Press Release
February 2, 2009

Transcript of Senator Mar Roxas' interview in DZBB with Joel Reyes Zobel

On Senate investigation on pre-need companies

Q: Ano ang nais nating ma-achieve, in aid of legislation, dito sa ating pandinig sa pre-need?

MAR: Unang-una ay malaman kung ano talaga ang kalagayan ng mga pre-need companies na ito. Humingi sila ng tulong last week at maging nung iba pang mga panahon. Pero hindi natin alam kung itong paghingi natin ng saklolo ay nararapat ba o hindi. Kailangan nating alamin kung ano ang nilalaman ng kanilang libro, para malaman natin kung anong klaseng saklolo, kung anong klaseng tulong ang nararapat.

Q: Pag pre-need ang humihingi ng saklolo, bukod sa gobyerno, sino pa ang dapat nilang hingan ng saklolo?

MAR: Walang iba. Sa totoo lang, e bunga din ito ng lobby ng pre-need companies. Dati-rati gusto nating higpitan itong mga pre-need companies na ito. Pero nilabanan nila. Sabi nila: "Hindi. Mamamatay kami kapag sobrang mahigpit". At halimbawa hiningi natin na magkaroon ng insurance ang kanilang mga deposits, katulad ng PDIC, tinanggihan nila, nilabanan nila ito. Pero sa ngayon mukhang kulang itong paghihigpit na ito dahil kung saan saan ini-invest itong perang ito, na ngayon ay nagkukulang ang pambayad nila ng tuition.

Q: It's about time na silipin ang problemang ito ng Senado.

MAR: Tama ka diyan. It's about time talaga. Ang tagal tagal na nito. Noong nakaraang mga panahon, yung CAP, yung Pacific, lahat. Ang dami nang nagsara. Aba'y biro mo itong ating mga magulang, nagsakrepisyo ito, nagtabi ng pera ang mga ito, hindi nila ginastos itong perang ito para masiguro ang edukasyon ng kanilang mga anak. Tapos ngayon mabubulaga sila na ganun-ganun na lang na itong pera nila ay nawala na? Aba'y kung sa bangko ito ay estafa ang charges nito. Kaya titingnan natin kung saan nilagay itong perang ito, kung nasa tama ba o hindi? Kung talagang malas lang, o talagang may kontsabahan at pinagsamantalahan itong perang ito. Kung kinakailangan ay magpa-file tayo ng kaso.

Q: Pati ang problema ng Legacy titingnan?

MAR: Kasama. Yung Legacy Pre-need a. Sa susunod yung Legacy na banks.

On party's choice as standard bearer for 2010 elections

MAR: Malugod kong tinatanggap yung kumpiyansa na pinakita ng ating mga kapartido. Lalahok po tayo sa proseso. May proseso po ang ating partido. At ako, bilang pangulo ng partido ay hindi naman dapat na unang lalabag sa proseso na ito. E ako naman ay naniniwala na mataas man o mababa, malaki man o maliit, dapat lahat sumusunod sa proseso.

News Latest News Feed