Press Release
January 19, 2009

Transcript of Senator Mar Roxas' interview in Punto por punto
with Anthony Taberna

On World Banks corruption perception in RP

Anthony Taberna: Mag-iimbestiga ba ang Senado ukol sa report ng World Bank?

MAR: Magiimbestiga tayo. Talagang nakakahiya ito. At kung titingnan natin ang pattern, mukhang yung mga taga-labas pa ang siyang gumagawa pa ng trabaho ng anti-corruption dito sa ating bansa. Kung titingnan natin, si Jocjoc dun nahuli sa Amerika, itong Euro Generals dun nahuli sa Russia, yung General Garcia sa Amerika din nahuli, ngayon itong World Bank, sila pa yung nakahuli ng korupsyon ditto sa ating bansa. Bakit tila napakahirap dito sa ating bansa, tayo mismo pigilan ang korupsyon na siyang pamamaraan kung papaano yumayaman ang mga nasa pwesto?

Anthony: Sino ba dapat ang nakakapansin ng ganito?

MAR: Para sa akin, dalawa lang yan e: Una, yung leadership, so si PGMA, si Gloria dapat ang nangunguna dito, by example at pati yung kanyang kamay na bakal, yung kanyang katarayan, yung kanyang micro-management, dyan niya ilagay.

Pangalawa, yung Office of the Ombudsman kasi siya naman talaga yung tanggapan na kung saan yan dapat ang nagfa-file ng kaso. Ikinalulungkot nating lahat na itong mga high-profile cases na ito ay wala pang na-file ang Ombudsman.

Anthony: Ito bang ganitong klase ng collision between contractors and the Bids and Awards Committee ng DPWH, yan po ay bagong bagay sa inyong kaaalman?

MAR: Matagal na nating nadidinig yan na nagkakaroon ng bid-rigging. Ibig sabihin, may bidding man dahil kasama iyan sa proseso, pero napag-uusapan na ng mga kontratista kung sino ang mananalo sa bawat bidding. Tapos pinaghahati-hatian nila yung mga programa at proyekto ng gobyerno. Matagal na nating nadidinig yan at matagal na nating hinahabol yan, lamang hangga't merong sumigaw, o merong pumiyok diyan sa mga grupong yan, mahirap talagang humanap ng ebidensya.

Ang punto dito ay, yan ang dahilan kung bakit binibigyan natin ng pondo ang Ombudsman, yung PNP, yung NBI, yung DOJ. Milyun-milyun o bilyun-bilyon ang budget ng mga ahensyang ito, pero bakit kelangang taga-labas pa ang pupuna dito sa atin?

Itong sinabi ni Assistant Ombudsman Mark Jalandoni, sinabi niya na maghanap ng ebidensya. Saan ka pa hahanap ng ebidensya e itong si General dela Paz nung nasa Russia, inamin na niya na siya ang gumawa nito pero walang case na napapa-file. Ano ba ang hinahantay natin? Parang naghahanap ng mga dahilan sa sobrang katagalan ng proseso, sa katagalan ng mga ginagawa, na baka magkalimutan na lang.

Anthony: Ano ang magiging focus ng investigation?

MAR: Ako nadidismaya talaga sa sinagot ng Ombudsman's Office dahil sinabi nila, inamin na ng culprit--itong si General dela Paz--inamin pa niya, pero hindi pa napafile-an ng kaso. Siya na nagsabi na siya may gawa, bakit hindi pa natin filan ng kaso? Anong himala ang hinihintay natin bago file-an ito ng kaso?

Anthony: Sa kaso ng WB, walang perang lumabas sa gobyerno, pwede ba yun maging dahilan para ma-absuwelto ang mga taong sangkot dito.

MAR: Sa legalidad, hindi natin masasabi yan. Ang pinaka-importante dito ay bantayan natin ang pera ng taong-bayan. Napakahirap na lahat ng itong binabayad natin sa gobyerno--itong VAT, itong income tax--nakikita natin na basta-basta sa kurakot, sa anomalya na lang napupunta itong ating pera. At talagang nakakababa ng kredibilidad ng gobyerno. At iyan ang dahilan kung bakit ang tingin ng tao sa gobyerno ay napakababa.

News Latest News Feed