Press Release
February 3, 2009

Transcript of interview with Senator Pia S. Cayetano on workers' deaths
and labor violations at the Hanjin shipyard project in Subic

Q: How do you feel po dun sa bus accident kanina?

SPSC: My first reaction was how terrible, I think 50 employees ang nabiktima nito, and again we were told na subcontracted bus shuttle service ito. Pero liban dun sa mga nasaktan, ang lagi nating titignan, kami as legislators, ano ba talaga ang pananagutan ng Hanjin dito, kasi hindi naman sila pwede laging magtago sa fact na meron silang subcontractors. My heart goes out to the workers, balita ko nagkakarerahan yung mga bus dito, and that's really terrible.

Q: Hanjin is put to blame, dahil Hanjin is the subcontractor?

SPSC: If I will connect this to the hearing, doon pa lang sa construction activities ng Hanjin, 84 na ang kanilang subcontractors, sa shipbuilding, 20 plus. Mahigit kumulang 100 ang subcontractors, pero ang nakaregister lang sa DOLE is 21. papano ngayon hahabulin ng empleyado ang mga subcontractor kung hindi nakaregister? The labor code prohibits labor only contracting, kung hindi ka registered, for me, may konting duda yan kung talagang matinong contractor or labor-only lang which is prohibited by law. Isa pa, SBMA wrote a letter to DOLE na kung saan sinasabi ng SBMA na 9 na taon nyo na kami hindi pinapapapsok dito, wag nyo kami pasukin basta-basta. I respect the autonomy of SBMA, pero sa mga nakita kong problema both on the environmental side at labor issue, hindi pwedeng sabihin ng SBMA na kami na ang bahala dito because hindi ko alam kung ang labor center nila ay may training to look into working conditions, na ang alam ko DOLE ang merong ganun. And they have not been able to conduct inspections of the companies at SBMA. Yan ang problema natin.

Q: May responsibility ba ang administrator or chairman ng SBMA dun sa abuses ng Hanjin?

SPSC: SBMA being the governing body dun sa locators nila, ang laki ng pananagutan nila in a sense na sila ang dapat nag-iimplement ng batas, kung ayaw nilang pumasok ang DOLE, DENR, it's because gusto nilang sila ang managot sa locators nila, they should work hand in hand with these agencies pero in a way pineprevent sila, ang sinasabi ng SBMA hindi pineprevent pero from our hearing hindi makapasok ang DOLE. Sabi ng DOLE, humingi sila ng list of locators, hindi sila binigyan. Nang magpunta sila ng SBMA, sinabi ng labor center ikaclarify pa ang procedure. Nirerespeto ko ang SBMA but at the end of the day, namamtay ang ating mga mangagawa dahli ang basic conditions ng Hanjin at iba pang kompanya ay naba-violate ng paulit-ulit

Isa pang ehemplo, when we talk of safety standards, requirement sa labor code na merong full time na doctor na 8 hours ang shift. Doon sa oras na hindi peak season, may part time na doctor na tig-4 hours ang shift. Pero nagtestify ang head nurse nila na siya lang ang regular employee, nurses lang ang regular employee ng Hanjin, ang mga doctor nila meron silang usapang ng St., Jude Hospital. Pumupunta yung doctor ng umaga pero in the late afternoon hanggang madaling araw wala nang doctor na violation of the labor code. Sabi naman ng SBMA at Hanjin, meron silang MOA sa St. Jude kung saan doon itatakbo ang pasyente, pero again ang requirement ng labor code is yung ospital dapat within 5 kilometers ng site, pero ayon sa DOLE its more than 5 kilometers away, so may mga pasyente na hindi na nakakarating.

Q: Technically SBMA is violating our law

SPSC: By strict legal standards, the violator is the company pero I would take SBMA to task to regulate and to implement the law. Alam natin na iyong ibang legislators na gumawa ng charter, gusto nilang bigyan ng autonomy para mapangalagaan ang economic viability ng SBMA ganun din ang Clark and we respect that, pero kung di nila kaya iassure tayo na ang batas sa Pilipinas ay nasusunod then by all means, kailangan na sigurong ma-amend na ang charter nila. I want to be able to protect the investments coming in but not at the lives of our workers.

Q: Dahil ba sa violations kaya nagkaroon ng accidents?

SPSC: Yung Hanjin accidents may sinasabi na due to faulty working conditions, may sinasabi din na kasalan ng empleyado, pero pwede mo rin i-trace na tama ba ang training nila, para alam nila na mag-ingat sila because this is a very hazardous industry na pinasok ng Hanjin. Sa umpisa pa lang nung sinabi sa akin ng SBMA na nagrequire sila sa Hanjin na ganito ang safety standards last year, two years nang nandyan yan bakit ngayon lang nagrequire na magkaron ng doktor? Dapat noon pa nasa labor code iyan.

Q: According to Sen. Jinggoy, dapat i-suspend muna ang operations ng Hanjin hanggat walang capacity to ensure ang safety ng workers

SPSC: The labor code provides that the DOLE has the authority to suspend operations, I know that we do not have the political will to do that. I know na ang message na gusto nating iparating sa investors natin is that you have a stable business environment, tama naman yung mensahe, pero ano naman ang mensahe sa mga manggagawa natin? You can be assured na maaaksidente ka? We have to have a balance of interest here, and never should the welfare of workers be compromised. And that is exactly what is happening, it is being compromised at the extent of doing business with the foreign nationals that has threatened the Senate not to conduct investigations.

Q: So the committee can recommend?

SPSC: The committee can. Doon sa nakita ko na attitude ng DOLE, mukhang pursigido naman sila na mag-conduct ng investigation, pero sabi nga nila hindi sila pinapayagang pumasok ng SBMA. Sabi ng SBMA pinapayagan naman daw pero may mga kundisyon na mukhang hirap ang department to go in and do their business.

Q: More drastic measure din (inaudible) Hanjin at the moment

SPSC: I think we have been more than accommodating to Hanjin. Nakatanggap ako ng reklamo sa ibang locator ng SBMA na sinabi na kung kami gumawa ng maliit na kasalan ng violations ng mga batas dito, matagal na kaming pinasara ng Subic, pero ang Hanjin siguro kakaiba sila, ang dami nang namatay, andami nang violation, tuloy tuloy pa rin sila.

Q: So anong drastic measure ang pwedeng...

SPSC: I leave that to the department of Labor, but katulad ng sinabi ko, all the way up to closure, authority natin. Hindi ako nananakot, ayoko nang ibalandra diyan na ipapasara, hindi iyon. Ang alam ko na gusto ng mga kababayan natin na gusto nila ng trabaho, pero ang gusto natin, trabaho na hindi buhay ang kapalit.

Q: Susuportahan nyo po ba yung panukala ni Jinggoy?

SPSC: I am willing to suspend it, tignan mo naman linggo-linggo may namamatay. I leave it up to the department to figure out what they want to do at SBMA dahil masyado namang protectionist ang lumalabas.

Doon naman sa Malaria issue na hindi natin masyado nabigyan pansin, kapag pumasok ang isang negosyo sa isang lugar na alam naman natin na makakasira o may panganib sa kalusugan ng empleyado, iyon ay obligasyon din ng kompanya, and we know na may malaria sa lugar na iyon, kulang ulit ang response ng Hanjin. According doon sa task force, kapag may nilagnat, ipapdala doon sa municipal health center, samantalang sabi ng DOLE, napakadali mag-conduct ng test to see kung positive talaga sa malaria at bibigyan lang ng 2 days treatment para hindi tuluyang mamalaria at mamatay yung empleyado. Pero bakit pinapadala pa sa municipal health center? Andaming pagkukulang.

SPSC: The chairman stated that there will be a part two hearing dahil kulang pa sa oras, para tignan ang lahat. Isa sa hiningi ko ay listahan ng lahat ng subcontractor para naman malaman na kung sino itong mga hindi accredited, kasi sinasabi ng SBMA accredited silang lahat. But as far as I know, they do not have the capacity to conduct that kind of work, dapat sa DOLE yun, at hindi sila accredited ng DOLE, so we asked for a list of those subcontractors. And we want to hear from SBMA what health facilities are they putting up to ensure na may immediate reaction. Pinagmamalaki nila na ang kanilang doctor na may training sa advance cardiology, ano bang kinalaman noon sa mga binabagsakan doon, sa mga napuputulan ng paa? Baka ma-heart attcat pagkatapos? The reality I think is they need emergency doctors, yun ang gusto natin malaman.

Q: Bakit dadalawa kayo na senators at opposition pa? where are the other senators?

SPSC: Hindi na ako nagugulat sa ganun, kasi yung mga issue sa health, sa environment, kadalasan nga nag-iisa ako diyan. Siguro busy din sila sa ibang concerns, which I respect them for but I'm glad that the chair called for this hearing.

News Latest News Feed