) kugn sino daw ang mataas sa survey siya ang pipiliin presidentiable ...

Yon ang indikasyon ng partido ng mga nagdaan panahon pero anuman ang batayan, ano man ang basehan partido pa rin ang magdedesisyon at hindi laman siya ... Wala, wala pang ginagawa nga ganoong uri ng survey.

Magkakaroon daw ng sariling slate ang NPC pero kung hindi kayo hindi matutuloy yon ...

Possible palagi naman yon, lahat ng posibilidad ay bukas pero mahaba pa masyado ang panahon. Bilang miyembro ng partido, ito lang naman ang partido na kinabilangan ko mula't-mula, bilang miyembro ng partido paguusapan naming yon bilang isang grupo, hindi bialng isang indibidwal.

May pag-asa pa ba ang CARP extension na mapasa?

Inaayos ang mag amendments na pinag-uusapan na pedeng pagkaisahan ng mga miyembro, na-discount kahapon ni senator Honasan yun mga posibleng amendments at makakatiyak kayo na pipilitin ng senado na maaprubahan ang CARP bago kami magrecess sa taong ito.

Tinanggal ang provision na land acquisition sa CARP ...

Ang proposal ng komite ni senator Honasan ay moratorium sa land acquisition hanggat hindi napapatunayan ng gobyerno at ng DAR na kayang nilang umubra at tunay na makikinabang ang beneficiary dito sa agrarian reform. Kaysa naman sa tingin ng DAR ay ang kanilang accomplishment ay paramihan ng na-acquire nang hindi nila tinitiyak kung gumanda nga ba ang buhay o hindi ng farmer-beneficiary. Yon ang dapat na sukatan, gumanda at nag-improve ba ang buhay nya at hindi quantity lang na paramihan ng na-acquire. Hindi sinasabing forever ng tigil ang land acquisition, ang sinasabi ng panukala sa senado sa ngayon itigil na muna ang pag-acquire ng bago hanggat hindi pa natin napapatunayan na uubra yan don sa matagal na nating na-acquire at gumanda nga yung buhay ng tao matapos anting bigyan ng lupain. Pero hindi pa final yon, depende pa rin sa magiging botohan.

Paano makakatulong yung PDIC amendment sa banking industry?

Una sana mapigilan nito ang capital flight, yung mga katabi nating bansa nag 100% coverage for two years, ibig sabihin non kahit magkano deposito mo sa bangko pagdumapa ang bangko babayaran nyan ng counterpart ng PDIC nila, marami ang nangangamba na maraming capital flight na mangyayari kung saan doon na magdedeposito ng pera ang mga negosyante at hindi na ditto sa Pilipinas. Pangalawa, proteksyon din sa mga pribadong depositor na tinago sa bangako, imbes na sa ilalim ng kama na nagamit pa pang-ikot ng ekonomiya yung pera nila nang sa gayon makinabang naman sila maski na papaano sa kanialng tulong na binibigay sa ating bansa.

Gusto pa rin ng House na ituloy ang dialogue tungkol sa Ch-cha ...

Sa pamamagitan ng media, sa pamamagitan ng press release at imformal na mga pagpapasabi, nais daw makipag-usap ng mga miyembro ng Kamara sa senado at sa mga senador tungkol sa Cha-cha. Bilang chairman ng committee on constitutional amendments, trabaho kong pangalagaan at depensahan ang papel at karapatan at kapangyarihan ng senado kaugnay ng anuamng charter change na balak ng Kamara. Hanggat hindi nililiwanag ng Kamara yung kanialng posisyon kaugnasa joint or separate voting, wala kamaing pedeng pag-usapan at hindi ako makikipag-usap sa kanila dahil hindi ko pedeng i-bargain, hindi ko pedeng inegotiate, hindi ko pedeng i-compromise ang tarbaho at paepl ng senado kaugnay sa pagpapalit ng Saliagng Batas. Ang hiling ko gayahin sana ang ginawa ng senado na nagpasa ng sense of the senate resolution tungkol sa voting, sana yon din ang gawin ng Kamara bialng simula ng anumang pag-uusap na maaring maganap. Hindi naman pedeng sasabihin nilang joint voting o single voting, walang papel ang senado, ano pang pag-uusapan naming, marapat akilalanin muna nila ang papel ng senado, 23 na senador na pumirma sa resolusyon na nagsasabing separate voting ang pagpapapalit ng saliagng batas, bago kami mag-usap at bago humarap ang sinomang senador.

On giving CHR prosecutorial power, ayaw ng CHR ...

Matagal ng ayaw yon subalit matagal na rin naming gusting ibigay sa kanila. Ang napagkasunduan kanina ay basta hindi exclusive at sole ang karapatang magprosecute ng human rights cases sa CHR, tatanggapin nila at gagampanan nila ang tungkuling yon. Ilalagay naming sa amendment ng panuklaang bill yon para mabigyan ng option ang CHR na magprosecute ng human rights violations kung saka-sakali hindi ginagawa ng DOJ yung kanialng trabaho.

Gaano kalaking budget ang kailangan nila? Pinag-aaralan nila yung staffing pattern at ibibigay naming sa DBM, handa ng kongreso na ibigay yon

News Latest News Feed