Press Release
February 11, 2009

Transcript of ambush interview with Senator Chiz Escudero

"Hindi. Ang sinabi ng World Bank ay ito. Mayroon silang referral notice na binigay sa Dept. of Finance na finorward sa Ombudsman. Nilalaman nito ang general na mga nakita nilang problema sa procurement at bidding system ng DPWH kaugnay ng World Bank... Mayroon daw silang pangalawang report din, ito ang notice of sanctioned proceedings. Ito ay binigay sa contractors na iinimbestigahan nila atdoon nakalagay yung mga detalye ng accusations laban sa kanila, ano ba yung ginawa nilang mali at sinu-sino yung di umano'y kasabwat at kakuntsaba nila at kung ano ang ebdensya hawak ng WB laban sa kanila. "Ito ay nasa interest ng due process para mabigyan sila ng chance na sagutin ito. Ayon sa WB, lahat ng contractors na respondent ay nabigyan at nakatanggap ng kopya pero ang sumagot lamang ay isang kompanya, yung Chinese company. Lahat ng Pilipinong kontratista, hindi sumagot sa notice of sanctioned proceedings na pinadala sakanila ng WB. Ito ang nais namin kunin at ipa-sub poena sa hearing bukas upang mabigyan ng kompletong litrato ang komite kaugnay sa isyu ng WB bid-rigging."

"Iba ang copy ng ombudsman. Yung sa ombudsman ay copy ng findings ng mga anomalya at suggestion na dapat gawin at tignan kung saka-sakali pero hindi kasing detalyado ng notice of sanctioned proceedings sa mga kontratista."

"Sabi ni Ombudsman Gutierrez, hindi daw sila tulog sa pansitan. Ano ba ang nagawa nila sa 1 taon kaugnay sa WB report na binigay sakanila mahigit isang taon ang lumipas?"

"Hindi pwedeng affidavit lamang dahil ito'y kailangan sumpaan sa harap mismo ng Senado o sa kung sinumang officer authorized to administer oaths para ma-confirm niya ang mga nilalaman ng affidavit na ito."

(Bolante) "Maliban sa doctor niya, dapat icheck up siya ng doctor ng senado para makita't malaman kung tama ang sinasabi ng doktor dahil kung personal na doctor yan, alangan naman may isabi siyang kontra sa personal interest mo."

(WB) "Wala silang binanggit na pangalan. Ayaw nila at strikto sila sa disclosure procedures at policy sa mga imbestigasyon. Kaya sabi nila iaapila nila susog sa kahilingan ko yung pagbibigay ng kopya sa senado. at sinabi nilang kung gusto mo ng mas detalyadong kopya, makukuha ko yan sa mga kontratista rason para hilingin ko ang pag sub poena ng notice of sanctioned proceedings na binigay sa mga kontratista. at ayon sa mga opisyal ng WB, kinompirma nilang hawak ito ng mga kontratista."

--- Credit Card (CC) ---

"Napag alaman namin ang mga sumusunod: una, may 14 CC companies na nag aalok ng credit card sa mga cardholders. 13 dito konektado sa bangko, isa lang ang hindi, yung OneCard, at ito'y pag mamay-ari ni Celso de los Angeles. sa pangalawang pagkakataon, nagturuan at kibit-balikat ang BSP at sinabing dahil hindi bangko ang nag-issue ng card na iyan, wala silang responsibilidad isupervise at bantayan. Sabi ng DTI, dahil hindi bangko ang nag-issue niyan, hindi rin sila ang responsable. Bakit kung sino pa ang hindi pormal na institution ang walang nag babantay at yung formal na institution napakaraming nagbabantay. Pinag usapan din kanina yung mga 5-6, ito ay isang credit facility na hindi tinitignan at binabantayan at walang nagreregulate na ahensya ng pamahalaan. hindi makakaila na maraming 5-6 na nag lipana sa buong Pilipinas, saan mang probinsya. Ni walang nagbabantay o nagsasabing itong mga tao na 'to, nagbabayad ba ng tamang buwis sa kinikita nilang napakataas na interest na pinapataw sa ating mga kababayan. Naghugas kamay muli ang BSP at nagsabing hindi raw yun saklaw ng kanilang kapangyarihan. Isa ito sa mga tutugunan ng Kongreso dahil sa tingin ko'y hinog na ito para sa isang magandang piraso ng legislation para hindi na maulit muli ang situation na ito. Ayon rin sa CCA, more or less P113B ang collectibles ng mga 14 CC companies. Sa figure na ito, 8.8% ang past due o more or less P11.4B para may update tayo sa nalalapit na credit crunch o credit crisis sa America. Hiningi namin yung data mula 1995 para makumpara namin ang pagtaas o baba ng figure na yan kapagka may crisis na hinaharap ang ating bansa partikular noong 1997, noong Asian Financial Crisis."

"Ibig sabihin nun, ikaw pag nag imbento ka ng credit card at binigyan mo kaming lahat, walang magbabantay o regulate sayo at pwede mong gawin ang kung anumang gusto mo dahil hindi ka bangko. Mali at nakakalungkot na kung sino pa ang walang track record, yun pa yung walang nagbabantay. Ang BSP ay nakatutok lamang sa mga CC na may bangko. Yung wala, hindi tinignan at tinutukan."

"So ang lumalabas sa Legacy, tinamaan at nabiktima ang planholder ng kanilang pre-need company. Tinamaan ang mga depositor ng kanilang mga bangko. Tinamaan yung mga investor dahil sa kanilang scheme. Tatamaan din ang mga establishments na ginamitan ng OneCard dahil malamang wala na silang pambayad dito."

"Kung magagalit tayo kay de los Angeles, dapat ay magalit din tayo sa BSP at SEC na hindi ginawa ang kanilang tungkulin at trabaho sa investing public at sambayanan."

News Latest News Feed